Dynamic Duo <3 (Part 1)

42 1 0
                                    

Molly's POV

Pagkarating namin ni Aldwin sa room, parang automatic na napadpad samin yung mga tingin ng mga classmates namin..

Aldwin and I are just like,

"WHHHUUUTTT??"

"Hoy! kayong dalawang bubwit! saan kayo galing aber?! At magkasama pa talaga kayo ha?" sabi ni Alrick sabay ng mapanlokong ngiti.

"Huh? Ah eh..." sasagot na sana ako pero---

"Kase bumawi ako sa pang-aasar ko sa kaniya." Diretsong sagot ni Aldwin.

Kakaloka ha! Kailangan talaga direct to the point? Phew. Ansakit sa bangs ha.

"Ayiiiiiiiiieeeee!" Sabay sigaw ng klase. Ok, you can kill me now. Oh yeah! Uh-huh!

"tsk.tsk"

Tapos umupo nalang kami ni Aldwin kase dumating na si Ms. Lake-ngoso.

Oy! oy! wag kang tatawa! Natural talaga na ganyan ang last name niya ha. Si Ms. Lake-ngoso. Isusumbong kita!

Tapos yun. Naglecture na si Ms. Lake-ngoso ng kung ano-anong chuvaleklek portions until---

"Ok class... get a 1/4 sheet of paper then write your name. Magbubunutan tayo ng partners niyo para sa project niyo this grading."

Tapos naglabas na ako ng 1/4. Yung mga classmates ko, naka-abang na. Patay. O.O

"Pahingi ako Molly!"

"Ako din!"

"Pahingi din ako!"

"Uy ako pa!"

"Ako din! Pahingi!"

Naknang butiking binarbie-Q! Mauubos na tong 1/4 ko! -3-

Biglang humarang si Aldwin sa harap ko,

"HEP HEP! chillax lang po! Mahina kalaban! Bat ba kayo nanghihingi kay Molly? Alam niyo bang galing yan sa dugo't pawis ng mga magulang niya? Sa panahon ngayon, wala ng libre-libre! Kailangan mo magsikap! Dahil bumababa na ang ekonomiya ng Pilipinas!!!!"

Huh? ok na yung una eh. Bat napunta sa ekonomiya ng Pilipinas?

Ano konek ng 1/4 sa ekonomiya? Anlabo.

"Oy! Hindi ako nanghingi kay Molly ng 1/4 ha! I'm innocent!" sabat ni Lenny

"Me too! Hindi ako nanghingi! Over my drop dead, gorgeous, hot, sexah body! We're rich no!" Sabi ni Queenie. Siya yung pinakamaarte at mayabang sa room namin.

Siya din yung leader nung mga babae na nagtaray nung 1st day. Remember?

"K fine!" sigaw ni Ashlyn. Naiinis kase talaga yan kay Queenie.

"Sus! Protective ka lang kay Molly eh! Yiiee!" Pang-aasar nila.

"OK CLASS! STOOOP! PASS YOUR 1/4's! AT MAGBUBUNUTAN NA NG MGA PARTNERS NIYO!" sabat ni Ms. Lake-ngoso.

tapos yung world war IV sa room namin ay natigil na. Yaaay! Party! Party! :D

Nagbunutan na..

and ako na susunod.

Pagkabunot ko......

WAAAAAAAAAH!

OH HINDEEEE! TT^TT

Ang nabunot ko ay si-----

---------------------------------

A/n: Ok.. bibitinin ko muna kayo. xD I know panget ang update na to...

Sensya na ah, I-AM-NOT-A-PROFESSIONAL. bow. :))

Wait for the next update~ =]]

CRUSH... Why You So Gwapo?~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon