Road #3

26 1 0
                                    

Nandito kami ngayon ni manang sa kusina tinutulungan ko siyang maghanda nang tanghalian namin...

"ano ng petsa ngayon Iza? "biglang tanong ni manang kaya napatingin ako sa kalendaryo na nakasabit sa pinto ng kusina...

"ah!  May 25 na po manang.. Bakit po? "

"ah!  Kasi bini-bilang ko kung ilang araw na sila ni ma'am  na nandun sa macau.. Isang linggo na pala "tumango-tango lang ako sa sinabi ni manang.. Isang linggo na pala sila nandun so isang linggo na lang din at maiilang na naman ako sa pagkilos dito sa bahay...

At isang linggo na din magbuhat nung huli naming usap ni jessy tungkol dun sa pag-aaral ko.. Hanggang sa gumabi na nun ay yun pa rin ang iniisip ko kung paano ako makakapag-aral.. Hanggang ngayon pa rin kasi wala pa akong masyadong naipon galing sa sahod ko.. Binibigay ko kasi kina mama... Ay!  Bahala na.. "Makakapag-aral din ako.. Just trust G!  Iza.. Trust him.. "

Yan na lang ang laging sinasabi ko sa sarili ko sa tuwing naiisip ko ang tungkol sa pag-aaral para makalimutan ko kahit sandali ang tungkol diyan..

"ah!  Oo nga po pala manang noh!!  Sana mag-extend pa sila hehehe... "
biro kong sabi kay manang na may halong totoo hehehe..

"hahaha.. Ikaw talaga.. Sana nga mag-extend eh kung hindi ay! no choice ka kundi eh WELCOME sila sa bahay nila hahaha" sabi ni manang na nilakihan pa ang word na "welcome" alam niya kasi na naco-conscious akong gumalaw pag andiyan sila ma'am kaya ito inaasar niya ako.. Naka-pout na lang akong tumingin sa kanya.. No choice  talaga ako!!!

"at isang linggo na lang din at pasukan na... "dagdag pa ni manang na maslalong nagpa-lukot ng mukha ko..

Isang linggo na lang din pala pasukan na  in short babalik na yung bruhildo ko na alaga.. .. Kung sa kasabihan ay there's  a rainbow after the rain pwes meron ding after that rainbow there's a storm... Ganon....hayahay ka nga sa dalawang linggo may kapalit naman na bagyo.. Bagyo,!! dahil para talagang binagyo ang buhay ko pag-nandito yung asungot na yon....

"Oo nga po manang eh!! Mahaba-haba na naman na taon to.. "yun na lang ang sinabi ko kay manang at ngumiti nang pilit... At alam niya rin na lagi kaming nagbabangayan ng alaga ko..

No choice  eh!!  Sayang naman kung aalisan ko pa tong bahay na to at maghanap nang bagong amo.. Una balik ka sa dati pangalawa mahirap mag-adjust at tatlo ayaw kong iwanan si manang napa-mahal na ako sa kanya siya na nga ang kinikilala ko na pangalawang ina dito...

Nagkwentuhan lang kami sandali ni manang habang kumakain pagkatapos nun ay balik na naman sa trabaho kaya ito ako ngayon sa banyo ng alaga ko naglilinis sa bathtub  niya..delikado kasi yun pag nakita niyang madumi yung bathtub niya nagiging lion king.. Ang creepy nun kaya ito ako ngayon kuskos there kuskos here sabon everywhere habang pakanta-kanta feel na feel ko talagang kumanta pag nagta-trabaho para kasing hindi nakakapagod pagkumakanta ka in-enjoy mo lang yung ginagawa mo..

At mas lalo kung feel na kumanta dahil nasa loob ako ng banyo which means walang makakarinig sakin na kumanta at walang mababasag na eardrums  at diba nga sabi din nila maganda daw mag concert sa loob ng banyo feeling mo daw kasi maganda yung boses mo at effective naman kaya ito birit kung birit na kumakanta ako... hahaha....

"haaayyy!  Salamat natapos ko din ang lahat na dapat kong gawin ngayon "nasabi ko sa sarili ko habang nag-unat unat ng katawan medyo nakakahilo din ang maglinis sa kwarto nang alaga ko.. Sa laki ba naman nun hindi ba sasakit ang katawan mo nun mahihiya ang bahay namin na bungalow  kong itatabi mo sa kwarto ng asungot na yun...

"oh! Iza tapos kana maglinis sa kwarto ni Thirdy? "tanong ni manang sa akin... Medyo natawa pa ako sa tawag niya kay asungot.. Thirdy??  Haha pambata tsaka hindi bagay sa kanya kasi hindi siya cute... Hahaha.. Oo hindi siya cute gwapo lang.. Sabi sa isang side ng utak ko.. Kaya dali-dali ko itong inalog-alog.. Talaga namaan nasabi pa yun ng utak ko talaga...

Road to her dream!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon