Chapter 2: Ravenito's First Day in Class A

1 0 0
                                    

Pagdating ko sa School, Tumakbo agad ako sa room. Nagmadali ako kaya binilisan ko ang takbo. Pagkakita ko sa pinto ng room namin, hindi na ako kumatok. Binuksan ko agad yung pinto habang tumatakbo kaya nag dire-diretso ako sa loob. Nadapa tuloy ako. Tumawa lang ako. Wala pa palang tao. Antahimik eh.

"HAHAHA! Yes! Wala pang tao! Yohoo! *tumayo* Yu-hoo.." Ako

"O_____O" Ako

*Insert Funny Music*

Nagkamali ako. -_- Tumingin ako sa paligid. Lahat sila nakatingin sakin. Pati na yung teacher namin. First day of school ko pa naman sa section na 'to! Hindi ngayon ang First day of school talaga. Ewan ko ba sa Principal at inilipat pa ako sa section na 'to. Late na tuloy ako. Nako. Ekis agad! Raven!!

"Mr. Santoz?" Sir Philip

"Uhh. Ye-yes sir." Ako

"Okay. Next time, make sure you won't be late. Since late ka nga, introduce yourself." Sir Philip

"Uh.. Yes Sir. Umm. Goodmorning. I'm Ravenito Santoz. 17. You can call me Raven if you want. Sana-"

"In english!" Sir Philip

"Yes sir, Um. I hope that me and us will become friends all because i'm happy to be with you when us is together." Ako

HIRAP MAG ENGLISH AH. -__-"

"AHAHAHAHA! Ang bobo naman pare."

"Ohmygosh. Is he really our new classmate?"

"Ugh. Mukhang mapapahiya na tayo."

Dinig ko sa mga bulungan ng mga kaklase ko. Tumawa silang lahat pero yung tahimik na tawa lang. Hayy, ang wirdo naman dito. Ganito ba talaga ang Section A? Napansin kong tumawa din si Sir Philip. Pero nag, "ehem" lang siya.

"Students! Why are you laughing?! STOP!" Sir

Lumakas na ang tawa nila.

"I said stop!" Sigaw ni sir. Seryoso na siya ngayon.

"You may take your seat Mr. Santoz. Class! Wag nating pagtawanan ang classmate niyo! Atleast, he's trying the best of, HE." Sir

Tumawa nanaman sila. -__- At alam niyo? Wala akong alam kung bakit.

"di ko gets" ako

"Eheem!" Sir

"Okay! ENGLISH!" nag lesson na si sir. AT! lahat sila seryoso na ulit.

"Huh?" bulong ko. Tumingin tingin ako sa kanilang lahat at inobserbahan sila. Seryoso na talaga sila na para bang walang pinagtatawanan kanina.

"Sir!" Sigaw ko mula sa likod

"Yes Mr. Santoz?" Sir

"Um. Di po ba magpapakilala ang classmates ko?" Ako

At! Tumawa nanaman sila.

"Shunga eh."

"Boploks talaga pare."

"Dati kasi nasa section F yan. Ewan ko ba kung bakit andito."

"Hahaha! Bobo bro."

Dinig ko sa mga sinabi nila sakin.

"Mr. Santoz. Halata talagang FIRST TIME mo sa class A ano? Pwes, sasabihin ko yon sayo na di yon uso dito. Dahil magkaka-kilala na sila since Freshmen Year. Ikaw lang ang bago!" Sir

Pagkatapos non eh tumalikod na si sir at nakita kong nakatingin sakin ang buong klase at sabay sabay silang umiling sakin suot ang mga mukha nilang parang naiinis. Umiiling sila pagkatapos ay tumalikod.

"Uh. Sir!" Ako nanaman.

"WHAT?! Can't you see I'm teaching here? Pang abala ka!" Sir

"Pano po ako? Di ko pa po sila kilala." Ako

Tumahimik naman sila.. Pano kase, MAY PUNTO NAMAN AKO.

The Deal - RaveritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon