Chapter Six

108 4 0
                                    

Chapter six

Tapos na ang klase kaya nasa cafeteria ang lahat ng estudyante ang iba ay may mga sarili mundo.

'Akala ko ba sa birthdayan lang matabang yun spaghetti, sa cafeteria din pala'

"Bestie hello" napayuko na lang ako ng marinig ang boses ni ash. Pwede naman niya ako tawagin ng mahinahon hindi yun daig nya pa nakalunok ng sampu microphone.

"I told you mini-"

"To minimize your voice blah blah blah" she rolled her eyes, as if she done with it.

"Alam mo naman pala bakit ayaw mong gawin" blanko kong sabi

"Pero kahit malakas yun boses ko at nakakarindi love mo pa rin ako diba" nakangiti nya saad.

"Kumain kana lang" sabay subo sa kaniya ng spaghetti kanina kinakain ko.

"Hmm grave saktong sakto sa tabang" bulong nya sabi sakin.  Kahit ako napatawa sa sinabi nito. Napakamahal ng pagkain dito ang tabang naman pala ng pagkain eh.

"Irish!" napatingin ako sa tumawag ng pangalan ko

"I-irish yun girlfriend mo h-hawak ng magkakapatid na Quinn nasa rooftop sila " hinihingal nito sabi

'Fuck ano na naman ba toh'

Agad na ako napatayo at kinuha ang mga gamit ko, narinig ko pa tinatawag ako ni Ash pero hindi ko na ito pinansin. Nagmadali na ako pumunta sa rooftop.

Nagulat ako sa nakita ko. Kinukwelyuhan ng isang lalaki si Claire na ngayun ay halata ang takot sa mga lalaki nakapaligid sa kaniya.

Tumakbo ako dito at hinigit si Claire mula sa pagkakahawak nito. Sinipa ko rin ito sa dibdib dahilan para mapatumba ito.

Halata nagulat ang iba mga kasama nito.

'Holy cow ang lakas ng sipa na yun'

'Ano bro buhay ka pa'

'911'

'Ambulansya'

'morgue?'

Nais kong matawa sa pinagsasabi ng mga kasama nya pero hindi ko na lang ito pinansin.
"Okay ka lang babe" nag aalala tanong ko dito. Niyakap ako nito nagiginig ito dahil sa takot

"B-babe a-alis na tayo" nagpapanic nitong sabi.

Nahagip ng mata ko na tumayo ang lalaki sinipa ko kanina. Bubuhatin ko na sana si claire para umalis na sa lugar na ito ng bigla may magsalita.

"I ask you many times, Where do you get that necklace?!" dumagundong ang boses nito.

" What necklace you're talking abou?" pinatili ko walang emosyon ang mukha ko.

"That fucking necklace!" sabay turo sa kwintas na nasa baba. Ito yun kwintas na ibigay niya noon niligtas ko sya at ito rin yun binigay ko sa girlfriend ko dahil hiningi nya ito.

Pinulot ko ito at binato sa dibdib ng lalaki nasa harap namin.

"Next time wag kang magbibigay ng bagay na kapag nakita mong hawak o suot ng iba aya para kang ewan na bigla magagalit" mahaba kong turan dito.

Binuhat ko na si Claire at nag lakad na ulit. Medyo kumalma na ito mula sa panginginig nito. Dinala ko na ito sa clinic para sa ganun ay makapagpahinga na.
Habang binabantayan ko ito ay tumunog ang phone ko.

[Nasa labas ako puntahan mo ako dito]

'Hindi naman sya bossy sa lagay na toh hindi ba?'

Saglit ko muna iniwan si Claire sa kama nito at lumabas sa clinic.

"Bestie ano tigok na ba? Dead na ba? " pang uusisa nito.  Binatukan ko ito dahil pinagsasabi nitong kabaliwan.

"Paalala ko lang ha GIRLFRIEND ko yun" sinadya kong pagdiinan ang salita girlfriend para tumigil ito sa kakaasar.

"Tss panget ng girlfriend mo" sabay dila sakin.  Napahawak na lang ako sa noo ko dahil sa parang isip bata nitong asal.

Napabaling ang ulo ko ng makarinig ng mga yabag. Hindi na ako nagulat ng makita na naman yun mga lalaki sa rooftop.

"Kuya ko! " sigaw ni Ash at lumapit sa lalaki tinatawag niyang 'kuya'.

'Kuya nya yan, Ang panget ng combination nila isang madaldal at isang mainitin ang ulo'

"Ash una na ako sayu" hindi ko na hinintay ang sagot nito at tumalikod na.

"Can we talk?"  narinig kong nagsalita ang 'kuya' kuno ni Ash.

' Can we talk tapos anong sunod I'll be gentle'

Fall in love with An AgentWhere stories live. Discover now