Patiently Waiting...

89 3 0
                                    

Nurse Alyssa Eunice Gutierrez

Dr. Vincent Kyle Salcedo 


- - - 

EUNICE 


"Anong time ka mago-out?" I asked Kyle through a phone call. 5 o'clock na, and luckily, for me, makakauwi na ako. Ewan ko ba, may trip kasi itong kaibigan kong si Ivy na doctor kaya palaging maagang pumunta rito at magcocover ng shift ko. 

Obvious naman na bet na bet niya si Dr. Moranda, siya kasi yung doctor na palagi kong kasama sa rounds. Hindi na ako nagrereklamo kapag andyan na si Ivy na may ngisi sa kanyang labi at sasabihing, "Ako na bahala rito. You can go now, and meet your labiloves." Sympre, hindi na ako tatanggi sa blessing kaya hinahayaan ko nalang siya. 

"I still have 5 hours left, bub," I heard Kyle sighed sa kabilang linya. Napakagat nalang ako sa aking labi at tumango-tango. Ganto naman kami lagi, e. Palaging hindi nagtutugma ang oras para sa isa't isa. 

"Okay," sabi ko nalang. Narinig ko siyang nagbuntong-hininga, "Bub, alam mo namang marami kaming patients ngayon na kailangan talagang tutukan. Don't worry, pagkatapos at pagkatapos ko rito sayo rin naman ako didiretso," pagbubulag loob niya saakin. 

Umirap lang ako kahit hindi niya nakikita, "Hmp!  Sige na nga, didiretso nalang ako sa condo. Hihintayin kita roon. Kyle, may naghihintay sayo, ah!" pag-uulit ko. Ilang beses na rin kasing nangyari saamin na hindi kami nakakauwi dahil may mga emergency na nangyayari. 

Pinipilit kong 'wag nalang gawing big deal o malaking issue itong mga emergency kasi given our occupation, hindi talaga maiiwasan ang mga ganoong bagay at pangyayari. Pero sympre, minsan, nakakatampo rin. 

"I will," sabi niya. Nagkwentohan pa kami ng kung ano-ano bago magpaalam. Kinuha ko na 'yung mga gamit ko at nagpaalam na rin sa mga staff dito. Pagkalabas ko ay may nakasalubong akong bagong pasyente na sinugod dito. Tiningnan ko sila, nagdadalawang isip kung uuwi na ba ako o hindi, lalo na at wala rin naman akong kasama sa bahay. 

"Umuwi ka na," nabigla ako sa biglang pagsulpot ni Ivy sa likuran ko. "Kami na ang bahala rito," tumango-tango pa siya at tinapik-tapik ako sa balikat. 

"Sure ka?" tanong ko at binigyan naman niya ako ng thumbs-up habang nakangiti at pasimpleng tinitingnan si Dr. Moranda. Na-gets ko naman agad ang kanyang pinapahiwatig kaya napailing-iling nalang ako at nagpaalam na. 

"Jusko ka! Unahin mo ang pasyente mo at hindi yang kalandian mo!" tinawanan lang niya ako habang pilit na pinapaalis na ako. Inirapan ko nalang siya at tuluyang lumabas na ng ospital.

Nasa tapat ako ng hospital, nakaupo sa isa sa mga benches dito, hindi alam ang gagawin. Magshopping kaya ako? Kaso naalala ko na may babayaran pa pala kaming bills ng kuryente at tubig. May paparating din na furniture na inorder namin. 

"Haysss..." napailing-iling nalang ako. Narinig at naramdaman kong kumakalam na ang aking tyan kaya napangisi ako. "Bawal ako magshopping kasi gastos lang 'yan sa pera pero reosonable naman kung sa pagkain m gagastusin diba?" pagkumbinsi ko sa sarili at napatango-tango pa. 

Ending, nakakain ako ng fishball, kwek kwek sa tabi-tabi. Hindi pa ako nakuntento kasi dumaan pa akong Jollibee para mag-order ng Spagetti at burger. Busog na busog ako, to the point na hindi ko na naubos 'yung burger. Nagpahindag lang ako saglit sa loob ng restaurant bago napagpasyahang umuwi na. 

Tinext ko rin si Kyle na sakanya na 'yung burger na binili ko. 


━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

One shot of Espresso, PleaseWhere stories live. Discover now