MOMMY

1 1 1
                                    


                                        PART I






Nasa kwarto ako ngayon nakahiga habang hawak hawak ko iyong phone ko.


Busy ako sa pag s-scroll sa IG ko, ng biglang may kumatok. A normal knock.

Hindi ko na lang ito pinansin baka si bunso na naman nang aasar. Ang hilig pa naman non mang asar.

"Sweety, can you open this door? "


Narinig ko si mom sa labas ng pintuan ng room ko. Tumayo ako para pagbuksan ito.



"Mom I'm bus-"


Hindi ko natuloy iyong sasabihin ko ng makitang wala si mommy sa labas.


Sumalubong sa akin ang malamig na hangin para magdulot ito ng kilabot sa buong sistema ko.


"Mom?"


Umaga naman sana at ang init sa labas. Pero bakit ang lamig lamig dito hindi naman naka aircon iyong bahay namin.


I keep calling her when suddenly i heard some noise.


Sinara ko iyong pinto ng kwarto ko at bumaba muna baka si Yuan lang iyong nag iingay sa sala.


"Yuan, is that you?" tawag ko sa bunsong kapatid ko.


Pagdating ko sa living room, nakabukas lang iyong tv so i decided to turn it off.


"Kahit naman sana may kaya tayo sa buhay, matuto din magtipid ng kuryente."

Ani ko sa sarili.


Pumunta akong kitchen at doon nadatnan ko si mommy na naghihiwa ng karne.


That meat seems so fresh.


Nakahinga ako ng maayos dahil si mommy lang pala iyong narinig kong ingay kanina.


"Mommy, what are you going to cook?"


Lumingon naman ito sakin at ngumiti at ibinalik ang tingin sa ginagawa niya.


Ni hindi manlang nag abalang sagutin iyong tanong ko kaya hinayaan ko na lang.


When I was about to go back to my room, I saw mommy, lumabas galing sa cr.


"Mom?"



"Yes honey? bat parang nakakita ka ng multo diyan?"



"Ang bilis niyo naman po nakarating sa cr mommy di ba po nandun ka sa kitchen?"


"What are you saying? umihi ako at galing akong guess room naglinis ang dumi dumi ko na nga."


So, sino pala iyong kinausap ko sa kitchen?


"Mom, you're joking right? just tell me mom mahilig ka pa naman sa prank."


"Anong prank ba pinagsasabi mo Jasmine, hindi ka nakakatuwa."



"But, sino po iyong kausap ko sa kitchen?"



"H-huh?" nagtatakang tanong ni mommy saken.


"Mom, kakakita ko lang sayo don sa kitchen kinausap pa nga kita pero nginitian mo lang ako at hindi manlang kinausap tapos ngayon,  nagtataka ako kase nandito ka sa cr. So, sino iyong nakausap ko sa kitchen?"


"Ako."



Sabay kaming napalingon ni mommy sa kamukhang kamukha niya at parang sabay bumaliktad iyong sikmura namin dahil sa hawak hawak niya.


Iyong ulo, ulo ng kapatid kong si Yuan. Nakadilat pa ang dalawang mata nito at umaagos pa ang masaganang dugo nito at patuloy na pumapatak sa sahig.


"Mom takbo!"


Agad kong kinaladkad si mommy dahil nakatayo na lang ito habang nakatingin sa babaeng nanggagaya sa mommy ko.


Napatakbo kami ni mommy sa taas ng bahay at pumasok sa kwarto ko.


Nilock ko ng maigi iyong pinto para masigurong hindi ito makakapasok.


"Anak! buksan mo to, hindi ako iyang kasama mo!"


Nataranta ako sa boses na narinig ko labas.


"Jasmine, buksan mo ito! Ako ang totoong Mommy mo maawa ka, trust me baby."

"Naalala mo iyong binigay ko sayong gift nong nag 18th birthday ka? di ba niregalohan kita ng kotse? anak please buksan mo to."



Narinig ko itong umiiyak kaya nagugulohan na talaga ako kong sino ba talaga iyong totoong mommy ko.


Lilingon na sana ako sa likuran ko ng makaramdam ako ng mabigat na bagay na humampas sa batok ko para tuloyang mandilim iyong paningin ko.

MOMMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon