AMAYA

4 1 1
                                    

     Mabibilis at malalaking hakbang ang nagmumula sa dalagang Amaya. Maya kung tawagin ng mga kaybigan nya. Tagaktak  na ang pawis nya dahil sa pag lakad takbo nya. Pasado alas otso na at halos 15 minutos na syang nahuhuli sa klase

Sa pag akyat nya ng hagdan isang malakas na pwersa ang tumama sa kanya dahilan upang tumilapon ang mga gamit nya sa taas at mawalan siya ng balanse. Nanlalaki ang mga matang kumurba ang katawan nya sa pagkahulog. Tila ba bumagal ang lahat sa paningin nya maging ang pagdaan ng mga gamit nyang tumilapon sa kanyang ulunan ay tila ba nasa slow motion din.

Pero tila ba hinampas sya ng katotohanan na sya si Amaya ay babagsak at malamang ay magpagulong gulong pababa ng may sampung baitang na hagdan.
Dala ng takot ay mariin nyang naipikit ang mata. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay wala man lang siyang naramdamang sakit ng katawan o Amayang nag papagulong gulong pababa ng hagdan. Sa halip isang kamay ang mariing nakahawak sa kanyang bewang at mabibigat na paghinga. Isa isa nyang binuksan ang mata para makita ang maamong muka ng isang lalaking datiy tinitingnan nya lamang bilang isang kaybigan.

Ang mga mata nitoy na ngungusap habang mariing nakatingin sa kanya na para bang nais nitong mag tanong ng sobrang daming bagay.
Matagal narin mula ng huli silang nag usap. Walang pag aalin langan o ilang na nakapagitan.

"ayos ka lang ba?"
Nagising siya sa malalim na boses ni Inigo.
Tumayo sya at inayos ang sarili. Inumpisahan nya ng pulutin ang mga gamit na nahulog ng hindi man lamang nagpasalamat ni tiningnan man lamang si Inigo.
Samantala hindi naman mapawi ang ngiti sa muka ni Inigo ng mapansin nya ang isang sketch pad na kasing laki lamang ng isang notebook sa ibaba ng hagdan.

Hawak hawak ang pusong naupo si Amaya sa knyang upuan. Laking pa salamat nya ng malamang huli na rin ang pagpasok ng kanyang guro.

Lumipas ang mga oras. Dumating at umalis ang mga guro nya at lumipas din ang panibagong araw ng walang humpay na pagbabago.
Mag isa syang nag tungo sa library upang ibalik ang mga librong hiniram at humiram ng panibago bago sya magtungo sa school ground para doon ilaan ang mga libreng oras nya.
Wala sa sariling napatulala si Amaya sa asul na langit. Ang mga bagay na madalas nyang ginagawa ng may kasama. Ngunit mas pinili nyang dumstansya kay Inigo ang kaybigan nya. Dahil ang dating pantay na pag tingin dito ay untie unting nag babago.
"im sorry Inigo. I likevv b you and it feels like i already love you that's why i have to stay away from you because im too weak to be with you."

Sa isip ni Amaya. Sa isang iglap bigla na lamangn tumunog ang intercom.
Bagay na pumukaw sa atensyon nya.
"ahmm calling  all of your attention please.".

Isang pamilyar na boses na pumukaw sa atensyon ni Amaya. Ang pamilyar na boses na may kakayahang pabilisin maging patigilin ang puso nya.

"byuong buh
ay ko naging duwag ako sa nararamdaman ko. Takot ako sa pag babago. Lalo na kapag nalaman mo ang nararamdaman ko para sayo"

Hindi maunawaan ni Amaya kung bakit kinakabahan sya. Dahil ba sa kilala nya ang may ari ng boses na iyon at alam nyau rin na malabong para sa kanya ang mga katagang iyon. Mga bagay na nag dulot ng paninikip ng kanyang dib dib.

Nag umpisa nasyang mag lakad palayo habang hawak ang dib dib. Hindi na nya gusto ang nararamdaman.

"natunugan mo bang gusto na kita kaya lumayo ka naa lang bigla?"
Napatigil si Amaya sa paglakad ng mapag tantong wala na sa intercom ang boses kundi sa mismo nya ng harapan.

Dahan dahan syang nag angat ng tingin sa may ari ng boses. At wala syang ibang nakita kundi ang kumikislap na mata ni Inigo na walang kurap na nakatingin pabalik sa malam lam nyang mga mata. Bumuka ang bibig nito ngunit wala ng marinig pang iba si Amaya kundi ang tila ba matinis na tunog sa loob ng kanyang ulo. Napakabig siya sa kaharap ng maramdaman ang matinding sakit na tumatagos sa buo nyang kalamanan. Dahil sa pagkabigla kapwa sila nawalan ng balanse at natumba sa sahig. Gamit ang natitirang lakas pilit inabot ni Amaya ang muka ni Inigo.



               "san ka baa galing at ang tagal mo?!" asik ng isang lalaking may baritonong boses at matigas na muka ngunit hindi sumagot ang kaharap nya sa halip ay walang imik nyang iniabot ang bote ng tubig sa lalaki at marahang pinunasan ang luha sa pisngi.

"ilang beses ko bang sinabi sayo na wag mo nang titigan ang pagtatapos?"
Biglang lumambot ang muka ng lalaki at marahang iniangat ang ulo ng babae.

"you dont have to be there always and watch them suffer. Dont blame your self." wika nito na para bang alam nya ang lahat lahat sa kausap. Samantalang hindi naman malaman ng kausap ang sasabihin.

Ng isang kulisap ang umagaw sa atensyon nya. Isang kakaibang kulisap na kawangis ng isang paro paro na may bughaw at lilang mga pak pak ngunit may kumikislap na antena na parang ang kinang ay sa isang alitaptap. Sinundan nya ng tingin ang kulisap.

"I badly want your memories to be starred. Miriam."

Starred MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon