Dear J,
February ngayon, month of love raw, pero bakit ako'y tila lovesick? Tsk. Ahh, nakakainis 'tong feeling na 'to!
Assigned ang class niyo for this month's monthly event at syempre dahil required lahat ng students na manood, nakita kita! Cute cute mo no'ng sumayaw kayo ng mga kaklase mo, nakakatuwa kayong panoorin.
Kaso... bigla kang may pa-rosas doon sa kaklase niyong babae na kumanta. Girlfriend mo ba 'yon?
Tandang-tanda ko pa 'yong kinanta niya. 'Yong Kung Ako Nalang Sana! Hmp. Stuck pa rin sa isip ko 'yong kanta hanggang ngayon, pati 'yong thought na kung girlfriend mo ba 'yon. Parang bagay pa naman kayo, tsaka ang ganda pa niya!
Kanina hindi ko alam kung bakit ang lungkot ko pagkatapos mong bigyan siya ng rosas, pero ngayon alam ko na.
Malungkot ako kasi crush kita. I have a crush on you! Huhu.
But it's stupid, kasi naman I am 3 years older than you, at alam ko rin... na mahal ko pa ang ex ko.
Love,
M