26

113 1 0
                                    


"Happy birthday to you, Happy birthday, Happy birthday to you!"


Masaya ako na lumapit sa cake ko para ihipan 'yon. Pagkatapos ay humalik ako kila mommy at daddy para magpasalamat sa effort nila na sumama sa'kin para i-celebrate rito sa Japan ang kaarawan ko. Ganon na rin si Gionne na kasama si Crainey.


It's been a years ago since I left on airline company where I've work as a cabin crew. Hindi dahil sa nagsasawa na ako or kung ano man na dahilan kung hindi dahil sa kagustuhan ko na desisyon na magpahinga muna. Magpahinga sa lahat.


Tumayo ako at iniwanan na muna sandali para lumakad palabas roon sa balcony. Mula roon ay nakapikit ko na dinadama ang malamig na simoy ng hangin na humahampas at sumasalubong sa'kin.


Kay tagal na rin pala simula noong tinanggal ko na ang koneksyon na namamagitan sa amin ni Tyler. Halos taon na rin ng hindi ko na buksan ang main account ko at pansamantala na gamitin muna ang pangalawa para lang magkaroon ako ng balita kila Aiofe. Ganon na rin sa iba pa.


"Naikasal na kaya siya?" Mahina na tanong ko sa sarili ko bago ko ininom ang red wine na nasa baso ko.


Kamusta na kaya siya? Kumakain pa rin kaya siya sa tamang oras gaya ng palagi na sinasabi ni tita noon? Is he doing great? Even though I'm already not beside of him? Nagagawa niya pa rin ba ang lahat ng ginagawa namin noon kahit na... Kahit na... wala na ako at mas pinili na iwanan siya?


"I bet you were thinking of kuya Tyler."


Nagugulat akong humarap patalikod ng marinig ko na magsalita si Crainey. Tipid siya na ngumiti sa'kin bago siya gumilid at tumabi. Nakaharap siya at nakatingin lang sa malayo habang ako naman ay nanatili na sa postura ko.


Malalim akong bumuntong hininga at yumuko. Pagkatapos ay walang imik ako na tumango. Hindi ko naman itinatanggi 'yon. Na miss ko na siya at kausapin. Kaso ako lang 'tong ayaw siya kausapin na. Lalo na't tinatak ko na sa isip ko na hindi ko na siya kakausapin matapos ng napag usapan namin ng Lolo niya.


"Yeah. I still do." Deretso na sabi ko. "I'm still missing him."


"Then why don't you try to communicate with him-"


"Tsh! Para saan pa?" Sumiring ako. "After what I did to him? Isa pa, ipinangako ko na sa sarili ko na ayoko nang madawit siya sa kung ano man ang nangyayari sa'kin ngayon."


"Sa bagay may punto ka jan Ate." Tumalikod na rin siya para gayahin ako.


Kaya naman ganon na lang rin namin kita ang sarili namin sa sliding door na nasa harapan naming pareho.


"Pero sa tingin mo? Hindi kaya malabo na nagpakasal na siya sa iba?" Dahan dahan akong lumingon ulit kay Crainey habang abala na ako sa pag aayos sa iilang hibla ng buhok ko na bahagya ng nililipad.


"I don't think so." Ngumuso siya. "Bakit hindi mo kaya tanungin si Ate Aiofe tungkol jan? Hindi ba friends kayo? Kayo nila Ate Yvette?"


"Yup. But I don't think that she still had a time to use her phone."


"Oo nga pala! Buti nabanggit mo." Her facial expression suddenly changed and turns into a bright smile. She seems so excited. "I want to buy some presents to Avianna."


Speaking of that kid, the last time I saw her was she still a baby. Hindi ko lang alam ngayon kung gaano na siya ngayon kalaki at katangkad. Sigurado naman ako na mas lalo rin na gumanda ang bata na 'yon. I hope na makita ko ulit siya soon.


The Emphemeral Venerate (Flight Attendant Series #5)Where stories live. Discover now