39: Surprise Reunion?

435 26 5
                                    

"Ngayon ka lang yata uli napadpad dito, pare."

Tinanguan ko lang si Cris bago ako naupo sa tapat ng counter.

"Ano'ng gusto mong inumin?"

Umiling ako. "I'm not drinking today. Susunduin ko pa si Kalai mamaya."

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang biglang pagtigil ni Cris sa pag-aayos ng mga shot glass. I would have laughed because of how comical he looked. Pero wala ako sa mood ngayon. So I just let it pass.

"Teka, did I hear you right? Hindi ka iinom kasi susunduin mo pa si Kalai mamaya?"

"Yeah, man. Malapit lang dito ang studio kung saan sila nagrerehearse. Kaya naisipan kong tumambay muna dito sa Jas Cafe."

"Whoa."

This time I really turned to face him. Hindi ko na din napigilan ang mapangiti. "Mukha kang tanga."

"Seriously? Girlfriend mo na ba talaga si Kalai?"

Natatawang napailing ako. "If only it was that easy."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"We're... dating."

"Ha?"

"Napagkasunduan namin na magdedate lang muna kami for three months. No labels. Just dating."

Suddenly, a bottle of beer appeared in front of me. "Sige na. Yan na ang pinaka-watered down na beer dito. Hindi ka tatamaan diyan kahit uminom ka ng limang bote ngayon. You look like you really need a drink, pare. Hell, just hearing about your three months dating thing is enough to make me want a drink myself."

Tinignan ko ng masama si Cris. Pero mukhang ganado pa siya sa pagsasalita. Ni hindi niya napansin na dumukwang na ako sa counter.

"Honestly, pare, I don't get women at all. Ang gusto nilang lahat ay baguhin ka o magbago ka para sa kanila. Seriously, who do they think they-- hey, what the hell man?"

Kung hindi pa tinapik ni Cris ang braso ko ay hindi ko mapapansin na mahigpit na pala akong nakahawak sa balikat niya.

"Wala," umatras na ako at umayos ng upo. "Nevermind."

"Sigurado ka?"

Tumango lang ako saka tinungga ang bote ng beer na ibinigay niya kanina.

"Ang weird mo ngayon."

Muntik na akong matawa. Ganito ba ang nagagawa ng pagiging involved ko masyado kay Kalai? Nagiging weird na din ako?

"Shit! Ngayon naman bigla ka na lang ngumingiti." Tinapik ako ni Cris sa balikat. "Pare, sigurado ka bang okay ka lang? Pinapakaba mo na ako eh."

"Paano kung sasabihin ko sa'yo ngayon na ako ang nagsuggest na magdate muna kami ni Kalai bago siya magdesisyon tungkol sa patutunguhan ng relasyon namin?"

Cris grinned. "Riley, wag mo kong binibiro ng ganyan. Kung gusto mo ng mapagti-tripan, hanapin mo si Troy. Wag ak-- shit! What the hell is wrong with your face? Bakit ganyan ang ngiti mo ngayon? Don't tell me," umiling-iling siya. "You're serious?"

Hindi na ako sumagot. I just continued drinking.

"Nah, hindi ako naniniwala sa'yo. Kung si Troy pa siguro, mauuto mo jan sa ganyang kwento. Speaking of Troy, isa pa yun na hindi nagagawi dito lately."

"Busy pa siguro sa pagtatago."

"Pero seryoso, pare, wag mo akong binibiro ng ganun."

"Sino ang nagsabing nagbibiro ako?"

Little Miss Invisible (WIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon