Chapter 2

6.5K 364 152
                                    



"Chosero 'to! Wag ka nga, Knoxx Wolfert. Selos your face ka dyan. We're bestfriends, walang ibang pwedeng pumalit sa pwesto mo sa buhay ko at wala ding pwedeng pumalit sa pwesto ko dyan sayo. Promise natin yan sa isa't-isa."

Lumayo ako sa kanya at umayos ng upo pero nanatili itong nakatingin sa akin. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, nararamdaman ko ang intensidad ng mga titig niya sa akin.

Para akong napapaso. Nag-init ang pisngi ko, pakiramdam ko nagsiakyatan lahat ng dugo ko sa aking mukha. Mabuti nalang at hindi ako ganun kaputi kundi sigurado mahahalata ni Knoxx na nagba-blush ako.

It's so akward. I don't know how to react.

"Ysa—"

"Lam mo ikaw, kung ano-ano ang lumalabas dyan sa bibig mo." Mabilis kong putol sa kanya. "Gutom lang yan, tara na sa bahay at nang malutuan kita ng paborito mo."

Hindi ko alam pero biglang nag-iba ang pakiramdam ko. Para akong kinabahan na hindi ko maipaliwanag.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na parang nagwawala ito sa loob ng aking dibdib at parang may kung anong humalukay sa tiyan ko.

This is the first time he admitted to me that he was jealous. Tuloy hindi ko alam kung ano ang dapat na magiging reaksyon ko.

Muli akong sumulyap sa kanya, may kakaiba akong emosyong nakita sa mga mata niya pero ayokong pangalanan. Ayokong umasa.

Hindi pwede at alam kong impossible.

"A'ryt! Let's go." Sagot niya sa akin sabay abot ng seatbelt ko at inayos ito sa aking katawan.

Para akong nanigas, sobrang lapit niya sa akin. Amoy ko ang panlalaking pabango niya na humalo sa natural na amoy ng kanyang katawan.

Sanay naman ako na ganito kami kalapit ni Knoxx pero bakit ngayon bigla nalang ganito yung nararamdaman ko? Anong nangyayari sa akin?

Akala ko aalis na kami pero may dinukot ito sa bulsa niya. Pagkatapos inangat niya ang kamay sa mukha ko at naramdaman ko nalang ang pagdampi ng panyo niya dito. Hindi ako gumalaw, hinayaan ko lang siya sa kanyang ginagawa. Seryoso ang mukha nitong pinapahiran ang pawis sa noo ko. Marahan niya pang hinawi ang bangs ko. Pagkatapos muli niyang tinanggal ang seatbelt na nakakabit sa akin.

"Turn around." Mahinahong utos niya at agad naman akong tumalikod sa kanya. Naramdaman ko ang pag-angat niya sa blouse ko kasunod nun ay ang marahang pagpunas niya ng pawis sa likod ko.

"You're so hard headed, Ysabelle. I told you, wag kang magpatuyo ng pawis sa likod." Lumingon ako at ngumuso sa kanya pero masungit lang itong tumingin sa akin.

"Sorry po. Ang layo kasi ng nilakad ko eh. Madami din akong dinaanan."

May hika ako. Maliit palang kami, alaga na ako ni Knoxx. Palagi itong may dalang extra panyo at bimpo para sa pawis ko o di kaya palagi itong may dalang extra t-shirt na pinampapalit niya sa damit ko kapag basa ako ng pawis. Kapag wala naman siya, palagi itong may bilin sa akin o di kaya tumatawag para paalalahanan ako.

Hanggang sa lumaki na kaming dalawa, nakasanayan ko nang ganito siya mag-alaga sa akin. Kung ibang tao ang makakakita, iisipin talagang may relasyon kaming dalawa. Knoxx is so sweet and caring to me. Not only me but also to his twin. Hindi ko lang alam kung ganito din ba siya ka sweet at maalaga sa ibang tao maliban sa amin ng kakambal niya.

Normal lang naman 'to dahil mag-bestfriend kami diba?

"What are you thinking, Ysabelle?" Tanong niya pagkatapos ilagay ang bimpo sa likod. Paano niya kaya nalamang may iniisip ako? 

Tainted Series # 10 : The Ruthless Billionaire (SELF PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon