Chapter One - He's back
-HER POINT OF VIEW-
Blaag!
"Ouch!" Sigaw ko.
Ano ba yan. Lagi nalang akong nalalaglag nitong mga nakaraang araw, pang-apat na beses na 'to. May kumukulam kaya sa'kin? Okay, ang OA ko na.
"Raine, ano bang ingay 'yan?" sigaw ni Mama mula sa baba.
"Wala po!", sigaw ko rin, para marinig nya.
Ginawa ko na yung morning routine ko. Late na naman ako nito, puyat kasi dahil sa Wattpad. Wala eh, adik.
Papunta na ako sa school. Grabe ang sound at air pollution sa labas, nasisira na talaga si Mother Earth. Baka nagtataka kayo kung bakit masyado akong affected, member kasi ako ng isang organization na nangangalaga sa kapaligiran. Inis na inis ako sa mga taong nagkakalat, yung bigla nalang magtatapon ng basura nila sa daan, may trash can naman. Hindi sila well mannered, I wonder kung nakapag aral ba sila? Mga walang disiplina sa sarili. Sa simpleng galaw lang na ganun makikilala mo na ang isang tao. Kagaya nitong katabi ko sa jeep.
"Manong, hindi nyo po ba nabasa yung sign?", tanong ko sabay turo dun sa may sign board na may malaking "NO SMOKING ON PUBLIC VEHICLES".
"Ano naman? Wag ka ngang makiaalam!", sagot nya pabalik sa'kin.
Aba! Hinahamon yata ako nito ah. Baka naman hindi nya talaga mabasa? Baka hindi nakapag-aral.
"Manong, ang basa dun ay no-is-mo-king-on-pa-blik-ve-hi-kel. Ang ibig sabihin bawal magsigaril--", hindi ko na natapos yung sinasabi ko dahil sumigaw nalang sya bigla.
"BAKIT BA ANG KULIT MO?! HA?!", bulyaw nya at akmang susuntukin ako.
Pumikit nalang ako ng mariin at hinintay na dumampi ang kamao nya sa mukha ko. Teka. Bakit ang tagal naman yata? Hindi sa gusto kong masapak pero kasi, basta!
Unti-unti akong dumilat at nakita kong hawak nung isang lalaki yung kamao ni Manong na walang manners.
"Pwede wag kang bastos? Bakla ka ba? Bakit mo sasapakin yung babae?" sabi ni Kuya na hindi ko kilala. Medyo mas accent yung salita nya, parang hindi masyadong sanay mag-Tagalog. Parang mayaman, pero bakit naman 'to sasakay ng public vehicle?
"Isa ka pa eh! Ang dami namang pakielamero sa mundo!", sigaw nya ulit. Hawak pa rin ni Kuya Accent yung kamay nya, bromance na 'to ah. Ano ka ba, Reign. Nakuha mo pang mag-trip sa ganitong sitwasyon? Tsk!
"Para na nga! Ang daming epal dito sa jeep mo!" sabi nya at bumaba na.
"Salamat, hija at hijo ah. Laging ganun yun sa tuwing sumasakay eh, sinabihan ko na nga nung minsan pero hindi natinag. Kaya hinayaan ko nalang", biglang sabi ni Manong Driver.
"Naku. Wala pa 'yun, Manong. Wag po kayong magpasalamat. Mali naman po kasi talaga sya eh. Kailagan talaga itama ang mga mali, kasi pa'no sila magiging tama kung walang nagsasabi sa kanila? Tsaka nakakasama lang po yun sa kalusugan lalo na sa mga nakakatabi nya. Ginawa ko lang po yung dapat." ang haba ng speech ko, pang Miss Universe.
"Ah. Thank you nga pala, Kuya", nilingon ko si Kuyang may accent, hindi ko pa nga pala sya napapasalamatan. Actually, ang gwapo nya. Pale yung skin, medyo chinito, ang tangos ng ilong at yung lips nya, kissable! Humarap sya sa akin.
"Don't thank me, like what you said, I just did what's a must", at lumingon na sya sa kabilang direksyon. Ano ba yun? Ang sungit naman! Binabawi ko na, hindi na pala sya gwapo!

BINABASA MO ANG
Clover Luck
Teen FictionDo you believe in such thing as luck? Well, this story won't tell how you can gain luck, this is not some kind of Feng Shui. Raine is a happy go lucky girl. She doesn't have time for love, it's not because of study or some serious matter. Dense is t...