Chapter 12

15 4 0
                                    

Gabriela Mapa
Three hours before the riot in Cadaviar B
January 16, 3:00 A.M.

Lahat sila ay natutop sa kanilang kinakatayuan dahil sa mga narinig nila including Kuya Griffith na mukhang hindi pa rin maintindihan ang sitwasyon ng mga kasama namin. Kahit na nasa kusina silang dalawa ay dinig namin mula rito sa mga table ng Resto ang usapan nila.

Hindi ang mga rebelasyon ang mas nakapagpabagabag sa akin kundi ang singsing na pilit inaangkin ni Gideon. Bakit mayroon siya 'non? Ano'ng koneksyon 'non sa pinag-uusapan nila?

Higit sa lahat, kilala niya ba ang nanay ko?

"Oo! Nagtrabaho ako sa kanila, nagprivate delivery ako!" Muling sigaw ni Gideon.

Nakarinig kami ng malakas na kalabog mula sa pader at mga kalansing ng nahulog na kaldero. Umabante si Mouse ngunit hinawakan siya ni Billkin sa braso. Nakatulala lang si Bear at si Kuya Griffith.

"Ulit mo nga 'yang sinabi mo?" tugon naman noong may katandaang lalaki mula sa kusina.

Hindi namin narinig ang itinugon nito dahil sa biglang pagsingit ni Billkin.

"Teka nga muna," ani Billkin. "May alam ka ba tungkol dito, tsong?" Napalingon kami kay Mouse na ngayon ay napatikom ng bibig.

Tumayo si Bear. "Matagal mo na bang alam, Mac?" Pag-uulit nito.

Yumuko lamang ito at tumingin sa kusina kung saan palabas si Gideon. Nagtuloy-tuloy lamang ito hanggang sa makalabas ng pinto ng Resto.

"Gideon!" Habol ni Bear.

Lumabas din 'yong tinawag nilang Manong Resty. "Hayaan ninyo siya. Hindi na siya makikinig."

"Pero 'nong−"

"Simulan na natin ang paghahanap kay Uno," sambit niya at umakyat sa ikalawang palapag.

Nang makababa ito ay nakasuot na ito ng maong na jacket. Hawak-hawak niya ang susi at helmet naman sa kabilang kamay. Tumango ito kaya lumabas na sila ngunit ng papalabas na ako ay hinarang niya ako. Napatigil si Kuya Griffith at tumingin sa direksyon ko.

"Dito ka na lang," sambit niya at ibinigay ang susi sa akin. "Ikalawit mo 'yong bakal d'yan sa taas tapos ikadena mo 'yong sa ibaba."

"Lalabas din ako−"

"Gab, sa palagay ko mas makakabuti kung dito ka na lang," ani Kuya Griffith. "Malamig na rin at delikado na."

Hindi na ako nakasagot dahil isinara na noong Manong Resty ang pinto. Umangkas sila sa kani-kanilang motorbike at humarurot paalis.

Gusto ko sundan si Gideon at tanungin ang tungkol sa singsing ngunit hindi ko naman alam kung saan ito pumunta. Sa laki ng Montgomery, imposibleng mahanap ko siya agad ngayong may mga police na paminsan-minsang dumadaan.

Alas tres na ng umaga ngunit wala pa ring balita sa kanila. Nakakaramdam na rin ako ng antok dahil sa naudlot kong tulog kanina kaya umub-ob na lang ako sa lamesa ngunit napamulat ako nang may magsink-in sa isip ko. Agad ko kinuha mula sa bulsa ko ang phone at nagtipa. Maya-maya, tumunog ito at nakita ko mula sa notification bar ang pangalan ni Kuya Griffith.

"Nandito kami malapit sa sinasabi ni Mouse na border. Wala kaming mahanap na impormasyon dahil wala raw tao sa lugar. Sira rin ang CCTV na nakatutok malapit dito."

Napaayos ako ng upo at bunuksana ng Muts app. Nagpop-up naman agad ang text ng network ko dahil paubos na ang natitirang data ko. Sinearch ko ang location ng border ng Montgomery gamit ang feature nitong Muts Map. I double tap the screen upang magzoom at napahinto ako sa nakita ko. I know this place. I used to go there tuwing kailangan ko paramihin ang pera ko simula nang dumating ako rito sa lugar dahil ito ang kuta ng mga vid** kar*ra.

Montgomery RunawaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon