PROLOGUE

9 4 0
                                    

HINIHINGAL siyang tumatakbo papalabas ng kakahuyan. Ramdam niya ang hapdi ng mga galos sa kaniyang braso, tuhod at sa malaking sugat nito sa balikat. Hindi niya batid kung saan ito nanggaling, ngunit alam niyang may panganib kapag siya’y huminto sa pagkakatakbo.

Madilim ng mga oras na iyon. Ngunit salamat sa bilog na buwan ay naaaninag niya ang masukal na daan ng gubat.
Dinig niya rin ang sunod-sunod na putok ng baril na batid niyang siya ang pinatatamaan.

Arrrrrgh!daing niya ng matamaan siya sa tagliran!

Halos matumba siya sa lupa dahil sa sakit na dulot tama mg baril. Napaaimpit siya sa sakit, ngunit kaniya itong ininda. Kailangan niyang makalabas at makalayo mula sa hindi niya alam na kadahilanan.

Sino sila? Bakit nila ako hinahabol? Tanong niya sa isip.

Hindi siya humihinto sa pagtakbo kahit na mangatumba ito at matalisod sa naglalaikihang ugat ng mga punong kahoy na naka-uwang sa mabatong daan. Hindi niya rin magawang lumingon at magtago dahil ramdam niyang malapit lang ang mga ito sa kaniya.

Ilang minuto na siyang tumatakbo.

Kinakapos na rin siya ng hininga.

Nanghihina na rin siya.

Hindi siya tumitigil. Dahil hindi rin sila humihinto. Rinig niya parin ang sunod-sunod na putok ng mga baril nito.
Ngunit tila walang katapusan ang gubat na iyon. Parang kahit na anong balikwas at liko niya ay hindi niya pa rin natutunton ang labas nito. Tila siya’y umiikot lamang sa pusod ng gubat ng paulit-ulit.

Hanggang sa matanaw niya ang liwanag sa hindi kalayuan.

Nagkaroon siya ng pag-asa!

Makakalabas na rin siya sa wakas!

Kaya naman ininda niya ang sakit at mabilis na kumaripas. Ngunit sa kaniyang pagkadismaya ay tumambad sa kaniya ang matarik na bangin. Nakaharap sa kaniya ang bilog na bilog na buwan na tila ilang pulgada lang ang layo sa kaniya. At sa baba ng bangin ay tanaw niya ang raragasang tubig ng ilog at matatalim na estalagmito.
Agad siyang tumalikod at muling tumakbo ngunit gayon na lamang ang kaniyang hilakbot nang makita niyang pinalilibutan na siya ng mga naglalakihang uwak na singlaki ng tao! Dahan-dahan itong lumalapit sa kaniya at tila nagsasalita na hindi niya maintindihan. Ilang pulgada na lang ang kaniyang layo sa dulo ng bangin nang may mahagip siya sa hindi kalayuan— isang batang babae. Tahimik itong nakatingin sa kaniya at nagtatago sa pagitan ng malaking ugat ng punongkahoy. Sa hindi niya alam na kadahilanan ay naramdaman niya ang pagtulo ng tubig sa kaniyang pisngi, mga luha.

At walang anu-ano’y, isang malakas na pwersa ang tumulak sa kaniyang dibdib upang siyang tuluyang malaglag sa matarik na bangin.

Bago siya mahulog ay may sinambit siyang mga salita na hindi niya maintindihan.
  

 
===°°°===

 
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental. Read at your own risk!

Votes and comments are highly appreciated. Thank you!

Aekise

CORVUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon