Chapter 1: Ravenito Santoz

2 0 0
                                    

"HOY RAVENITO! BUMANGON KA NA NGA DYAN!" Sabe ng... nanay ko.

"Nananaginip ka nanaman! May pasok ka pa! Bangon na bilis!" sigaw ulit niya.

"OPO!" Sabe ko.

"Galit ka? Galit ka?!" Sabi sakin ng nanay ko na naka-ambang papaluin ako ng siyanse.

"Hindi po nay. Hindi po." sabi ko nalang.

"Mabuti naman.. Ay! Ang pinipirito ko! Nako talaga Raven! Sira ulo ka talaga! Kung bumangon ka ng maaga! Hayy nakong bata ka!" Sabi nanaman ni nanay.

Bumagon na ako sa higaan ko at hinalikan ko ang girlfriend kong si Marj. Pinaikling pangalan ng Margarita. Regalo siya sakin ni Itay noong birthday ko. Mag wa-one year nadin kami nitong si Marj. Kiniss ko ang napakalinis niyang screen, Pinunasan ko din ang keyboard at CPU niya. Oo. -_- Kung nahulaan niyong computer siya, tama kayo. Computer si Margarita. Wala kayong pake. :P

"Kuya Raven! Anong ginagawa mo? Ba't hinahalikan mo nanaman ang computer na yan?!"

Sigaw naman ng kapatid ko. Alam niyo, gusto ko sanang sabihin sa kanila na hindi naman club ang bahay para mag sigawan. Pero syempre hehe, ayoko naman din. Gulo ko no? Yaan niyo na.yon. :P Pumasok nadin si Nanay sa kwarto ko. NANAMAN. -_-

"Raye! Alam niyo naman si Marj lang ang gusto ko eh! Bakit hindi niyo matanggap ang relasyon namin?" Biro ko.

"Ay nako. Mag ayos ka na." Nanay

"Hayy, Opo." Ako

Ravenito Santoz. Lalaki. 17 Years old. 4th year na ako. NGSB. Top 40 out of 40 students. Best in Late. Ay! In a relationship pala kay Margarita Computer. Ako ay anak nina Mito and Thessa Santoz. May isa akong kapatid/kakambal. Si Raye Santoz. Babae. 17 years old din siya. Yun lang!

The Deal - RaveritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon