“I can't believe..” pasiunang sabi ng matandang lalaki, nang tuluyan akong makapasok sa kaniyang opisina.
Dinala ako rito ni Mr. Wa, ang executive assistant ng matanda. Dahil gusto ako nitong makita at makausap ng personal. Gusto raw nitong makasiguro na hindi lang partial allowance ang habol ko gaya nung mga dating napiling estudyante.
Nadala na kasi sila sa nangyari three years ago, milyones ang na-scam sa kanila. Ang laki rin kasi ng partial allowance na matatanggap mo, once nakapasa ka sa entrance exam nila. Matik may 15k ka.
Iba naman ‘yung 43k na siyang allowance mo every month. Anlaki diba? Tapus may palibre pang mamahaling laptop, printer at cellphone kasama na doon ang uniform. Sinong utak di mapapasukan ng hangin? Lalo na pwedeng ibenta ‘yun.
“She was right!” nakakailang ang paraan ng pagkakatitig niya, mula ulo hanggang paa ba naman? Pero mas nakatutok ito sa mukha ko.
Oo na alam kong maganda ako! At di ko ipagkakailang biniyayaan ako ng magandang mukha. But dude, the awkwardness aykennat!
Kung hindi lang talaga matanda 'tong kaharap ko ngayon, siguradong iisipin kong type niya ako. Sa mga titig niya palang jusko kakilabot, parang may masamang binabalak. Basta ang creepy ng titig niya!
“You look like a girl version of him!” bulalas nalang niya out of nowhere na halatang ako ‘yung tinutukoy.
‘Girl version of him? Kanino naman kaya?’
“You're Ezra Rañoza, am I right?” kahit naiilang man, sumagot parin ako ng opo at pasimpleng inililibot ang paningin sa malawak na opisina.
Ang sosyal ng opisina ah? Parang 'yung nakikita ko lang sa mga kdrama², sa office scene. Kaibahan nga lang matanda ang narito at hindi poging binatilyo. Kdrama feels na sana.
“Halika iha maupo ka rito!” pag-alok niya sa upuang nasa kaniyang harapan. Syempre di na ko nagpatumpik tumpik pa, umupo agad ako. Gusto kong i-try kung gaano kalambot sa pwet itong cushioned sofa nila. Sige ako na ignorante. Bakit ba?
“Is everything ready?” baling niya ngayon kay Mr. Wa na kasalukuyang nagsasalin ng tsaa.
“Opo, Chairman. Everything is ready!” ngumiti ang matanda sa kaniya pagkatapos ay inabot ang tasa saka sumimsim.
“So, balik tayo sa'yo iha!” gaya kanina nakatitig na naman 'to sa'kin.
‘Will you stop staring?’ kanina ko pa gustong sabihin 'yan, pinipigilan ko lang. Ayoko namang mabawian ng scholarship ng wala sa oras dahil lang sa ugaling ipinamalas ko 'no? Jackpot na nga ako sa lagay na 'to. Mismong ako nilapitan para alokan ng scholarship. Samantalang 'yung iba kailangan pang dumaan sa matinding screening bago makapasok.
“Hindi talaga ako makapaniwala, para kayong pinagbiyak na buko.” kung kanina girl version, ngayon naman pinagbiyak na buko. Yung totoo? Kulang nalang ng background music gamit ang theme song ng nesfruta, 'yung sa patalastas na buko why not blah blah blah basta ganun.
“I thought Ahria was just exaggerated.” nilingon niya si Mr. Wa, walang imik naman na inilahad nito ang itim na folder sa kaniya. ‘Sino naman si Ahria?’
“But now that I finally saw you with my own eyes. I must say that she's telling the truth!” tuloy tuloy nitong sabi, naroroon parin sa tinig ang sobra sobrang pagkamangha.
Sandali itong natahimik nang mabuksan ang folder. “Hmm..” sigurado akong naglalaman ito ng impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan ko.
“This is interesting..” kataka-taka ang pag-iba ng kaniyang reaksyon.
YOU ARE READING
SHE PRETENDS TO BE HE
RomansaShe doesn't want to pretend as he.. She doesn't want to be a great pretender.. Dahil alam niyang ito ang pagmumulan ng panibagong dagok at komplikasyon sa buhay niya kung sakaling katotohanan man ay lumabas. Ngunit anong magagawa niya kung ito ang n...