Nagmamadali akong nagbihis at nag-grocery pagkatapos kung ma-realize na wala akong ibang choice...ako talaga ang magluluto para sa kanila....kasi pagkatapos kung maka-usap si Mrs. ay pumunta ako sa quarters namin para ipag-bigay alam kay manang na uuwi na sila ni Mrs....kaso hindi ko na ginising si manang kasi tulog pa rin siya nahihiya akong gisingin siya at hanggang ngayon may sakit pa rin siya... kaya nag lagay na lang ako nang note sa noo niya na gagamitin ko muna yung kusina niya....pero joke lang..dun lang sa side table niya....hehehe.....
Tapos na akong magluto... nag table setting na lang ako dahil panigurado padating na sila 6:00 p.m. na kasi... "sana naman magustuhan nila ang niluluto ko...." nasabi ko sa sarili ko...kinakabahan kasi ako baka kasi hindi nila magustuhan yung preni-pare ko para sa kanila...
Pero bahala na confident naman ako na masarap ang niluto ko.... para saan pa at ako ang naging best in culinary nung highschool ako.. kung hindi ako magiging confident na masarap ang niluto ko...
Check lang ako nang check sa table kung tama ba ang setting na nagawa ko at kung nandun na lahat ..mamaya ko na eh se-serve yung mga pagkain.....babalik na sana ako sa kusina para i-check ko kung tama na ba yung platings ko sa mga pagkain nang tumunog ang doorbell...
"Tamang-tama kasi mainit-init pa yung mga pagkain..."nasabi ko sa sarili habang tinungo ang main door...no need na kasi buksan yung gate kasi automatic na siyang nagbubukas pag kotse nila Mrs. ang papasok...
"Good evening po Mrs.Prynne "bati ko kay Mrs. nang makababa na siya sa kotse.....
.
"Good evening din Iza.."balik na bati niya sa akin at pumasok na...Nakita ko naman na bumaba na si thirdy at ang bruha niyang girlfriend..pssh...."good evening sovrano, good evening din po sa inyo Ms. Sharmaine...".magalang na bati ko sa kanila....
"Good evening too..."nakangiting bati sa'kin ni thirdy ...magalang to ngayon kasi nandito yung mommy niya pero pag-wala ay humanda ang dapat humanda...
At si sharmaine naman ayun she just rolled her eyes to me and clang her arms into thirdy's arm...tsssk!! ..maldita talaga..iirap pa eh dukutin ko kaya yang eyeballs mo tingnan ko lang kung maka-irap kapa...bulong nang utak ko sa akin.......
Tumalikod na lang ako at pumunta kay Mrs. Prynne...
"Clinging malandi...akala mo sa akin aagawin ko yang boyfriend mo??wag na lang ui.. kung lagi niya rin lang naman pinapakulo ang dugo ko..."I mutter to myself as I walk my way to the dinning area
"Ano yun Iza?? May sinasabi ka ba diyan?"ay!! naku-nako yang bibig mo talaga isa hindi makapag-pigil...
"Ah-ah wala po Mrs. ...sabi ko po na mabuti po at tamang-tama lang yung pagdating niyo kasi mainit-init pa yung mga pagkain na hinanda ko... lalo na yung sabaw kumukulo-kulo pa.......'" sagot ko kay Mrs. ..sana maniwala siya...sana hindi niya narinig ang sinabi ko kanina...
"Ah.. okaay.."haayyy!!salamat...naniwala siya....pumuwesto na siya dun sa table...napatingin ako sa gawi nila thirdy... pssh..love birds wala yata to'ng plano kumain eh...bulong na naman nang utak ko... nandun kasi sila sa living room wala lang nagyakapan lang...
"Ay!!suss!!akala mo hindi magkasama buong bakasyon...kung maglampungan eh parang ngayon lang nagkita...ang arte! " ....nasabi ko sarili habang nakatingin pa rin sa kanila....madapa ka sana malanding hitad ka..hahaha...
"so Iza pwede na ba kaming kumain?" nabalik ako sa pagtingin kay Mrs. nang magsalita siya...
"Po??ah upo"sheyte!!! nakalimutan ko pala i-serve yung pagkain...
Dali-dali akong pumunta sa kusina para kuhanin ang mga pagkain.. "bakit mo ba naman kasi sila pinaki-alaman ayan tuloy natulala ka..."iniling-iling ko na lang ang ulo ko dahil sa mga naiisip ko...diyos ko patawarin niyo po ako sa mga salitang nabitawan ko..tapos nag cross sign na...
Bitbit ko na yung mga pagkain na dadalhin dun sa dining area...nagbuntong hininga muna ako bago lumabas nang kusina..."kaya mo to Iza... fighting..."sabi ko bago tuluyang pumunta sa dining area....
Pagkadating ko sa dining nandun na rin sila thirdy at si sharmaine.. and as usuall naka-angkla na naman yung kamay niya kay thirdy..psshh...possesive....
Iza wag mo na lang silang pansin focus ka na lang sa ginagawa mo...so ayun nga isa-isa ko nang nilagay ang mga pagkain na niluto ko sa mesa...
"Ah...Mrs. sana po magustuhan niyo yung niluto ko..."
"Ikaw nagluto?? Bakit na saan si manang??" Gulat na tanong niya...naku parang ayaw niya yata sa luto ko....
"Ah kasi po Mrs. may lagnat po siya simula kanina...hindi niya po kaya magluto kaya ako na lang...."paliwanag ko kay Mrs.
"So how is she??" Mrs. Prynne
"Medyo okay na po siya Mrs. ..bumaba na kasi ang lagnat niya..."sagot ko ulit...
"Ah okay...let her take a full rest..."Mrs. Prynne ulit...
"Upo Mrs.."ako ulit...wala kaming ibang kasama eh ..hahaha...hangin lang sila...
"So ikaw ang nagluto nito.."Mrs. Prynne again...
"Upo Mrs.."
"Wow...your presentation is good.. it looks like so fascinating to eat ..."sabi ni Mrs. ...salamat naman at naapreciate niya yung presentation ko...sa lasa na lang talaga... huhuhu
"Thank y---"
hindi ako natapos magsalita dahil biglang sumabat si sharmaine ...andito pala siya..!!parang wala kasing ibang tao kanina eh..hahaha"So what are the the food that you've prepared for us..."mataray na tanong niya sa akin...abah!! may orientation pala dito..hindi ko alam yun ah....
Pero bahala siya.. hindi ako magpapatalo sakanya...huhh!!tingnan natin..."the
food that I-i pre-pare a-are....." nagkunyari akong hindi ko alam ang sasabihin ko kasi alam ko ang ire-react niya kukutya-in niya lang ako... at tama nga ako nakita ko siyang nag smirk at magsasalita pa sana pero inunahan ko na..."The food that I prepare are....Mozarella Ham Stromboli and Crumb coating fish for the main course, Tortellini spinach salad for the salad appetizer.... and for the soup is Italian peasant soup...I also made Macadamia berry for the dessert and Orange slush for your beverage..." sunod-sunod kung sabi...tiningnan ko silang tatlo si Mrs. halata sa mukha niya ang pagka-amaze si thirdy naman ay shock same as sharmaine na naka-nganga pa talaga....
Huh!? Ano ka ngayon linta ka??nganga ka?? bisaya yata toh matapang huh!??
"Errr...how can I be sure that you didn't add an MSG to that food??... " at talagang ayaw niya talaga magpatalo madlang people...grabeh tong linta na'to...
"I'm 100% sure maam sharmaine that I did'nt add an MSG to the food that I prepare..." confident kung sabi sa kanya..akala mo huh...!!
"At kung maglalagay man ako sisiguraduhin kung dadamihan ko at ikaw lang ang kakain nun hitad nato..."dagdag ko pa pero mahina lang...para hindi niya marinig pero mali yata ako parang narinig niya...
"What did you say???" Mataray niyang tanong sa'kin..
"Ah wala po sabi ko po... enjoy your food..." plastic kong sabi sa kanya..psshh...
"I did'nt know that you actually cook..."buti na lang at nagsalita si Mrs. kasi hindi ko talaga siya aatrasan sa laban nato..... "you should take up a culinary course Iza......." dagdag pa niya na nagpahina sa akin bigla...
kung alam mo lang Mrs. Prynne na ang pagiging chef ang pinapangarap ko matagal na...kung alam mo lang..
BINABASA MO ANG
Road to her dream!!
General FictionIza Danica Zolante or iza for short isang personal maid at kaaway nang nag-iisang anak ng mga Prynne na si thirdy ...pero kahit isa siyang maid ay may malaki pa rin siyang pangarap sa sarili niya ang maging isang sikat na chef sa buong mundo.... The...