Prologue

16 1 0
                                    

"Lucky leaf", napangiti ako.

"Do you know that it can make your wish come true?", naaalala ko pa yung araw na sinabi nya 'to.

"Talaga?", Tumango lang sya. Kahit kelan talaga, ang tamad nyang magsalita.

Simula nung araw na yun, sa tuwing makakakita ako ng lucky leaf, humihiling ako ng kung anu-ano. Nakakatuwa kasi nangyayari talaga, parang magic.

Sa dami ng pinaniniwalaan ng mga tao tungkol sa mga bagay na pwede kang mag-wish, hindi ko na mabilang kung ilan dun ang nasubukan ko na.

Sigurado ako alam nyo yung tungkol sa simbang gabi, na kapag nakumpleto mo eh pwede kang humiling kay God. Nung bata ako, lagi akong napupuyat para lang makakumpleto. Kahit lagi lang naman akong nakakatulog sa kanlungan ni Mama. Nung lumaki na ako, natawa nalang ako. Na-realized ko kasi na kahit ano namang hilingin mo kay God, basta naniniwala ka sa Kanya, ibibigay Nya sayo kung dapat. Alam Nya ang lahat.

At yung wishing well na sikat na sikat dati pa. Sa tuwing matatapos ang misa palagi akong humihingi kay Mama ng barya, para makapag-wish.

Eh yung 11:11? Yan yung pinaka-uso ngayon eh. Palagi kong nababasa sa SNS yung, "Sana ikaw ang 11:11 ko". Ano kaya yun?

Ilan lang yan sa napakaraming paniniwala ng mga tao. Sa sobrang dami, kung minsan umaasa nalang tayo sa wish, nawawalan na ng action. Iniisip tuloy nung iba lahat posible. Pero dahil dito, minsan mare-realize mo nalang na hindi lahat ng hilingin mo, makukuha mo. Si God pa rin talaga ang magde-decide kung kailan nya ibibigay ang hiling mo. Desisyon Nya rin kung ibibigay Nya ba yun o hindi, kasi Sya lang talaga ang nakakaalam kung anong tama para sa'tin.

Wishing is my other term of praying.


Madalas nakukuha ko agad yung wish ko, minsan naman nata-traffic.

Pero sana yung pinaka-wish ko na 'to, kahit ito nalang, sana hindi ma-traffic, lalong wag naman sanang mag-stop over at magpasyang wag na tumuloy.

Ako si Raine Plamenco, Kpop at Wattpad lang naman ang mundo ko dati. Kagaya nyo rin na humihiling na sana makatuluyan si bias o kaya naman yung mga fictional characters sa story. Ganyan lang kasimple ang mga wish ko, pero nung nakilala ko sya, nag-iba lahat.

-ByBernieee

Clover LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon