nakatulala ako sa kesame habang paulit-olit kung naririnig yung mga huling sinabi sa akin ni vince.siguro nasaktan ko sya.
kailangan kung humingi ng sorry sa ginawa ko bago mag prom.
ayokong masira yung friendship namin. kailangan talaga akong magsorry.Kinabukasan, maaga akong pumunta sa school para kausapin si vince..
habang naglalakad ako napansin ko si vince na may kausap na babae.
pansin kong napakasaya nilang dalawa habang nag-uusap.Napatigil ako,
siguro pwede naman kasing magkagusto sya sa iba,.
Masyado lang akong feelingera sa pag- aakalang sa akin lang talaga lahat ng atensyon nya.
Napakaganda nung babae, at sa tingin ko sya yung makakasama nya sa prom.Hindi ko na namalayan na natagalan na pala ako sa kakatingin sa kanila.
Nagulat nalang ako kasi biglang napatingin si vince sa akin.
tumalikod ako agad sa kanila at mabilis na naglakad paalis.
bakit parang bigla akong nalungkot nung makita ko syang may kausap na iba at subrang saya pa nilang dalawa?
hanggang sa classroom ramdam ko yung lungkot. nakaupo lang ako sa tabi at hindi nagsasalita.
maya maya pa dumating na si vince.
nagkatinginan kami, pero umiwas sya agad. hindi nya ako pinansin.masaya syang nakikipag usap sa mga kaklase namin. Kasalanan ko kung bakit umiiwas sya.
Natapos nalang ang buong araw, hindi na nya talaga ako pinapansin.
yohan: (lumapit sa akin.)
may problema ka ba?
kanina ka pa tahimik.amelia: wala.
Yohan: pwede mong sabihin sa akin.
wag kang mahihiya.Amelia: (tumingin lang ako sa nakangiting si yohan.)
(sa soccer field sa campus.)
yohan: talaga ngang napakaclose nyong dalawa.
akala ko nga dati boyfriend mo sya.Amelia: naku, hindi noh.
Yohan: ni minsan ba hindi sya nagkagusto sayo? o , kahit ikaw nagkaroon ng pagtingin sa kanya?
Amelia: (ayokong aminin ky yohan na may gusto sa akin si vince. ayokong layuan nya ako.)
talagang bestfrienda lang kami.Yohan: (ngumiti na nakatingin sa akin.)
Amy,.. Gustong-gusto kita.Amelia: (medyo kinabahan naman ko sa narinig ko sa kanya.)
Yohan: ayaw kitang pilitin na gustuhin mo rin ako.
Amelia: (sa sarili) kung alam mo lang yohan.. matagal na matagal narin kitang gusto...
Yohan: (ngumiti)
Gusto kitang halikan ngayon sa totoo lang.Amelia: huh?! (gulat na gulat naman ako sa sinabi nya.)
Yohan: (bahagyang natawa, tumingin sya sa akin ng diritso. habang ako ay nakatingin lang din sa kanya.)
Napakaguapo nya talaga, hindi ako makapaniwala na yung lalaking matagal ko ng gusto, sinasabi sa akin ang mga ganung bagay.
kinabahan ako bigla nung unti unti nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko, lumalakas yung kabog sa dibdib ko lalo na nung naramdaman kung hinawakan nya yung pisngi ko.
napapikit nalang ako kasi alam ko hahalikan nya ako.
pero biglang may nagsalita sa likuran namin.,)Vince: amy..
(agad kaming napalingon kay vince.)
Nagkausap kami ni vince pagkatapos ng klase. humingi sya ng sorry sa hindi nya pagpansin sa akin sa mga nagdaang mga araw.
vince: sorry.
nasaktan lang ako sa sinabi mo.Amelia: sorry din.
Vince: (napangiti)
pasensya narin kanina.Amelia: (natawa nalang ako.)
wala yon ha..
pero__muntik na.Vince: alam kong pangarap mo yun.
Amelia: ang alin?
Vince: yung mahalikan ka ni yohan.
Amelia: hindi ah.
Vince: wehh..
Amelia: (natawa) tumigil ka na..
nakakahiya..Vince: (natawa narin sya.)
pero seryuso to amy.
(tumingin sya sa akin ng diritso)
kung saan ka sasaya,
masaya narin ako.
pero kung sasaktan ka nya,
hindi ako magdadalawang isip na kunin ka sa kanya.
sana tatandaan mo yan amy.Amelia: (natouch at napangiti ako sa narinig ko.)
wag kang mag alala.
mabuting tao si yohan.
hindi nya yun gagawin sa akin.Vince: Hindi kita pababayaan.
Amelia: salamat.
so, friends na tayo ulit?Vince: (bahagyang ngumiti)
kailan pa tayo hindi naging friends.(masaya ako at bumalik yung pagiging magkaibigan namin. At nakwento nya din sa akin na yung babaeng nakita ko, yun yung babaeng dadalhin nya sa prom. At balak nya itong ligawan.)
YOU ARE READING
Anyone Else but you
Romantiki wrote this story on my tiktok account last year @minminfinds20 account. Sana magustuhan ninyo ang full story of Book 1. samahan natin si amy through her journey of love together with these two Lovely guys Vince and Yohan.😍