Kabanata 2

652 27 0
                                    

Ipinaghila ako ni Jane ng upuan. I didn't bother to say thanks kasi yun naman talaga ang dapat gawin nya, since I'm her amo naman.

Tsaka di naman kami close noh. Unlike my Yaya.

"Kamusta ang pakiramdam mo, anak? Masama parin ba?" tanong ng Reyna.

I smiled a little. "Ayos naman na po"

Ngumiti naman sya at napatango.

"Mabuti naman. Isang araw kang nakatulog. Ipinagising ka na namin sa mga tagasilbi ngunit hindi ka magising. Pakiwari namin ay mahimbing ang iyong pagkakatulog at dala ng masamang pakiramdam ay napahaba ang iyong tulog." wika ng Hari.

What should I call them ba? Dad? Mom? Papa? Mama? Ano bang itinatawag sa kanila ni Herriane?

I felt a hand touches mine. Napatingin tuloy ako sa katabi ko. Yung kapatid pala ni Herriane.

"Aayain sana kita kahapon upang magtungo sa bayan, ngunit ang sabi nila Ama ay masama ang pakiramdam mo at natutulog. Sayang at hindi mo napanood ang mga nagsasayaw kahapon. Sobrang saya kahapon sa bayan" wika nya sa mahinhing tono. Nakangiti pa sya habang nagsasalita.

In fairness maganda sya. Pero mas maganda ako!

Hindi sila magkamukha ni Herriane. Kamukha nya kasi yung Hari samantalang kamukha naman ni Herriane yung Reyna. Tapos yung mata nya ay blue habang kay Herriane naman ay light blue.

"Bakit? Ano bang meron sa bayan?" Sabi ko at umiwas ng tingin.

Bigla silang natahimik. Nagtaka tuloy ako sa kanila at tinignan sila. Nakatingin sila sa akin na para bang kay nasabi akong kakaiba.

I gave them 'what?' look.

"N-Nakalimutan mo na ba kapatid ko? Piyesta kahapon sa bayan ng El Ferriero."

I mentally slap my forehead. Hindi ka nag-iisip Cwenne Thierry! Dapat di ka nalang nagtanong! Para ka tuloy alien sa paningin nila ngayon.

Pilit akong tumawa at nagpanggap na parang ngayon ko lang naalala ang sinabi nya.

"O-Oo nga pala! Sorry at nakalimutan ko..." Ano nga yung pangalan nya? Di ko natanong kanina kay Jane.

Naguluhan ako nung mas lalo nila akong tinignan na para bang alien nga talaga ako.

Ano ba?! Bakit ganyan sila makatingin sa akin?

"S-Sorry? Anong sorry?" Nagtatakang tanong ng Reyna.

Oh God! Don't tell me di rin sila marunong mag-English?

Nasaang mundo ba ako at di nila alam magsalita ng English?

Peke akong tumawa at umiling.

"W-Wala po. Kain na po tayo."

Mukhang nakumbinsi ko naman sila dahil tumango ang Hari at sya na ang nag-utos na kumain na kami.

Hayss. Nakakainis! Gusto ko ng bumalik sa totoong mundo ko. Anong mundo ba talaga tong napuntahan ko?







*****






Hindi ko alam kung nasaan kami ngayok nitong kapatid ni Herriane. Helliane pala pangalan nya. Tsk.

Ewan ko ba. Basta nalang nya ako hinila kanina and viola! We're here in a place that hindi ko alam.

It's like a park. May mga trees kasi sa paligid at may parte ng lugar na may open space tapos may mga chairs and table na gawa sa wood.

Baka park nga to.

"Ano bang gagawin natin dito? Ang init!" sabi ko.

Talaga namang mainit. Kahit ang daming trees dito di parin nun natakpan ang buong lugar. Idagdag pa na suot ko parin tong mabigat na gown na to, talagang maiinitan ako.

Tumingin sa akin ng kakaiba si Helliane.

"Nakalimutan mo rin ba kapatid ko na nandito tayo ngayon dahil makikipagkita tayo sa mga Prinsesa at Prinsipe?"

Hindi ko nakalimutan dahil hindi ko naman talaga alam! Gusto kong isagot yan sa kanya pero ngumiti nalang ako at sinabing,

"Nakalimutan ko e. Alam mo na? Isang buong araw ako nakatulog kahapon tas kanina lang din ako nagising" sabi ko at tsaka iniwan syang nakatanga doon na ewan ko kung bakit nagkaganun yon.

Naupo ako sa isang wooden chair.

Naramdaman ko na lumapit sya. Naupo rin sya sa kaharap kong wooden chair.

Hindi ako tumingin sa kanya kahit na alam kong she's staring at me.

Maybe nawi-weirduhan sya sakin.

I didn't mind her stares at nag-count nalang ng one to hundred.

Hayss, bakit kasi kailangang nandito ako? Hindi ko naman kilala yung mga hihintayin namin. Tsaka hindi ako si Herriane.

We waited until it reached 5 minutes.

God! They're so tagal naman! They seriously make us wait here, and init pa naman!!

Mag pa-VIP.

"Magandang umaga, Helliane!" Tinig ng isang babae sa likuran ko.

Napatayo ang kasama ko. Nakatingin sya sa likuran ko. I didn't stand up.

Ngumiti sya sa mga bagong dating at bumati rin pabalik.

"Magandang umaga sa inyong lahat." Mahinhing sabi ni Helliane.

Hmph!

"Magandang umaga rin sayo, Herriane" wika ng isa sa kanila na babae rin.

Tumayo ako at hinarap sila.

Halos mapanganga pa ako nang makita sila *note the sarcasm*. They were three girls and four boys. The girls are wearing gowns too with tiara in their heads, while boys wearing black, blue and white tuxedo.

They're pretty and handsome. But I'm way more gorgeous, duh!

Ibinaba ko ang laylayan ng suot kong gown and fiercely look at them.

I saw how one of the girls slightly laugh like there is something funny.

Napataas tuloy ang isa kong kilay.

"Ang buong akala ko ay magta-tatakbo na naman si Herriane palapit kay Ghonn at yayakap sa kanya? Nakakapanibago." sabi nya.

She's a girl wearing pink gown. Her hair was pure white na straight at may pagka-ash gray ang mga mata. Hindi sya katangkaran, ngunit hindi rin naman may kaliitan. Siguro ay magkapareho lang din kami ng edad.

At ano daw? Ako? Tatakbo at yayakap kanino? Ghonn? Sino naman ang Ghonn na yon?

Iniba ko ang emosyon sa mukha ko at pekeng ngumiti.

"Bakit ko naman gagawin yun? Hindi ako aso na basta nalang tatakbo na parang makikipag-unahan sa pagkuha ng buto." seriously? I don't even know who's Ghonn she's referring to.

Sino ba ang Ghonn na iyon sa apat na lalaking nandito at ganun ang sinasabi nya? Siguro ang Ghonn na yun ay gusto ni Herriane.

And she's crazy over him. Too bad I'm not her. Hindi ko gawain ang ganun at never akong nagkagusto noh. I won't do what she did if ever I fell in love to a boy. Psh.

Kita kong lahat sila ay napanganga sa sinabi ko.

The Brat is Reincarnated as a PrincessWhere stories live. Discover now