Kabanata 8

429 17 0
                                    

"H-Ha?"

Napatampal ako sa noo nang sabay-sabay silang napa-ha sa sinabi ko. Nakatitig rin sila sa akin at halatang di naintindihan ang sinabi ko.

Oo nga pala. Di nga pala nila naiintindihan kapag nage-english ako. Mga stupid ang mga tao dito!!

"Halaman" sarcastic kong sabi at tsaka naglakad papunta sa vacant chair sa tabi nung Prinsipeng ni-reject si Herriane. Hayss.

Nagulat ako nung tumayo yung Prinsipe at ginawa nya ang isang bagay na di ko inaakalang gagawin nya.

Inusog nya lang naman yung upuan para makadaan ako at makaupo ng maayos.

Napataas nalang ako ng kilay sa ginawa nya, nakatingin na samin lahat ng kasama namin dito sa table at maging yung mga Hari at Reyna. Umupo na ako at inutusan ko si Jane na lumapit. Ayon at tumayo sya sa may likuran ko.

Binalewala ko ang mga tingin ng mga kasama at tsaka tinignan ang mga pagkain na nasa table namin.

Kumunot ang noo ko nang wala akong makitang pagkain na masarap kainin. Napailing ako at sasandal na sana sa likod ng upuan nang may maglahad ng coat nya sa harap ko. And I was shocked to know that it was the Prince of Fireous!!

What the hell?

"Itakip mo sa 'yong mga hita, Prinsesa Herriane" malamig at walang kaemo-emosyon nyang sabi.

Whoa. He's so cold!

But wait? What did he just said?

"Huh?" Tanong ko na naguguluhan.

Nagulat ako nung tumayo sya at biglang itinakip sa legs kong naka-expose ang coat nya. Oh my!! Did he just...

Anong nakain ng lalaking to?! Akala ko ba ayaw nya kay Herriane? Base on my investigations kasi, hindi nya talaga like si Herriane kasi may pagka-childish ito at makulit. Lagi sya nitong hinahabol kahit na lagi rin syang tinataboy ng Prinsipe. And guess what. Nagulat ako nung nalaman kong si Prince Ghonn at Princess Herriane ay engage pala sa isa't isa! Gusto ni Herriane na sila ni Prince Ghonn ang magpakasal balang araw, dahil gusto ng Hari at Reyna si Herriane para sa anak nila. Pumayag sila sa gusto ni Herriane, at yun ang isa pang ikinagagalit ni Prinsipe Ghonn ang ma-engaged kay Herriane.

I'm not just...the one who's shocked because of what he did.

Kusang lumipat ang mga mata ko sa direksyon ni Helliane. I want to see her reaction. Malay mo diba? May gusto din pala sya kay Prince Ghonn, tas nagseselos sya.

But to my surprise. I saw her smiling widely like she's happy watching us.

Nainis tuloy ako sa nakita ko kaya naman sa mga pagkaing nasa harapan ko nalang ibinuhos ang frustation na nararamdaman ko.

Isa pa tong mga to! Bat walang masarap dito? Wala man lang ice cream na nakalagay or salad man lang!

"Jane!" inis kong tawag kay Jane.

Mabilis naman syang lumapit at nagtanong kung ano ang kailangan ko.

"Ano po iyon, Mahal na Prinsesa?"

"Naiinis ako! Gusto kong kumain ng salad! May salad ba dito?"

"Ah, Herriane. Hindi pa ba sapat ang mga pagkaing nakahain sa mesa?" tanong ni Prinsesa Icea.

"Ayoko nyan! Gusto ko ng salad! I want nothing but salad! Wala na nga kayong ice cream dito, don't tell me pati salad wala?" naiinis kong sabi.

"Bakit ka ba naiinis, Herriane? Ano ba ang gusto mong kainin?"

"Salad! Yung puro gulay. Kung ayaw nyong lalo akong mainis, ibigay nyo ang gusto ko. Gusto ko ng salad!" At mas lalo pa akong maiinis dahil hindi ko nagustuhan ang reaction na nakita ko sa mukha ni Helliane kanina.

Kung paano sya ngumiti habang pinapanood ang ginawa kanina ni Prinsipe Ghonn na pagtakip ng coat nya sa akin!!

Argh! Gusto ko ng bumalik sa mundo ko!! Pero paano? Ang tanong...

Makakabalik pa kaya ako?

The Brat is Reincarnated as a PrincessWhere stories live. Discover now