Chapter 4: Roommates

117 3 0
                                    

Chapter 4: Roommates

Hinatid ako ng staff sa Girls Dormitory.

"May magiging kasama ka sa dorm. Dalawa sila. Yung isa matagal na dito, yung isa bago lang din gaya mo."

Napatango ako.

"Go and try to open the door with your hand." Ginawa ko ang sinabi niya at rinig kong nagclick ang pinto, senyales na ito ay bukas na.

"I'll take my leave now. Goodluck, Young Lady."

Pumasok ako at bumungad sa 'kin ang dalawang babae. Nakangiti ang isa at kabaliktaran niya naman ang isa.

"Hi, I'm Sarah... Sarah Hiddleson." Inaya niya akong umupo at sumunod naman ako. "Yung isang girl, siya si Devin Alinaire. Say hi Devin!"

Napailing lang ang babaeng si Devin at pinagpatuloy ang pagbabasa ng libro.

"Sadyang ganyan siya kahit first time ko lang din siyang makilala kahapon." Sarah laughs. "Pakiramdam ko nga sanay na agad ako sa ugali niya."

"Nga pala, anong pangalan, title, at ability mo?" tanong niya.

"It's Shinoa Rhee. I'm Cameo. My ability is healing."

"Woah! Ang cool niyan."

"Really? Pero maraming nagsasabi na walang kwenta ang ability ko kung hindi ko naman magagamit sa sarili ko."

"Ako na ang nagsasabi, ang cool kaya niyan! Bibihira lang ang may ability na ganyan."

I chuckle. "Ikaw ba? Anong sayo?"

"Shooter. My ability is invisibility."

"That's cool."

"But yours is much cooler."

Natawa kami parehas.

"How about her?" tukoy ko sa babaeng si Devin.

"Well, she's a combatant. Her ability is shadow."

"Shadow?"

"She can hide through shadows, she can also build weapon using shadows and more."

"That's badass," hindi ko mapigilang magkomento.

"Yeah, right?"

Kung tutuosin, walang-wala ang ability ko sa ability nila. Kahit dalawa pa ang ability ko, it's really useless compared to them.

"Wala ka bang dalang gamit?" tanong ni Sarah.

"Kailangan ba?"

"Oh my god, girl! Shempre naman! Dito ka kaya titira sa dorm habang pumapasok ka sa academy."

"I didn't know about that." I'm embarassed. Para akong ignorante.

"Well, it's alright! Pahihiramin nalang kita." Tumayo siya at binuksan ang isang pinto. Maraming closet sa loob niyon. "Come here."

Lumapit ako at binuksan niya naman ang isa sa mga iyon. Namangha ako dahil punong-puno ang closet niya ng magagarang damit.

"A-Are you sure about this?" tanong ko.

"Oo naman! Pero kung dimo trip ang preference ko pwede naman tayong humanap ng iba."

"It's not like that. Thank you."

"No worries! Tara sa baba?" aya niya.

Hindi ko man alam kung saan ang tinutukoy niya ngunit pumayag ako.

"Ikaw Devin? Sama ka? Di ba gusto mo magshopping kaso di mo alam kung saan?" sabi ni Sarah.

Bigla namang namula ang mukha ni Devin. "Y-You don't have to say it like that!" Binitawan niya ang librong binabasa niya at tumayo.

"Aw, she's cute," mahinang sabi ni Sarah. "Alright, let's go!"

Hinapit niya kaming dalawa ni Devin sa bewang.

"Gross," wika ni Devin.

Natawa lang si Sarah. "Welcome to Yunade Academy, girls! Let's have fun!"

Yunade AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon