𝐓 𝐖 𝐎

149 7 3
                                    

“Danerie? Danerie omaygad i miss you so much!!” lumapit ako dito at akmang yayakapin ng bigla itong mag salita

“Teka? Danerie? Sorry pero hindi ako si danerie”

Tiningnan kong mabuti kung si danerie ba talaga iyon ngunit nag ka mali ako hindi sya si danerie

“Ahm hi sorry namalikmata ata ako haha”

Tumingin ito sakin at nag salita

“Baliw.” saad nito sabay labas sa banyo

Bumalik ako sa lababo at umupo sa sahig

“D-danerie miss na talaga kita bumalik kana please.” saad ko

Naramdaman kong unti unti ng bumabagsak ang mga luha ko

Nagulat ako ng may kumatok bigla

“S-sino yan?”

“Johnmar? ”

“Kai?” tumayo ako at nag punas ng muka

Binuksan ko ang pinto nang makita ko sya ay agad akong ngumiti na para bang walang nangyari

“Bat ang tagal mo? Tapos na kame mag quiz”

“S-sorry kai pres sobrang sakit kase talaga ng tiyan ko hehe”

“Ay nako okay lang yun tara't bumalik na tayo baka andoon na si professor english”

“Osige tara”

———

Kakatapos lang ng second sub namin at recess na namin

“Johnmar! Sama ka? Punta tayo cateferia. ”

“Una na kayo, sunod nalang ako tatapusin ko lang tong assignment natin. ”

“Sure ka? Sige sunod ka ahh.”

Tumango ako at bumalik na sa pag susulat

Sa kalagitnaan ng pag susulat ko bigla nalang may umagaw sa notebook ko

“Kiel? A-akin na yan”

“Ano yun? Ano daw? Haha lambot ah”

“Baka naman bakla” saad naman ni edward

“Awts bakla ka pala eh” tumatawang saad ni hanji

“Hoy johnmar umaasa ka parin ba kay danerie?”

“Hindi makasagot tol”

“Wag ka nang umasa masaya na sya kasama si stephanie sa canada HAHAHAHAHA”

Pinipigilan kong umiyak sa mga naririnig ko

“HAHAHAHAHAHAHAHAHA kawawang johnmar hindi gusto ng taong gusto nya.” Sabay sabay silang tumawa

Habang nakayuko at pinipigilang kong umiyak biglang hinatak ni hanji ang salamin ko

“Hanji akin na yan!!”

“Asa!” Saad nito sabay bato ng salamin ko sa bintana

“Gàgo ka pre baka umiyak si johnmar bading hahaha”

“HAHAHAHA tara na nga” saad ni kiel sabay bato sakin nung notebook na sinusulatan ko kanina

Hindi ko na napigilan at pumatak na ang luha ko

‘B-bakit?’

𝐏𝐢𝐩𝐢𝐥𝐢𝐢𝐧 𝐤𝐚 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐚𝐫𝐚𝐰Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon