CARE's POV
Hi I'm Care Angeline Dela Cruz, 13,
makulit, pasaway, mabait,funny"daw" but pretty. So ito na nga, andito nga ako sa school na pinapasukan ko syempre ano!? Tatambay lang ako ganun!?Christmas party namin ngayon at excited ako pano ba naman maging hindi eh, after ng nakakawindang na pandemic ngayon lang namn ulit. Ayon nga nakapag-oufit of the day nako, at andito narin ako sa classroom namin waiting nalng sa mga friends kong kay babagal.
"Hi Care!", sabay na bati nila Shanna at Princess, ang dalawa kong tarantadong kaibigan.
"Kanina kapa ba? " sabi ni Shanna
"Hindi, kakarating ko lang din, pasok na tayo?"
Habang nag-aantay kami sa iba, napag-isipan naming sumayaw ng WET THE BED.
Habang sumasayaw kami di namin namalayang dumarami na pala ang nanunuod sa amin. Agad naman akong napatingin sa mga nanunuod, ng biglang may nahagip ang mga mata ko, at nagpatigil sa akin sa pagsasayaw.
"Ok! Lets start our Christmas party! Biglaang entry ng teacher namin at nagsi alisan na ang mga nanonood
"Uy Care, nakita ko yon, siya ba yung tinitignan mo?"pabiglang tanong ni Shanna.
"Tinitignan? Wala akong tinitignan ah, ano kaba!" agad kong sagot sakanya.
"Tinitignan mo kaya si Michael!" sabat namn ni Princess.
"Nakita mo rin yon?" tanong ni Shanna.
"Oo naman! Titig na titig eh no Care?" saad naman ni Princess
"Uy hindi ah! Magtigil nga kayo. Mamaya marinig nya kayo!" Saway ko sa kanila.
"Crush nya yun..Ayieee.." pang-aasar ng dalawa sakin.
"Guys! Listen up! Ok,ok, there's something happened Mrs. De Vega, class advisor of the class next to us have some emergency, She asked me to watch her class today since its also their Christmas party, naisip ko how about mag mix nalng kayo. Pareho naman kayo ng year it's an advantage na din if ever next year mag-end up kayo as classmates. Nothing to worry lahat ng naisipan nyong games etc, lahat yon gagawin natin alternate, walang namang problema if whole day tayo mag cecelebrate diba? Ok lang ba sainyo, Christmas naman!!" Mahabang paliwanag ng favourite teacher namin.
"Wait! mix up? With the class next to ours? That's Class B!!!" Shit! Lumaki ang mga mata ko ng marealize ko ang bagay na yon. Agad naman akong napatingin kina Shanna at Princess, na nakatingin rin pala sa akin ng may nakakalokong ngiti.
"What a fate is that?!" Sabi ni Shanna na may nakakalokong ngiti.
"Ma'am! Yes Maam! Wala pong problema sa amin ok na ok nga po ma'am eh!!" Sigaw ni Princess.
Napahilamos nalang ako ng mukha dahil sa dalawang ito.
"Magtigil kayong dalawa... " pabulong kong sabi sa kanila.
"Bakit ayaw mo?" Pangte-tease ni Shanna
" Wala akong sinabi!" Depensa ko
"Ayon naman pala eh! "sabi namn ni Princess
Wala pang ilang minuto ay nagdatingan na agad ang mga taga Class B.
"Since kaunti ang chairs natin yong gustong sa lapag umupo walang problema. Pasok na kayo Class B"
pagyaya ng teacher namin sakanila."Ay wait! Why don't you tell your name pag pasok nyo bago kayo umupo para naman alam namin whole day din tayong magkakasa today don't you think?" Si maam talaga ang daming alam isang araw lang to ma'am, pabulong kong sabi.
At ayon nga paisa-isa ng pumasok at nag sabi ng mga pangalan nila.
"Next!" Pasigaw ni ma'am
"Hi I'm Michael Alcantara". Napaangat naman ako ng ulo para tignan ang nagsasalita, ng biglang nakita ko ang dalawang ang laki ng ngiti, yon bang nakakakaba kasi di mo alam yong tumatakbo sa utak ng mga baliw kong kaibigan.
"Oh my God! Naloko na."bulong ko sa sarili ko.
_______Moonxligth

YOU ARE READING
Me But Not Me
Teen FictionNaranasan mo na bang kiligin dahil sa crush? Paano kung ang kilig na inaakala mo ay isang malaking epic fail. Yong tipong akala mo ay ikaw pero di pala? Me But Not Me