One

2 0 0
                                    

“SINO ka ba‚ ha?”

Napatitig ako sa mata n’ya at tinaasan ko ito ng kilay. Mukhang nakalimutan ko magpakilala at gumawa ng mahabang speech.

Pero kailangan pa ba talaga ‘yon?

Hindi ba makontento ang mga tao na hindi alam ang detalye ng kanilang taong nakakahalubilo araw araw?
Ganon ba ka importante na alamin ang katiting na detalye para sa isang tao? Makakapagpabigay ba ito ng kasiyahan sa kanila? Hindi.

Sa akin kasi hindi‚ i would prefer my personal information as with me.

Stick with me.

Nilagpasan ko nalang ang timang. Bakas sa kanya ang pagkairita dahil sa inasal ko. Pake ko ba?
Hindi naman ako mahilig sa daldalan at pakikipagharutan. I would rather choose die in a billion times and be with lucifer kaysa makipagdebate sa mga tao. Diko talaga magets eh.

Ang mga tao kasi alam na nilang masasaktan sila o di kaya’y makakasakit sila ng ibang tao eh keri lang. Tanga pala nila noh? Sinasabihan nila ako ng weirdo. Shunga. Nerd. Different. Psychopath.

Eh kung ihiharap ko kaya sila sa salamin at nang makita nila na sila rin ang gumawa ng kashungahan ng ibang tao ay baka mamulat pa sila.

Mundo nga talaga‚ puno ng kuryosidad.

Kuryosidad na tao lang ang may kagagawan.

Inilapag ko nalang ang dala kong libro at bag saka tumuon ang atensyon sa unahan. Hay. This part of my life is my hatest of all. Why? Because in one...

Two...

Thre— “Ms. Can you introduce yourself to the front. Class let's welcome our new transferee.”

Wala akong magawa ng tumutok sa akin ang iba’t ibang kulay at mapanghusga nilang mata. Ano naman ba kaya ang iniisip nila?
Na porket simple at nerdy ako ay ta-tangahan na?

“Hi. My name is Angel.” Saad ko ng mariin atsaka bumalik sa upuan. Ito pa ang isang dahilan na kinaiinisan ko‚ my mother named me ‘angel’ not knowing i have a devilish attitude. I’m not literally like an angel. Take note this‚ paano mo matatawag na anghel ang isang tulad ko eh wala naman akong pake sa lahat. An Angel must be the one who had a good hearted and shows a beauty beneath a disaster. Pero ako? Nahh. If sooner ay makakuha ako ng mapagkikitaan ay papalitan ko ang pangalan ko.

Who. the. hell. care. about. me?

“Tell something about your family, about yourself.”

Inamyo ma'am‚ ayoko ngang magsalita eh!

Napatindig ako at nag iisip ng magandang isasagot.

“My mother is labandera. And my father is buried on hell. Thank you!” Tamis kong sabi saba’y walk out sa klase bitbit ang gamit ko. Narinig ko pang tinawag ako ng aming guro pero pinagpatuloy ko parin ang paglalakad.  Eh, narinig kong sabi ng mga timang kong ‘kunong’ klaysmet na free time lang naman ‘yon. Vacant ba.

Napangisi ako ng maalala ang sinabi ko sa kanila kanina. Totally‚ i don't have a mother. Ang labandera na tinutukoy ko ay ang aking lola‚ that psycho! Siya ang nagpalaki sa akin ng matagal. She’s the reason why i do have this kind of attitude. About the fact that i do have a father‚ namatay na talaga s’ya. Namatay s’ya sa isip at puso ko dahil ni hintuturo ng daliri non ay diko man lang nakita o nahawakan.

Consider the things dead if you don't see nor touch it.

Napapaisip ako kung tutuloy ba ako sa address na ibibigay sa akin ni Alencia. Pagkamatay kasi n’ya ay may sulat na iniwan. Ewan pero natatawa ako sa ibang parte ng sulat na ‘yon. Sadyang komedyante lang talaga ang gurang na ‘yon. Dinukot ko ang mentos sa loob ng bag ko at bubuksan ang libro ko. Mabuti ‘tong puwesto na napadparan ko ang tahimik.

CLICK CLOCK CLOEYWhere stories live. Discover now