"Orpheus, uuwi na ako."
Ngumuso ako habang nakatingin sa kaniya. Sinamaan niya ako ng tingin nang laruin ko ang dulo ng malaki kong t - shirt na sa kaniya naman talaga. Pinasuot niya ito sa akin dahil basang - basa ako ng ulan at bumabakat na ang bra ko sa puti kong dress.
"Fucking sleep, Annalyn. Gabi na." Mariin niyang wika.
Lumabi ako. "May sakit si Atlas. Sigurado akong kanina pa ako hinahanap sa mansyon. Pumunta lang naman ako sa gubat para manguha ng kabute."
"Right. He ordered you to get mushrooms. And what did you do?" Matalim siyang tumingin sa akin. "Sininubukan mong agawin ang pinangaso kong baboy."
Bagsak balikat akong naupo sa kama na kawayan. Maliit ang kama, para lamang sa iisang tao. Napakurap - kurap ako nang lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko.
"H-hoy!" Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Hindi tayo p'wedeng magtabi-"
"I didn't say na tatabi ka sa akin. Get fucking out of my bed," siniko niya ako dahilan para mahulog ako sa sahig. Umawang ang labi ko at dinuro siya.
Bwisit na lalaki 'to!
"Saan ako matutulog?!" Tumayo ako at sinamaan siya ng tingin.
Hindi niya ako inimikan, sa halip ay pinagpagan niya ang inupuan ko kanina nang may pandidiri sa mukha saka ako nilingon. Napakaarte!
"May bangko, oh," nginuso niya ang maliit na bangko na upuan kapag kumakain. "Maliit ka naman. Kasya ka roon."
"Ayoko do'n!" Pagmamaktol ko.
"Hindi ko na problema 'yan," nahiga siya at pinikit ang mata habang may ngisi sa labi.
Sinamaan ko siya ng tingin at kinuyom ang kamao. Nagpapadyak ako palabas sana ng kubo nang hindi ako makaalis. Tila ba may harang ang pintuan, harang na hindi nakikita at upang hindi ako makaalis.
Narinig ko ang malalim niyang pagtawa. Napairit na lamang ako sa inis ay naupo sa isang sulok habang masama ang tingin sa kaniya.
Tangina talaga. Paguwi ko isusumbong ko siya kay Atlas. Nakakabwisit. Hayop. Tarantado.
"Stop cursing on your mind, bitch," wika niya habang nakapikit. "I can also curse to you in different languages. Baka umabot tayo hanggang umaga sa pagmumurahan, huwag mo akong subukan."
"Tarantado!" Sigaw ko.
Ngumisi lamang siya habang nakapikit. Lumabi ako at tiningnan ang bangko. Hindi naman ako kasya dun. Kahit maliit ako, maliit pa rin yung bangko para sa akin.
Wala akong nagawa. Doon na ako sa sulok nahiga. Hindi man lamang ako binigyan ng unan-
"Fucking stop talking with your mind," isang unan at kumot ang bigla niyang inihagis sa akin.
Napangiti ako at saka inayos ang unan sa sahig. Ngumuso ako at nahiga na lamang. Hehe. Okay na 'to. Kaysa naman sa wala akong mahigaan? Oo, gwapo siya. Pero masama kasi ugali niya-
"Annalyn, let me sleep!" Nanlaki ang mga mata ko nang naupo siya sa higaan at sinamaan ako ng tingin.
"Hindi ko naman kasi sinabing pakinggan mo kung anong iniisip ko, eh." Ngumuso ako. "Buti pa si Atlas, mabait."
YOU ARE READING
Beast On Mask 1 : Atlas De Lucas
FantasyThe guitarist of the band. A man who have passion, beliefs and royalty. A hybrid vampire, son of Astro De Lucas.