Chapter 5: Huling Sayaw

2 0 0
                                    

Grace's POV:

Abala ang lahat para maghanap ng partner sa darating na JS prom at batid mo ang excitement sa mukha ng mga estudyante maliban sa akin.

hindi naman ako excited sa prom, mas gusto ko pa ngang matulog nalang ng gabing iyon, isa pa wala naman akong susuotin kapag umattend ako.

habang nakatingin ako sa malayo ay narinig kong tinawag ang aking pangalan, nakikilala ko ang boses na iyon at kung hindi ako nagkakamali ay kay vince iyon.

lumingon ako para tignan kung tama nga ang aking hula at hindi naman ako nagkamali....si vince nga ang tumawag sakin.

tinanong niya ako about sa prom night...

"may prom-date ka na ba?" tanong niya sa akin.

hindi agad ako nakapagsalita dahil sa gulat at hiya.

"w-wala pa nga eeh!" mahinang sagot ko.

"kasi ano eeh-" dugtong niya na hindi pa natapos ang pagsasalita ay biglang sumabat si christian...

"pwede bang ako nalang prom-date mo?" pagtatanong niya habang nakangiti sa akin.

tinitigan ko lamang siya at si vince at nag-isip kung anong isasagot ko.

"dali na grace, wala kasing ka-date tong si christian sa prom at hindi din naman aattend si mart kaya pumayag ka na." pamumutol ni vince sa aking pag-iisip.

medyo nalungkot ako ng bahagya sa sinabi niyang iyon, kaya para hindi niya mahalata ay sumagot agad ako..."wala kasi akong susuotin sa prom eh!"

"ako ng bahala sa damit niyong dalawa." sagot ni vince na may kasamang ngiti sa kanyang mga mukha.

si christian ang escort ng aming klase at hindi maitatangging may itsura din naman ito kaso nga lang ay di hamak na mas matangkad at mas may karisma si vince kaysa sa kanya, kung hindi lang pala absent si vince ay malamang siya ng escort namin.

"ano, payag ka na bang maging date ko sa prom?" tanong ni christian sa akin.

"oo na! payag na ko!" sagot ko.

"YEEEES! may date na ko sa JS prom!" sigaw neto sa buong klase.

"thank you pre!" narinig kong sabi niya kay vince na noo'y nakita kong nakatingin lamang sa akin.

"tara pre sagot ko na lunch mo." pagyayaya pa ni christian kay vince nang nakaakbay habang naglalakad palabas ng classroom, habang ako'y naiwang nakatanaw lamang sa kanilang dalawa.

"bakit si christian at hindi si vince?" tanong ko sa aking isipan na lalong nagpalungkot sa akin.

Lulu's POV:

"guys! may susuotin na ba kayo sa prom?" chat ko sa gc naming magtotropa.

agad naman itong nireplyan ni jess "wala pa nga eh!"

"samahan niyo ko maghanap tayo." sagot ni vince.

"ligo lang ako pre, tsaka ko punta jan" reply ko.

"ako din." ani tony.

makalipas ang mahigit isang oras ay may naririnig akong bumubusina sa labas ng bahay at pag silip ko kay ang kotse nila vince na lulan ang tatlong unggoy.

nakakapagtaka lang at bakit si kuya alfie ang nasa passenger seat ng sasakyan.

"TEKAAAA!" sigaw ko mula sa bintana ng aking kwarto "NAGBIBIHIS PA KO EH!" dugtong ko dahil nang mga oras na iyon ay nakatapis pa ko ng twalya.

CrushmateWhere stories live. Discover now