Chapter 1

116 13 2
                                    

Ynah Morayta
Seven hours before the stalking
January 13, Monday 10:30 P.M.

RONA PEREY was found dead after a month of searching, but one part of her body is missing... her left hand.

She was known for being the face of Ilaya noong highschool kami. She was like the Jennifer Check sa campus, well except sa part na kumakain siya ng laman... or not literally.

Makikita kahit saan ang mukha ni Rona lalo na tuwing may pageant at may mga bisita ang school namin but now, hindi lubos maisip ng nakakakilala sa kan'ya na makikita pa rin namin siya, kaso sa mga flyers, dyaryo, at missing person section na. She even appeared on the news at doon ko lang din nalaman na nawawala siya.

I know her since elementary dahil sa drum and lyre band na required salihan ng section namin. Siya yung unang kumausap sa akin and that time, lumipat siya from lyre to flag. Nang maging leader siya, we barely talk dahil mas dumami ang nakapalibot sa kan'ya hanggang sa hindi na talaga kami nag-uusap at parang hindi na kami magkakilala. I don't really care anyways.

Nararamdaman ko na rin naman na she's just hanging out with me dahil wala siyang option at wala siyang "friend" na magpapa-kopya sa kan'ya. I'm that dumb para mahulog sa lovely image na bini-build niya. Everytime na maaalala ko ang excuse niya para hindi ako sumama sa girl thing nila with her new popular-for-nothing friends, ay naiinis ako. Hindi naman ako ang lumapit in the first place.

Thanks to her famous line noong Mutya pa siya, "I aim to reform the world to its fullest." Everything in Montgomery changes. Don't get me wrong, although we're not close anymore, I am sad sa sinapit niya. No one deserves to die that way.

For the second time, napalingon ako sa labas nang dumaan yung police mobile. Compared before, mas malakas ang sirena nila obviously informing the citizens of Montgomery na simula na ng curfew. Hindi na pwede lumabas kahit sino except sa mga uuwi at papasok sa trabaho.

If anyone disobey, kung hindi pulis ang makakasalubong nila, baka mga Gang o mismong murderer na. Alin man sa tatlo, siguradong hindi maganda ang mangyayari sa kanila.

In order to be safe, nagkaroon ng adjustment sa duty ng graveyard shift. Funny thing is, this day ang supposed to be day-off ko but here I am, paulit-ulit na nagm-mop sa sahig dahil sa putikang sapatos ng mga pumapasok sa convenience store. Iilan lang sa kanila ang bumibili, karamihan ay cigarette pa.

Sumulyap ako sa wall clock na nasa counter, alas diyes y media na wala pa rin yung partner ko for this night. Dapat ay siya talaga ang duty ngayon but that idiot told me na may emergency sa kanila. Buti na lamang at nandito na ako sa store.

Thanks to my neighbor, nagising ako ng maaga. Tatlong oras lang ang tulog ko then magigising ako sa kalabog at makakabasa ako ng dalawang message, one is from my boss at ang isa ay galing kay Joacquin informing me the sad news na siya ang partner ko.

Nangunot lalo ang noo ko nang marinig mula sa speaker ng store ang playlist ni Joacquin. Mas lalo akong nainis nang 'pag tingin ko sa computer ay wala na ang ginawa kong playlist. That asshole is really messing with me. Of course, hindi ako magpapatalo.

Ngumiti ako pagkatapos ko pindutin yung confirmation and just like that, wala na rin yung inipon niyang kanta. I don't know kung na-sense niya dahil pagkaupo ko ay biglang nag-ring ang phone ko.

"Yow!" bungad niya. Nangunot yung noo ko nang may marinig akong tugtog at mga naghihiyawan.

"Nasa club ka ba?" pangungusisa ko. May gana pa siyang pumarty sa sitwasyon na 'to?

"Oo. Later ako mag-e-explain, hatid ko lang sa house kapatid ko," aniya.

"No need. If you can't come to work just inform the manager." Ilang minuto siyang hindi nagsalita. "I'd rather work alone than be partnered with you," dagdag ko. Tumawa naman siya ng mahina.

Montgomery RunawaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon