Chapter 1: Bad Habit

5.4K 124 35
                                    

From Destiny's Child's "Bad Habit"

 

"And everytime that we break up

We turn around and make up

This can't go on now

I gotta move on now

It's not the fact that I don't love you no more

But I gotta break this bad habit

Can't take this bad habit no more"

 

Sa labas ng club ni Bryan...

Pochee: (habang nakatingin kay Mo na tawag ng tawag kay Gan) Beks, tara na. Pasok na tayo sa loob.

Mo: Wait lang. Di sinasagot ni Gan yung tawag ko eh. (maya maya may sumagot na sa tawag niya) Hello? Asan ka na ba?

Gan: (on the phone) Nandito na. Nagpapark lang ako.

Mo: Kanina pa ko tawag ng tawag.

Gan: Hon, nagmamaneho ako. Nagtext naman ako sabi ko on the way na ko diba?

Mo: Bumaba ka na ng kotse. Bilisan mo. Kanina pa naghihintay sila Bry sa loob.

Gan: Ok ok. (ended the call)

Pochee: (tinapik si Mo) Beks ano na?

Mo: (mukhang inis na inis) Andyan na raw siya sa parking.

Pochee: Yun naman pala eh. Dun na natin sa loob hintayin.

Nakita nina Pochee si Gan naglalakad palapit sakanila. Sinalubong ni Pochee, bumeso sakanya si Gan. Nung kay Mo na siya bebeso...

Mo: (umiwas sa beso ni Gan) Ang tagal mo.

Gan: (boses naglalambing) Nandito na ko oh. Wag na tayo mag-away please?

Mo: Gan, anniversary ng barkada ngayon. Isang oras at kalahati kang late.

Gan: (hinawakan kamay ni Mo) Galing ako sa trabaho. Alam mo namang traffic ngayon. Tsaka hindi naman tatakbo 'tong club. Bakit kailangan magmadali?

Mo: Late ka na nga, namimilosopo ka pa. Bakit ba kasi ang hilig hilig mo mag-overtime?

Pochee: (bumubulong habang kunwari nagchecheck ng phone) May tinatrabaho... work kaya o tao?

Gan: (binatukan si Pochee) Gagatong ka pa eh! (tumingin kay Mo) Wag na mainit ulo ok? Tara na. Pumasok na tayo sa loob. (nginingitian si Mo, di siya pinapansin)

Sa mga ganitong pagkakataon isa lang ang ginagawa ni Gan na nakakapagpakalma sa girlfriend niya. Kurutin siya sa ilong na madalas niyang ginagawa pag hindi niya mahalikan si Mo dahil either nasa public place sila o dahil nasa gitna sila ng matinding away, in this case... both.

Mo: (after her nose was pinched) Aray! Ano ba! (tinanggal kamay ni Gan sa ilong niya)

Gan: Ay. Wala ng epekto sayo yun?

Pochee: O teka. Ayoko ng eksanang landian dito ah. (kinuha kamay ni Gan at Mo) Tara na!

Sabay sabay pumasok sa club sina Pochee, Gan at Mo. Pagkakita sakanila ni Bryan sa entrance, sinalubong sila at sabay sabay sila pumunta sa VIP room. Natigil sa pagchichikahan sina Jhona at Bree at kumuha ng mga shot glass. Inabutan sina Pochee, Gan, Mo at Bryan.

KTnxByeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon