Kabanata 21

3 1 0
                                    

"Silas! Anong ginagawa mo?!"

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa baril at hindi pinansin ang tanong na iyun ni Mama. I stared at her husband directly, showing nothing but everything they never saw in me. Everything.

"I just want to be loved, Pa." Napalunok kaagad ako habang nakatutok pa rin ang baril kay Papa. "I want nothing but a family. Is that so hard to give?"

"Hoy, Silas! Talagang napakakapal ng mukha mong gago ka!" Kaagad na itinutok ni Manuel ang baril niya sa 'kin.

And I know him too well. He will never hesitate pulling the trigger when he wants it. Kaya naman bago niya pa ako matamaan, kaagad kong itinutok sa kaniya ang baril at walang pag-aalinlangang ipinutok iyun dahilan para matamaan ang mismong dibdib niya.

Mama gasped at what happened. Napaatras naman kaagad si Papa at pansin ko rin ang dali-daling pag-ahon ni Javier mula sa pool.

"Guards!" he shouted when he finally got out of the water. "Guards!"

Napatiim-bagang kaagad ako at walang pag-aalinlangang itinutok sa kaniya ang baril. And before he can call those goddamn guards of him, I pulled the trigger and shot his head.

Muli siyang nahulog sa pool, duguan at wala ng buhay.

"Silas—"

"Did you see that, Pa?" I asked before pointing the gun at him again. "Ganoon ko pinatay lahat ng mga kalaban mo. Easy and peaceful. No screams can be heard, except, of course, if you order me to torture them first."

"S-silas, anak! P-please, stop this!" Mama cried out, horrified. Unti-unti siyang napaatras sa 'kin, halatang takot na takot sa mga nakita nito. But all I can do is to stare at her and smile.

"Close your eyes, Ma." I softly said. "You have nothing to do with this."

"N-no, S-silas—"

"You bastard!" Papa immediately started backing off. "Wala kang kwenta! We raised you! We gave you food to eat! Binihisan ka namin at binigyan ng pera! At ito ang isusukli mo sa lahat ng ginawa namin para sa 'yo?! You seriously lost it, have you?!"

Napatingin akong muli kay Papa kapagkuwan ay hindi maiwasang matawa ng pagkalakas-lakas dahil sa narinig kong iyun mula sa kaniya. Of all the things I imagined that I would hear, talagang iyan pa? Goddamn it. Seriously?

"And to think that I'll hear you apologize after doing that," napailing-iling kaagad ako sa sarili. "Talagang ang tanga ko rin, ano?"

"You seriously have lost it, you monster!" aniya bago madapa sa sahig nang matamaan niya ang kinauupuan ni Manuel kanina.

He fell beside his son. But instead of weeping like any Father would do, his eyes just widened and avoided touching his son's body. It was as if he's nothing but those people he'd seen dead.

"Bago ako, ikaw muna ang naging halimaw, Pa." Kaagad akong humakbang papalapit sa kaniya. "You're the one who made me like this. So, why are you trying to run away? Why the fuck are you afraid of your best soldier?"

"I'm not afraid!" He shouted before laughing and shaking his head. "I'm not afraid, Silas! Bata ka lang! You're nothing but a child! Walang matatakot sa 'yo—"

Kaagad kong binaril ang paa niya dahilan para mapahiyaw ito dahil sa sakit. I gritted my teeth as I stared at him crying in pain, blood rapidly coming out of his leg, and body shaking. Syempre, hindi siya nanginginig dahil sa takot.

Gaya ng sabi niya, 'di ba? Bata lang ako.

"Be proud, Pa." Ngumiti kaagad ako sa kaniya. "You raised a child who can pull the trigger while pointing the gun at his so-called Father."

Sights of the Murderer [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon