my Vampire chapter 2

1.7K 30 0
                                    

KABANATA 2

sa kanilang silid aralan ay nakaupo si Natalie sa hulihan. at nag umpisa na ang kanilang klase. pagkatapos ay kanila nang recess. kakain na sana si Natalie ng may nagsalita at lumapit sa kanyang harapan. “hoy akin na yang baon mo” sabi nung batang lalake na nasaharap nya at may mga kasama pa ito. “hindi pwede mawawalan ako ng baon” ang sabi niya “hindi ko na problema yun” sabi nung batang lalake at akmang kukunin ang pagkain niya pero iniwas nya ito “akin na sabi eh” sabi nung lalake. at nakuha na nila ang baon ni Natalie. wala na syang magawa kaya umiyak na lang “wow ang sarap naman ng baon mo tara na..oy salamat ah?” sabi nung lalake at umalis na sila. maya maya may lumapit sakanya “eto share na lang tayo” sabi nung nasa likod niya. “salamat” at inabot sakanya ang isang sandwich. “sana hinayaan mo na lang na ibigay mo sa kanila ang baon mo kaysa sa saktan ka pa nila” sabi nung batang lalake. hindi umimik si Natalie.

pagkatapos nilang kumain “ah salamat nga pala ulet .. anong pangalan mo?” sabi ni Natalie “ako si Nathaniel” sabi nito “ako naman si Natalie” sabi ni Natalie. “friends na tayo ah?” sabi ni Natalie “sige.. pero kailangan ko ng bumalik sa upuan ko” sabi ni Nathaniel “sige

bakas sa mukha ni Natalie ang saya. dahil sa nagkaroon siya ng bagong kaibigan at lalake pa ito. ngayon lamang sya nagkaroon ng kaibigan na lalake. sa maynila ay ni isa ay wala dahil sa lagi syang binubully ng mga ito..

sa kanilang uwian ay pa labas na sana si Nathaniel “ah Nathaniel” tawag ni Nathalie. lumingon ito “bakit kaibigan?” sabi ni Nathaniel “saan ka pala nakatira? Gusto mo sumabay ka sa samin?” sabi ni Natalie “hindi na kaibigan” sabi ni Nathaniel “sige ingat” sabi ni Natalie at pumunta na sya kung saan naka park ang van nila.

ilang araw ng nakakalipas ay ganun padin ang pakikitungo sa kanya ng mga kaklase nyang lalake pero si Nathaniel ang nag tatanggol sa kanya.

“nathaniel pwede ka ba sa palaruan ? gusto ko sana mag laro tayo don” ang sabi ni Natalie. “sige ba pero saglit lang tayo ah” ang sabi ni nathaniel at nag punta na sila sa palaruan. Masaya silang nag bibiruan, naghahabulan, nag haharutan. ng may isang babae na tumawag sa pangalan ni nathaniel. “Nathaniel? Nathaniel?” ang sabi nung babae “nathaniel nandyan ka lang pala.” ang sabi nung batang babae. “bakit lisa?” sabi ni nathaniel. bago sagutin ni lisa ang tanong ni nathaniel ay tumngin sya kay Natalie. “Sabi ko sayo sabay tayo eh” ang sabi nito. at tumabi pa kay nathaniel. “teka wala ka namang sinabi eh.” sabi ni nathaniel at halatang nagsisinungaling si lisa.

si lisa ay isa ding VAMPiRE kaya magkakilala sila ni nathaniel. si lisa at nathaniel ay tinakda para magkatuluyan balang araw. subalit tutol dito si nathaniel. hindi niya ibig magpakasal sa hindi nya mahal. pero ang sabi sa kanya ng magulang niya ay bata pa sila kaya’t matututunan nya ding mahalin din si lisa.

hinatak ni lisa si nathaniel papalayo at tumigil sila sa isang ilog “lisa ano ka ba?” ang sabi ni nathaniel “nathaniel hindi ba ang sinabi satin ni pinuno na huwag na huwag tayong makikipag kaibigan at makikipag laro sa mga tao? Gusto mo bang mapahamak?” ang sabi ni lisa “LISA! hindi mo ko kailangan pag sabihan alam ko yan” ang sabi ni nathaniel “alam mo nga pero nakikipag kaibigan ka padin gusto mo ba talagang mapahamak. minsan na tayong ginulo ng mga tao “iba si Natalie mabait sya” ang sabi ni nathaniel “mabait. OO mabait sya. mabait si Natalie. pero nathaniel naisip mo ban a kapag nalaman ni Natalie ang totoo mabait pa din ba sya sayo ha?” ang sabi ni lisa. napatahimik na lang si lisa dahil sa may punto ang mga sinabi ni lisa. hindi pa pala alam ni Natalie na may dugong vampire sya. sakaling malaman nito hindi nya alam kung anong mangyayari.hindi nila alam na naka sunod si Natalie sa kanila at nadinig ang kanilang pinag usapan.

abangan :)

iM iNLOvE WiTH a VAMPiRE??(onHold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon