55: Beach Prep

124 17 1
                                    

"ATE KITTY, sure ka ba na okay lang itong mga swimsuit na dadalhin ko?" I looked warily at my sister. Hindi ko naman iniisip na ipapahamak niya ako. I'm just not that confident.

Sabi ni Riley ay beach resort daw iyong pupuntahan namin. I initially thought that I would have a hard time getting permission. Pero mabilis pa sa alas kwatrong pumayag sila papa at mama. Si Ate Kitty naman mas excited pa yata sa akin.

"Oo naman, Kalai. Hindi pwedeng puro rash guard lang ang isuot mo dun 'no."

I looked at the black one-piece swimsuit and another black two-piece bikini. Kay Ate Kitty talaga ang mga swimsuit na 'yan. Binili daw niya online matagal na. Pero hindi pa raw niya naisusuot hanggang ngayon. Nirereserve daw niya ang mga ito para sa summer outing nila ng mga kaibigan niya. Matagal pa ang summer. So I didn't really get it. But that's generally how I feel about these stuff. So never mind.

"Sayang, weekdays kasi. Kulang na tayo sa time para mamili ng mga bagong swimwear para sa'yo."

Kailangan ko palang magpasalamat na weekday ngayon.

"Ah, wait! May isa pa pala akong tinatagong swimsuit! Wait ka lang, Kalai, bakit nga ba ngayon ko lang naalala?"

Mabilis na lumabas si Ate Kitty sa kuwarto ko. In a few minutes, she came back with a small box.

"Ano 'yan?"

"This is perfect for you, Kalai."

Nagdududang pinanood ko ang pagbubukas ni Ate Kitty sa box. Duda talaga ako sa sinabi niya kasi lagi naman niyang sinasabi na perfect sa akin ang kahit na anong damit.

"Niregalo sa akin ni Lea ito noon. Pero kilala mo naman ako. Ayoko sa mga simpleng designs. Hindi ko lang maatim na ibenta o i-donate ito kasi regalo to sa akin ni Lea." Bestfriend kasi ni Ate Kitty si Ate Lea. "Eto, Kalai, tignan mo. I'm sure magugustuhan mo ito. It's a tankini."

"Tankini?"

The moment I held the material in my hand, I knew immediately that I liked it. Nakangiti na agad ako kay Ate Kitty.

"Do you like it?"

Sunod-sunod na tango ang sinagot ko kay Ate Kitty. Of course I like it. This is exactly why I trust her judgment. Just don't mind what I said a while ago.

"Pakisabi kay Ate Lea thank you din."

"Wag mo nang isipin si Lea. Niregalo na niya sa akin yan kaya akin na yan."

Ngumiti na lang uli ako at pinagmasdan ang binigay niyang tankini. Sa totoo lang napakasimple lang naman nito. The top looked like a simple tank top with some lace at the bottom. Itinapat ko sa sarili ko ang top. Mas matangkad ako kay Ate Kitty so mas mahaba ang upper body ko sa kanya. Medyo cropped tuloy ang top part. Pero okay lang iyon. It was just a couple of inches. Mas gusto ko na ito kesa doon sa bikini top at one-piece swimsuit na may malaking butas sa parteng tiyan. Ang bottom part naman ng tankini ay boyleg ang design at may nakapalibot na maiksing palda. It's really perfect for me.

"Thank you uli, ate."

"You're welcome. By the way, dalawang pares yang tankini na yan. Meron pa sa ilalim."

True enough, there's another more flowery version under the wrapper. Lalong lumapad ang ngiti ko. And I suddenly felt the urge to hug my sister.

"Ah... Kalai?"

I realized that I didn't just think it. Niyakap ko pala talaga siya. But before I could react or speak, gumanti na ng yakap si Ate Kitty.

"Sabi ko na nga ba maiimpluwensiyahan din kita sooner or later."

Napangiti ako sa sinabi niya. But I wasn't so sure kung siya ba talaga ang nakaimpluwensiya sa akin. I was never a hugger. Lagpas 20 years na akong pilit na iniimpluwensiyahan ni Ate Kitty. Bakit ngayon lang, di ba?

Little Miss Invisible (WIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon