CARE's POV
Two days to go birthday ko na. Di na kami makaundagaga sa pagprepepare. Syempre may small celebration. Busy ang lahat. Sila mom and dad at damay nyo na ang supportive kong tita at ate. Opps! Hindi kapatid ah cousin pero parang kapatid kona rin. Kung anu-anong naiisipan nilang gawin. I handed the invitation to my friend's shocks! May painvitation. Syempre nakaformal sila eh.
7pm na ng gabi at kailangan ko ng mag beauty rest para bukas so good nigth!
SHANNA's POV
Its already 6pm. 7pm yong start ng event asan na kaya si Princess ang bagal talaga nyang kumilos kahit kailan.
Hi Im Shanna Ramirez 14 year's old. Nakaget-up na ko't lahat wala pa rin ang prinsesa. So i decided to dialed her number.
"Hello Cess! Asan kana ba? Anong oras na oh!" Inis kong tanong sakanya.
"Ito na papasok na ng village nyo eh si Dad kasi eh nagpumilit ihatid ako kaya inantay ko pa". Paliwanag nya naman sakin.
"O sige bilis na nag aantay na rin ang maghahatid,sa atin don". Pagmamadali ko sakanya.
"Oo ito na, dyan ako sainyo matutulog ha? Ang layo pa ng bahay namin eh" Sabi nya "Oo na bilisan mo nalang"
PRINCESS POV
"Oo na bilisan mo nalang".Huling sabi ni Shan bago ako binabaan ng cellphone.
Malayo pa man din ako naiimagine ko na ang mukha nyan naiirita dahil late ako. Pano ba naman kasi si Dad nag iinsist pa na ihatid ako papunta kila Shan hassle daw kung maggagrab taxi ako. Pareho lang din naman. Kasi inantay ko din naman sya. Tatay ko talaga.
By the way my name is Princess Hernandez 13 years old. So andito na nga ako sa gate ng bahay nila Shanna. Nakita ko rin syang nakaabang na sa labas ng bahay nila.
"Ano tara na?" Sagot nya
Nagpaalam na rin ako kay dad at sumakay na kami sa kotse ni Shanna.@ the party
SHANNA's POV
Dumating na din kami sa wakas sa venue, bahay lang naman nila Care, di naman gaano kadami yong tao, mga relatives lang siguro nila ito at mga classmates namin. Nagsisidatingan pa yong iba.
"Shanna...don tayo andon yong iba nating classmates" yaya sakin ni Princess. Pumunta na rin kami don.
"Ladies and gentlemen good evening. Here we are tonight to celebrate the 14th birthday of the only princess of Mr and Mrs. Dela Cruz. Lets give a round of applause Ms. Care Angeline Dela Cruz" akalain nyong may pa ganon, iba talaga pag unicahija. Daig pang 18th Birthday.
Nakatayo sya sa tabi ng parents nya,may mga umiikot na waiter na may dalang champagne, at juice para daw sa mga minor, parang kami yon.
"Again good evening before we eat lets give our celebrant a toss, cheers" sabi ng dad nya. "Now shall we eat".
PRINCESS POV
Nag kwemwentuhan kami ng mga classmates namin habang inaantay si Care na matapos sa relatives nila. Syempre yong ilan dito ay talagang pumunta lang para sa birthday nya. Hawak hawak din namin yong gift namin para sakanya. Medyo nahirapan pa nga kami sa regalo kasi di talaga namin alam yong ibibigay. Di naman sa mapili sya pero hindi lang talaga namin alam, kasi hindi naman sya mapili kami lang talaga yong nahihiya,at napapaisip ng pwedeng iregalo.
"Hello guys ok lang ba kayo dito?" tanong samin ng pinsan ni care kilala nya kami, kilala din namin sya.
Kasama nya yong tita nila na hindi mo mapagkamalang tita nila. Hindi kasi sya mukhang tumatanda.
"Ok lang po kami" sagot ko naman.
"Ok buti naman, matatapos na rin naman ang mga relatives namin na icorner sya masusolo nyo rin sya maya-maya" pabirong sabi ng tita nila. Ngumiti nalang din kami sakanya, biglang sagot."O sige kain lang kayo dyan". At umalis na sila.
CARE's POV
Matapos ang kaliwa't kanang pag corner sakin ng mga tita,tito at mga pinsan ko sa wakas natapos din. Nakita ko sila Shanna at Princess maging mga classmates namin at friends sa ibang class.
Napagdesisyonan kong lumapit sa kanila.
"Hi guys!" bati ko sa kanila.
"Hi Care! Happy Birthday!" halos sabay-sabay nilang sabi.
"Kayo lang yong dumating?" tanong ko di naman sa kaunti sila pero expected ko ng madami sila.
" Ah yong iba kasi is nag travel na sa kani-kanilang mga lugar, kami nalang yong natira! Sagot naman ni Fanny class president namin.
"Ah oo nga nag message din sakin yong iba" sagot ko.
"Ito yong mga gift namin sayo" sabay abot ng mga gift sakin ni Ashley.
"Parang kulang. Asan si Nathan?" tanong ni Princess. "Dont tell me di mo sya ininvite care?"
"Easy, ininvite ko sya. Sabi nya pupunta daw sya" sagot ko sakanya
"Teka nga sa dinami-dami ng wala dito sya talaga binanggit mo, Princess ah..." Pabiro kong sabi sakanya.Bigla naman syang nagmula "Wag mo na syang itease sa crush nya at baka ano pa ang masabi ng isang to!" Sabi ni Shanna
"Really?! Crush mo sya? Kailan pa? Bat di ko alam? Tanong ko kay princess.
"Actually ng nakaraan lang habang nag-ikot ikot kami sa mall at naghahanap ng regalo para sayo. Nabangga nya si Nathan at ang gagang to natulala sakanya pano ba naman kung makaporma ang mukong parang anghel na bumaba sa lupa!" mahabang paliwanag ni Shanna.
Tenease naman sya ng mga kaklase namin at nagtawanan." Oh my god!!! Speaking of the devil.."
Biglang sabi ni Fanny.Napalingon kaming lahat sa direksyon kung san nakatingin si Fanny.
" What the hell? May gwapo!"Sabi ko, dont get me wrong gwapo naman talaga sila ng kambal nya.
Napatingin kami kay Princess na nakatulala sa lalaking palapit
" Uy laway mo natulo" pabulong na sabi ni Shanna, sapat lang para marinig naming magkakatabi. Napatikhim naman si Princess na parang natauhan na."Happy birthday Care! Sorry late. Pero parang di pa naman late sa kainan" pabirong sabi ni Nathan
Nagtawanan naman kami."Nope, hinding-hindi ka malelate sa pagkain, madami pa" pabiro kong sabi sakanya.
"Ha? - - - ..." naputol ang sasabihin nya ng biglang may nag salitang. Isang pamilyar na boses.
"Bro, ito na yong gift mo". Sabay abot ng paper bag kay Nathan
Napaharap ako sa may ari ng boses. Shit! Sya nga! Si Michael! I didn't expect na pupunta sya. Although sinabi naman sakin ni Nathan na isasama nya nga si Michael hindi ako nag expect na dadating sya. At holy moly! Ang gwapo!!!
"Happy birthday Care, for you!" Sabay abot ng gift sakin ni Michael.
"Oyyyyy... Sabay-Sabay nilang pang tetease
" Salamat Michael" sabi koNag daan ang oras kwentuhan, asaran, tawanan paminsan-minsan kinakausap ako ni Michael, masasabi kong kahit papaano lumelevel-up na yong relationship namin Shutakels! Relationship talaga? Nah!! eeeeee....
_______
Moonxligth
Credits @eryllechey

YOU ARE READING
Me But Not Me
Teen FictionNaranasan mo na bang kiligin dahil sa crush? Paano kung ang kilig na inaakala mo ay isang malaking epic fail. Yong tipong akala mo ay ikaw pero di pala? Me But Not Me