Prologue

17 2 0
                                    

"Darius!" Pasinghal kong ani sa kanya.

"What?" Tanong nito sa akin

Aamin na ako. Tama tama aamin na ako.

"Ah Darius, pwede ba tayong mag usap?" Tanong ko naman dito

"Ano ba ang pag-uusapan natin at tila ba nanginginig ka jan?" Natatawang sambit niya habang pinasadahan niya ako nang tingin mula ulo hanggang paa.

Hindi ko na hinintay na tawanan niya pa ako kaya hinawakan ko ang pulsuhan niya at nagtungo kami sa dalampasigan.
Nagulat pa nga siya nung kinaladkad ko siya papuntang dalampasigan pero naka-recover rin naman siya kaagad.

"I...." Kinakabahan ako.paano kung lalayuan na nya ako pagkatapos nito? Bahala na.

"Your...?"

"I...like...you" namumula kong ani sabay iwas nang tingin dahil nahihiya na ako.

"You like me?" Tanong niya

Hindi ba Obvious? Tsaka kakasabi ko lang diba? Huhuhu mommy

"Look, athena magkaibigan tayo."

"Alam ko"

"Alam mo pala, edi sana pinigilan mo yang nararamdaman mo." Malamig niyang usal sa akin.

"Ahh ganon ba" pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko. Ayoko na umiyak ako sa harapan niya.

"Ahh una na'ko ah, hinahanap na rin kasi ako nila kuya Liam eh, ahh babye!"

Sana pala hindi ko nalang ginawa yon.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nasa tambayan kaming magpipinsan ngayon.

"Xander, pakiabot nga nung juice" sabay turo sa isang kahon ng pineapple juice na nasa tapat ni Xander.

"Aba kung maka- Xander ka sakin kutusan kita jan eh, mas matanda ako sayo athena!" Nakakunot na ang noo nito nangsabihin niya iyon

"Hehehehe sorry na po lolo xander"

Inisin ko kaya to lalo. Nakakatawa na yung mukha nito pag napikon eh.

"Hindi ka sana magustuhan ni Darius!" Nang-iinis na usal niya sa akin.

"Aba-aba namemersonal kana ata Kuya Xander?!" Pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya ay nag walk-out na ako.
Mapanakit. Sobra. Makabuntis ka sana.

Habang ako ay naglalakad at sinusuyod ang dalampasigan. Tama ka. Ang tambayan namin ay malapit lang sa dagat at parte ito sa property nila Kuya Xander.

Kahit ilang taon na ang lumipas. Hinding hindi ko makakalimutan ang pagmumukha niya. Sobrang pogi kasi hahaha.

Kung sakaling hindi ko inamin sayo na gusto kita. Hindi kaba aalis? Hindi mo ba ako iiwan?. Kung sakaling kinimkim ko na lamang ang mga nararamdaman ko para sayo, hindi ba masisira ang pagkakaibigan natin? Hindi mo ba ako iiwasan?.

The Chase Begin

The Chase BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon