Dear J,
Hi! This is weird but yeah, I just wanna write it dahil wala akong mapagsasabihan at mas lalo na ring hindi ko ito masasabi sa 'yo.
July na nga pala ngayon, ang bilis ng mga araw, parang kailan lang first day of school palang, ngayon malapit na ang town fiesta at nagpapractice na ang mga students para doon.
Tanda-tanda ko pa rin ang nangyari kaninang umaga. Ewan ko ba, ang weird, pero napapangiti nalang ako tuwing naaalala ko ang munting interaksyon natin kanina.
Nakatayo ako sa gilid ng stage when someone called me, kaya lumingon ako, at ayon, napatulala nalang ako. Isang cute na nilalang na may malalalalim na dimples ang bumungad sa akin, nakangiti pa. Sarap kurutin ng cheeks, kainis!
Hindi ko alam kung halata mo na napatigil talaga ako at hindi maalis ang tingin ko sa 'yo, sana hindi though, kasi medyo nakakahiya.
So ayon na nga, you asked me if pwede kong iabot ang barya sa ate mo, syempre "oo" rin agad ako. Iaabot lang naman e.
Pero ayon, ang cute mo nga talaga. Sad nga lang, umalis ka na agad after no'n.
But then, when you left, I realized something... something that caught my attention during the past month. So I asked your ate, at ayon, confirmed. Ikaw nga 'yon! 'Yong nakaagaw ng atensyon ko no'ng club shopping! Paano kasi bukod-tangi ang pagsulat mo ng pangalan mo doon sa papel kaya tandang-tanda ko pa talaga.
What a coincidence! Salamat nga pala ha, as the president of the Araling Panlipunan club, thank you sa pagsali sa club namin.
And wew, don't you think it's destiny? Haha, biro lang, bata ka pa nga pala.
Love,
M