Kabanata 5

5.1K 369 36
                                    

"Tapos na. Tawagan mo si Sandro at sabihin mong maaga umuwi para sabay tayong tatlo maghapunan."


Agad na namawis ang kamay ko saka tumango dahil hindi na ako makaimik nang kung ano para dahil sa kabang naramdaman.



Tinungo ko ang sala kung nasaan ang landline. Tinitigan ko ang mga numerong naroon at saka lumunok.



Ginusto mo 'to, Annalyn. Panindigan mo.



"Ginusto mo 'yan," bulong ko sa sarili.





Nanginginig ang daliri na pinindot ko ang numero ni Sir Sandro. Namamawis na tinapat ko sa aking tainga ang telepono.



"Yes, Terry?"




Bumungad ang pagod at malamig niyang tinig mula sa kabilang linya. Tila nanigas ako sa aking kinatatayuan nang marinig ito.




"Terry, are you still there?" Rinig kong tanong niya nang manahimik ako halos ilang minuto.




"S-sir," medyo pabulong kong wika. Nanginginig pa ang boses sa kaba.




Tila nakarinig ako ng pagkilos sa kabilang linya. Mukhang nagulat siya na ako ang tumawag.



"Annalyn? What's wrong? You sounded like upset," sunod - sunod niyang wika.





"Sir, andito po kasi ang mama mo sa mansyon," agad kong kinagat ang ibabang labi ko. "G-gusto ka po niyang umuwi nang maaga dahil nagluto siya."



Natahimik ang kabilang linya.





Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang kalokohang nagawa ko. Paano kung mawalan ako ng trabaho dahil dito? Jusko!




"Sige. Tell her that I'll be home at 5 pm," payak niyang wika. "Is that all?"



"O-opo, sir," mabilis kong sagot. "Iyon lang po."



"Alright," sagot niya ngunit hindi ibinaba ang tawag.



Nanatiling mahigpit ang hawak ko sa telepono. Rinig ko ang bawat hininga niya sa kabilang linya.




"Annalyn," bigla niyang tawag.




Bahagya akong nagitla at mariing napapikit, "p-po?"




"Stop being scared of me . . ." aniya na kinakalma ng kamay ko sa panginginig dahil natigilan ako sa pagbulong niyang iyon. "I'm not going to be mad at you because of what you did."




"P-po?" Nabigla kong tanong. "Sir? Sir Sandro?"




Inilayo ko sa tainga ko ang telepono ko at tiningnan ang repleksyon sa babasaging bintana.




Pinatay na . . .





"Hala, alam kaya niya?" Tanong ko sa sarili.





Hindi ko masyadong naintindihan ang winika ni sir dahil ingles ito. Paano kung alam na niya ang ginawa ko dahil kay Kuya Terry?




Tuluyan ko nang binitawan ang telepono saka wala sa sariling napahawak sa dibdib.





Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pinaghalong kaba, takot at pag - iisip.





"Ano, Annalyn? Sumagot ba?"




Inayos ko muna nang mabilis ang buhok ko saka nilingon si Tita.



Tita. Tita raw, e. Sabi ko kung p'wedeng mama, p'wede naman daw. Kaso nahihiya ako. Masyado ko namang ginalingan.




Beast On Mask 1 : Atlas De Lucas Where stories live. Discover now