Chapter 22: New Life

366 19 2
                                    

Pave's POV

Hanggang ngayon, ikaw pa rin ang iniibig ko
Ikaw pa rin ang natatanging pangarap ko
Ikaw lamang, hanggang ngayon.
_________________
"Jastin? Son wake up, we're here in the Philippines na. Malapit na lumapag yung eroplano. "

Owwh.. Nandito na pala ako sa Pinas. Unti unti ko namang natandaan ang mga nakaraan. Parang kailan lang. Parang isang araw lang ang lumipas.

Pag kababa namin ng eroplano at pag kalabas sa airport, tiningnan ko ang paligid. Tama. Nasa Pilipinas na talaga ako.

Matagal ko tong hinintay. Dahil katulad nga ng pinangako ko dati, hahanapin kita. Kahit nasaan ka man, hahanap at hahanapin kita. Tadhana ang mag lalapit sa atin

"Dad, dederetso na po ako. Go home safely dad. "

Nag paalam na ako kay dad. Dumeretso naman na ako sa new place ng aking work.

Pero bago ako pumunta doon, meron pa akong unang pinuntahan.

"Finally, this is it. Yam, mag kikita na tayo. " Sabi ko sasarili ko.

Nandito ako sa tapat ng bahay nila. Hope lang na sana dito pa sila nakatira.

*Tok* *Tok* *Tok*

Na excite ako kung sino ang mag bubukas sa pinto. Baka kasi siya ang mag bukas ng pinto.

Pero pag kabukas ng pinto...

"Sino po sila? " Sabi nung babaeng bigla na lang nag smile at nag pa cute sa akin.

"Dito ba nakatira si Yurie Beul Park? " Tanong ko

"Ay hindi po eh. Baka nag kamali lang po kayo ng katok. Try nyo na lang po sa iba. " What?! Hindi pwede. Ito yung bahay nila!

Siguro nga lumipat na sila. Tumuloy na lang ulit ako sa dapat kong puntahan . Siguro masyado pang maaga para makita ko siya. Hindi pa siguro ito ag tamang oras na ibibigay ng tadhana.

So Yeon Hospital

Angganda ng pangalan nung hospital. Kakaiba siya. Ngayon lang ako naka encounter ng gantong hospital.

"TULONG TULONG! Yung anak ko, namimilipit sa sakit ng tiyan niya! Dok, tulungan nyo po ako"

Bago ko puntahan ang pinaka chief ng mga doktor dito, inasikaso ko muna yung mag ina.

"Mami! Ansakit talaga ng tiyan ko! Huhuhu! Nahihirapan na po akong huminga.. " sabi nung bata

"Dok, pakilagyan siya ng oxygen. Nahirapan siyang huminga. " Nilagyan naman na ng mga doktor ng oxygen yung bata. Pero parang may mali

"Okay baby, hahawakan ko yung tiyan mo. Hindi to masyado madiin. Sabihin mo lang kung yung pag hawak ko ay sumasakit, okay? " Nag start naman na yung doktor sa paghawak sa tiyan nung bata.

"Aray! Masakit po lahat! Huhuhu! " Sagot nung bata

"Dok kailangan na po niyang idala sa ER. " What?! Dadalhin agad nila sa ER yung bata?!

"Wait lang. Bakit hindi nyo tanungin kung masakit din yung puson niya. Baka dahil lang sa puberty kaya sumasakit yung tiyan niya. " Pagbigay ko ng opinyon sa mga doktor.

"Baby, masakit din ba yung puson mo?
"Opo.. Huhuhu"

"Dok, kailangan na talaga natin siyang dalhin sa ER. "

"Wait. Wag nyo muna siya dalhin sa ER. Tanong nyo muna kung masakit yung likod. "

"Baby, ma--" Bigla nalang nila pinutol yung pag tanong dun sa babae. "Wait. Sino ka ba? Kamag anak ka ba nung patient? "

Bad Boy Meets Good Girl (Daragon Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon