That was three months when I suddenly notice the changes. Parati akong nagsusuka at may mga pagkain na ayaw kong maamoy at kainin. Napakatamad ko rin gumalaw-galaw at gusto na lang na matulog. Pero paano iyon kung kailangan kong kumita ng pera? May maintenance pang gamot ang kapatid ko. Hindi pwedeng hindi ako makapagpadala.
“Magpa-check ka na. Jusko, Lurena!”si Tiyang sa kabilang linya.
Tinawagan ko siya matapos mapansin ang kakaibang nararamdaman sa katawan.
“Naku! Baka buntis ka na. Baka nagbunga ang-”
“Tiyang, hindi mangyayari iyon! Isang beses lang iyon.”
“Ano bang alam mo? Ni wala ka ngang boyfriend. Hindi mo malalaman iyan kung di mo ipapa-check up iyan bukas.”
Hindi na tuloy ako makapag-concentrate sa trabaho pagkatapos ng pinag-usapan namin ni Tiyang. Nang pauwi na ay lutang na lutang pa rin ako. Kung anu-ano ang iniisip ko. Kailangan kong malaman ang lahat. Hindi pwedeng parati na lang akong nag-o-overthink dito.
Dyusko naman! Mamamatay ako kakaisip. Pero paano kung buntis ako? Ang gwapo siguro ng baby ko-este! Patay talaga ako sa Papa ko!
Kumakain akong cup noodles kinagabihan. Wala na akong masiyadong pera sinuklian pa ako ng candy no'ng tindera. Pang ice water na lang sana iyon. Ngumuso ako at nang susubo sana ulit ng noodles ay naalala na naman ang sinabi ni Tiyang.
“Baka buntis ka na!” Nag-echo sa utak ko ang sinabing 'yon ni Tiyang.
Parang gusto ko nang umiyak habang sumusubo ng noodles. Dumeretso nga ako sa drugstore kinabukasan para makabili ng PT.
“P-PT, Miss.” Parang ayaw ko pang banggitin. Nakakahiya.
Nang tingnan ko ang paligid. Saka ko lang napansin na nakatingin ang ibang matatandang bumibili yata ng maintenance nilang gamot.
“Hay naku. Mga bata talaga sa panahon ngayon. Dapat iniisip muna kinabukasan at pag-aaral bago magpabuntis.”
“Minor pa yata 'yan, e. Di na nahiya. Kawawa naman ang magulang niya.”
Nagbulungan pa kuno sila, e. Dinig na dinig ko naman. Ito talagang mga matatandang 'to. Alam naman nilang kunting araw na lang ang natitira nila sa mundo gumagawa pa talaga ng kasalanan.
“One hundred,”ani pharmacist.
Dumukot akong one hundred. Pati peso napasama sa one hundred na papel kaya nahulog sa sahig.
“Ay! Nahulog ang pera ng 23 years old na babae na napagkamalang minor dahil sa height niya. Ganoon talaga baby height, e.” Nilakasan ko ang boses ko.
Kumunot tuloy ang noo no'ng mga matatandang tsismosa sa tabi. Nagbulungan na naman sila. Pagbuhulin ko nguso niyo, e.
Nagdasal ako ng ilang beses habang hinihintay ang result sa CR ng silid ko. Alam ko grasya ang pagkakaroon ng baby. Pero please, pass po muna. Ibang grasya po muna ibigay niyo sa akin. Wala po akong ulam ngayong gabi, pera po muna ibigay niyo. Wala akong ipapakain sa anak ko pag nagkataon. Iyong pera may tao pero iyong tao walang pera.
Mariin akong napapikit bago ko tiningnan ang resulta ng PT na hawak. Muntik na akong mahulog sa bowl nang malaman na positive.
“Tiyang!” Ngumangawa na ako kinagabihan.
“Bakit? Positive, 'no?” Hula niya.
“Paano mo po nalaman?”
“Umaatungal ka na riyan, e.”
Mas lalo akong umiyak habang nasa tainga ang phone ko.
“Tiyang anong gagawin ko?”
Bumuntong hininga siya. “Humingi tayo ng tulong sa ama ng bata.”
BINABASA MO ANG
Mafia Ang Nabingwit ko
General FictionDahil sa aksidenteng nangyari sa kapatid ni Lurena ay napilitan siyang sumalang sa bidding upang masalba ang buhay ng kapatid. Kaya lang dahil sa kapalpakan niya at napagkamalang balloon ang condom ay nagbunga ang isang gabing nangyari sa kanila ng...