INVERTED

0 0 0
                                    

"babe please wag ka ng magalit. Wala naman kaming ginagawang masama eh."

"KUNG WALA TALAGA KAYONG GINAGAWANG MASAMA BAKIT HINDI KO ALAM YANG TUNGKOL SA LAMAR NYO?!"

"sorry na babe biglaan eh."

"SUS! BIGLAAN! NAG PA ALAM KA KUNG KELANG ANDYAN KA NA! PANO KUNG MAY NANGYARI SAYO?"

"walang mangyayari sa akin pangako."
Lumingon si Gracia sa nobyo nitong nakayakap sa kanyang likuran.
Ngunit sa pag lingon nya wala siyang ibang nakita kundi ang sarili sa tapat ng nakabukas na bintana sa gitna ng malawak na silid na direktang nasisinigan ng bilog na bwan.

Sinubukan nyang hanapin ang kasintahan ngunit hindi nya ito nasaksihan.

"JAMES!"
pag sigaw nito sa pangalan ng kabiyak ngunit tanging pag balik lamang ng boses nya ang narinig.

"JAMES! ASAN KA?!"
unti unti ng bumuhos ang luha nya habang iniikot ang paningin sa lopb ng silid.

"Gracia!"
Napalingon si Gracia sa pinanggalingan ng boses ngunit wala syang nakitang kahit na ano.

"Gracia!"
Tuluyang na pabalikwas ng bangon si Gracia. Tagak tak ang pawis nito at bakas pa ang luha sa pisnge nito.
Nilingon nya ang pinanggalingan ng boses at nakita ang naka ngiting muka ni james.

"bakit ka umiiyak?"
Anang paos nitong boses na nag pakalma sa puso ni Gracia. Dahil sa naging panaginip agad na niyakap ni Gracia ang nobyo.

"nakatulog ka na dito. Gawain ba yan ng matinong doktor?"
Parang na ngangaral na biro  nito sa kasintahan.

"kelan ka pa?"
Tanong na lamang ni Gracia pero ngumiti lamang si james at sinipat ang wrist watch.

"pasyal muna tayo."
Tanong sa kanya nito.

"saan?"
Tanong ni Gracia pa balik.

"kahit saan basta kasama ka."
Naka ngiting saad ni James dahilan para tumawa si Gracia.

"bumabawi ka ba dahil hindi moko isinama sa trip nyo! Ha?!"
Taas kilay na bulalas ni Gracia habang naka tingin kay James. Pero kataka takang nanahimik lamang si James at muling hinapit sa isang yakap si Gracia.

Magkasama silang bumaba ng hospital at naglakad sa kahabaan ng kalye na kapansin pansin ang kakaibang liwanag ng kalyeng iyon hanggang sa madaan sila sa isang kainan na madalas nilang gawing tambayan nung mga estudyante pa lamang sila.

Nasa kabilang bahagi ang kainan at magkasabay nilang tinitigan habang kapwa nag babaliktanaw sa mga ala alang magkasama nilang binuo noon.

"still remember that one rainy day of july? "
Basag ni James sa katahimikan. Wala sa sariling napa ngiti si Gracia.

Sino ang makakalimot sa araw kung saan una silang nag kakilala.

Malakas ang ulan ng gabing iyon dahil sa bagyo. Nag mamadali ang lahat ng taong makalayo sa ulan at humanap ng masisilungan. Kabilang na ang highschool student palang noong si Gracia. Mabilis ang takbo nito di alintana ang malakas na tama ng ulan sa muka nya. Basang basa na ang kabuoan niya dahil sa pagtakbo sa ulan. Pakay nya ang sumilong sa kainan na lagi nyang kinakainan.

Malapit na sya sa kainan kayat mas binilisan oa nya ang pag takbo hanggang sa isang pwersa ang tumama sa buong katawan nya dahilan para pabagsak syang tumilapon dahil sa lakas ng pag bangga.

Dahil sa pag mamadali at patak ng ulan ng tumabon sa paningin di nya napansin ang isang lalaki na tumatakbo patungo sa direksyon nya.

Nahihilo man agad syang tumayo upang tulungan ang taong nakabangga nya.
Doon nya nakilala si James na nooy kulay dilaw pa ang buhok dahilan ng biglaang pag tawa ni Gracia. Dahil hindi nya inaasahan na makakita ng lalaking ika niyay literal na mukang basang sisiw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Starred MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon