two

3 0 0
                                    

“H-hindi ako pumatay sa kanya!” Bulalas ko ng makabawi ako ng bangon. Halos mangatnog ang tuhod ko dahil sa pangyayari.

“Huwag kanang mag deny pa. Paparating na ang pulis. Sa kanila ka magpaliwanag, killer!” Sabi nung naka itim na damit na lalaki. Teka, pamilyar s’ya sa akin. Siya ‘yung ka holding hands nung namatay na gay. S’ya yung maangas.

“H-help-p.” Natuon ang atensyon nila ng magsalita ‘yung lalaki na halos magsibulwakan na ang lamang loob dahil sa saksak.

Nakakabilib man kung sino ang gumawa nito. Ilang minuto lang at nakaya na n’yang gawin ito.

Hawak hawak ko parin ang kutsilyong ginamit. Alam ko kasing nasa loob lang nito ang may gumawa, hindi nga lang ako.

Sino?

Napatitig ako kay Marie na may mga mantsa ng dugo sa damit.

“Marie. Why do you have blood on your shirt?” Bago ko pa man matanong ay naunahan na nya akong makapag salita. S’ya yung nagutos sa aking patayin ang ilaw.

“I- i hold her hand kanina. Then, mayroong dumikit na blood. Takot ako sa blood, kaya pinunas ko sa damit ko. I swear di ako gumawa n’yan. I don't have reason. HIND AKO ANG KILLER!!!” Nagulat kaming lahat sa sabi n’ya. May pagdududa nang nabubuo sa aking isipan. Nagtatanong lang naman, ‘oo’ or ‘hindi’ ang kaylangan hindi mahabang explanation.

“Lester. Stop. Marie has an heart illness, wag kanang magtanong pa baka it would more cause trouble.” Lumapit si Kennedy at pinatahan ang hingal na hingal na daldalerang si Marie.

So, her name is Lester huh?

“Di. Ako. Ang. Pumatay. Sa. Kanya.” Mariin kong sabi at tinitigan ko sila isa isa. Lahat sila ay nakatingin ng diretso sa akin. Puwera lang kay ma'am na lumabas para tumawag ng ambulansya.

“Kung di ikaw, sino?” Saad ni kaori na namumutla na siguro dahil sa takot at kaba.

“Ang alam ko, isa lang sa atin dito ang salarin.” Saad nung lalaki. Lalaking ngayon ko lang nakita, sino s’ya?

“I’m the guard here. Tumabi muna kayo sa katawan. Ikaw na may hawak ng patalim halika rito.” Hindi ako gumalaw ng lumapit ito sa akin at lagyan ako ng posas sa kamay dahilan para mahulog ang hawak kong patalim.

Napatitig kaming lahat sa kinahulugan ng kutsilyo. May nakaukit doong letrang ‘C’ gamit ang dugo—pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang maliit na hikaw sa gilid ng bangkay. Naghahalo halo na ang pagdududa ko sa kanilang lahat.

Sino nga ba sila?

“Put her on jail manong. She kill my boyfriend.” Dagdag na sabi nung renz. Narinig ko kasi kaninang sabi ng lalaking napatay na “R-renz. Ikaw tulong-g” Hindi ko na tinuunan ng pansin at mas nag focus ako sa mga galaw ng bawat tao sa loob. Nakaupo ako sa isang upuan na kaharap ang blackboard. Habang nasa gilid ko naman si Marie na hinihika na kakaiyak sa kaliwa ko naman ay ang tulalang si kaori na kinakausap ni ken. Napansin kong may sugat si Kennedy sa leeg na para bang bagong kalmot lang at nung nakita n’yang nakatitig ako roon ay bigla s’yang umiwas at binigyan ako ng simpleng ngiti. Nayupos ko ang aking kamao ng makitang puno ito ng dugo pati narin ang damit ko. Hindi ko masyado ma idetayle ang nangyari kasi kay bilis. Ang mas nakapagtataka ay nagkarron ng mantsa ng dugo ang nagngangalang Lester sa kanyang damit ngunit wala sa kamay. Napano nga ba?

Mga kalahating oras pa kaming hintay habang si manong guard ay nagbabantay sa labas. Malayo kasi itong lugar dahil liblib na ito. Lalo’t pa’t aabutin ka ng 30 minutes para makahanap ng sakayan. Para sa akin swak na ang ganitong lugar. Malayo sa maraming tao at makakagalaw ako ng maayos.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 25, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CLICK CLOCK CLOEYWhere stories live. Discover now