4

25 3 0
                                    


araw ng sabado, inutusan ako ni mama na mag grocery. hindi maalis sa isipan ko yung sinabi ni vince sa akin kahapon.

Amelia: nagbibiro lang sya sigurado yun. kilala ko sya, puro sya kalukuhan.

(nagring yung phone ko, si vince tumatawag. agad ko namang sinagot ito.)

Amelia: oh, hello?

Vince: ba't di mo sinabi na naggogrocery ka?
pupuntahan kita dyan okey?
hintayin mo'ko.

(sasagot pa sana ako kaso pinatay na nya agad yung tawag.
at maya maya pa may tumawag sa pangalan ko. isang familiar na boses.)

Yohan: amy.

(napalingon ako sa may likuran ko, at nasurpresa ako kasi si yohan yung nakita ko.)

Amelia: oh yohan!
nandito ka rin pala?

Yohan: (ngumiti)
may binili lang ako dito.
tapos nakita kita.

Amelia: (napangiti nalang ako sa kanya)

Yohan: mag isa ka lang?

Amelia: oo.

Yohan: madami ka pang bibilhin?
sasamahan na kita?

Amelia: (nagustuhan ko naman yung alok nya, hindi ako pakipot wala akong ganung ugali sa katawan ko.😁)
okey, sige.

( yun nga, sinamahan nya ako sa pamimili. Masaya syang kausap talaga. Napakagentleman nya. pinipigilan ko yung kilig ko sa tuwing nakikita ko syang ngumingiti sa akin. Napakaguapo nya talaga..ang sarap pisil-pisilin ng mga pisngi nya.

ilang sandali pa, dumating na nga si Vince. agad nya kaming nakita at lumapit sa amin.)

Vince: (nakatingin lang sa aming dalawa.)

Yohan: nandito ka rin pala vince.

Vince: oo. (tumingin sya sa akin)
actually, pinapunta ako ng mama nya dito para tulungan sya.

yohan: wag kang mag alala, tinulungan ko na sya.
sa tingin ko nabili na namin lahat.

Amelia: ahm_ oo. kumpleto
na lahat.

Vince: kung ganun, bayaran mo na yan sa counter.

Amelia: ha?

Vince: bilisan mo sabi! (medyo galit nitong utos sa akin.)

Amelia: (gusto kung hampasin si vince sa pagiging bossy nya. nagpigil lang talaga ako dahil kasama namin si yohan.)
oo na!

(mag isa kung tinungo yung counter)

Vince: akala ko ba, hindi ka interesado kay amy.
(sabi nito kay yohan.)

Yohan: (napangiti)
bakit?
bawal ba'ng magbago ng isip?

Vince:(natawa)

Yohan: kung sasabihin ko sayo'ng
interesado na ako sa kanya?
anong gagawin mo?

Vince: Hindi ko hahayaang mapunta sayo si amy.
kilala kita.
pagnasaktan sya ng dahil sayo,
hindi kita mapapatawad.
(banta nito kay yohan. at pagkatapos ay iniwan na nya ito at sinundan ako sa counter.)

Anyone Else but youWhere stories live. Discover now