CHAPTER 25

1.9K 39 0
                                    

ANG mukha ko ay sasabog na yata sa sobrang init. The kiss was unexpected but I couldn't resist them.

Malulunod na sana ako sa nararamdaman kong ito nang bigla siyang tumigil at umatras.

"I'm s-sorry, Ara!"

Huh? Teka, parang nag-iba naman yata ang ihip ng hangin? Parang kanina ay mukha itong lion na handa ng kumagat sa kanyang biktima pero bakit kung makaatras ito sa akin ngayon ay para itong asong takot na takot?

"Tsk tsk." Umiling-iling si Arion at inayos ang aking damit. 

May kinuha siyang tela at nilagay sa akin — it's a cloak. 

"Nadala lang kami." Namumula ang kanilang mukha at hindi na ito makatingin sa akin.

Teka, 'yon lang!? Este, anong nangyari? What about those things that they said? What the. . .

"Kailangan na 'tin maging alerto at baka may sumusunod pala sa atin," ani ni Arion habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Ah. . . Like them?" I pointed the man wearing a mask that's outside our door.

Pati ako ay nagulat nang sumigaw ang kambal at kumapit sa akin. Saan ba kasi galing ang lalakeng 'yan at biglang sumulpot!? 

"G-guys h-hindi ako maka-makahinga. . ." Tinapik-tapik ko ang kanilang balikat dahil mas'yadong mahigpit ang kanilang pagkakapit.

Agad silang bumitaw at tumikhim. Sumeryoso ang kanilang mga mukha at tumingin sa akin.

May bipolar disorder ba ang mga 'to o may sakit? Bakit ang bilis mag-iba ng mood at nagmumukhang may split personality.

"Aaahhh!" Napasigaw ulit kami ng may ulong lumitaw mula sa ibabaw ng aming sasakyan. 

Anong klaseng kahoy 'yan at ang bilis sirain?!

Not to mention that the mask this man is wearing is scary as hell! Teka — hindi lang pala siya nag-iisa!

"May dragon!" 

"G*go, aso 'yan!"

Binatukan ko agad silang dalawa. "It's a divine beast you idiots! Lobo 'yan!"

Natigil ang alitan namin nang yumanig ang karahe. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nahulog si Eric sa sahig at para bang ice candy na gumulong-gulong.

"S-Si Eric!" Sigaw ko at akmang hahawakan ko na siya ng may humila bigla sa aking buhok kaya napadaing ako sa sakit.

"Sh*t. Ambush!" 

I don't have any choice but to turn around and bite their legs. Success naman dahil agad ako nitong binitawan at gumapang agad ako palayo.

I gasp when I saw Eric's body rolling out of the carriage.

"Ara, look out!" Sumigaw ang kambal kaya napatingin agad ako sa aking likuran.

May lalakeng papunta sa akin na may hawak na espada. I immediately dodged it and kicked him where it hurts the most — ang itlog!

"Arghh. . ." Napaupo ito at nabitawan ang kanyang hawak-hawak.

I took this chance and grab his weapon. Agad ko itong pinugotan ng ulo. Mas dumarami ang mga taong nakamaskara. Hindi ko alam kung bakit na naman kami nagkakaganito.

I was supposed to spend time with the twins! This damn f*cking obstacles nga naman! Bakit ba 'to nangyayari?!

Sa sobrang hina ko na dahil sa laban ay hindi ko namalayan na may lumapit sa akin mula sa likod at tinakpan ang aking bibig. I struggled but this person is strong! Then I bite his hands out of desperation, buti naman at bumitiw din ito.

T*ngina. Ano na bang nangyayari!?

"Ara?" 

I jolted up when I finally came back to my senses. Tiningnan ko ang paligid at nasa isang kuwarto kami na hindi pamilyar sa akin.

"Ara, you're sick. . ." Liam's hands were soft and warm as he stroke my hair lightly.

Napahiga ulit ako dahil sa hilo. May basang panyo na nakalagay sa aking noo and my body is burning hot.

"Pasensya na at ginising kita, it looks like you're having a bad dream."

Ah, panaginip lang ba 'yon?

"Ano b-ba ang nangyari?" Nahihirapan ako sa pagsasalita dahil napapaubo ako bawat buka ng aking bibig.

Kinuha ni Liam ang panyo na nasa aking noo at may narinig akong tunog ng tubig. Pinipiga niya yata.

Nilagay niya ulit ito sa aking noo bago nagsalita muli.

"Um. . . well, you passed out after we k-kissed you," he uttered lowly but I can hear how embarrassed he is.

Hindi ako makapagsalita dahil bukod sa masakit ang lalamunan ko ay nahihilo rin ako. Hindi ko nga matingnan ng maayos ang paligid dahil parang mabibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit.

"Where are we?" My voice is hoarse as I asked him questions.

"Nakarating na tayo sa capital, they're treating Eric as of now."

Good. I'm glad to hear that. Para itong reassurance sa aking puso na hindi pa huli ang lahat. Ayo'kong maiwan ulit. Ayo'kong mag-isa. 

"Ara, matulog ka muna."

Heto ang huli kong narinig sa kanya bago ako nagpakain sa kadiliman. 

"Hmm. . ."

It's warm. Panaginip na naman ba 'to? Ah. . . How would I know if this is a dream or a reality? 

"Happy birthday, Bella!" That familiar voice. . . Alam ko kung kanino 'to. Imposibleng magkamali ako.

I can't open my eyes. I can't see him. Anong ginagawa niya rito? Ang sabi ay ginagamot pa siya. Nagkamalay ka na ba, Eric?

"Ilang taon ka bang matutulog d'yan ha?" His voice is sad but I sense that he's trying hard to hide it.

Gusto kong kumilos at yakapin siya. Gusto kong kausapin ito at tanungin ng bagay-bagay. I wanted to tell him how much I missed him, how much I longed for him and how much I regretted leaving him behind.

Dapat ay mas naging malakas ako para sa aming dalawa. 

"Masaya ka ba d'yan? Gumising ka na oh, para mabasa mo na 'yong bagong update ko." His voice cracked. Mukhang umiiyak na ito. "I changed some things while you were asleep, sigurado naman akong magugustuhan mo 'yon. . ." Suminghot-singhot ito at hindi na niya mapigilang humagulhol.  "Kaya please? Gumising ka na. Gumising ka na, Bella."

I finally opened my eyes and I saw the familiar ceiling of the room I was in. Sa aking tabi ay nakaupo at natutulog si Arion. 

Hindi na masakit ang aking ulo at hindi na rin mabigat ang aking pakiramdan. Tiningnan ko ang aking kabuuan at nakitang nag-iba na ang aking damit. 

I think I just dreamed of something. . . Masakit ang puso ko kahit hindi ko na maalala kung ano ito. 

"Ah, right!" I shook my head at yinugyog ng mahinhin si Arion. Agad naman itong gumising at tumingin sa akin.

"Ayos ka na ba Ara?" He touched my forehead at napangiti ito. "Thank God." Sinubsob niya ang kanyang mukha sa aking leeg.

Namumula ko siyang tinulak ng mahina. Napatingala ako rito dahil nakatayo siya ngayon.

"Nasaan si Eric?"

✓THE GIRL IN A BL BOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon