Chapter One

20.7K 384 16
                                    







Kasalukuyan....

ZANDREA

Andito kami sa palengke ngayon
nagtitinda ng mga gulay at isda. Dito namin kinukuha ang mga pang araw araw na gastusin. Panganay ako sa tatlong magkakapatid at nasa huling taon sa kolehiyo bilang isang skolar at malapit na akong magtapos bilang isang nurse, nagbibilang na lang ako ng araw at magpapaalam na ako bilang isang estudyante. Wala na kaming ama kaya bilang panganay ginagampanan ko ang iba't ibang tungkulin sa aming pamamahay. Kaya ngayon tinutulungan ko si Nanay sa pagtitinda ng gulay at isda. Kapag may nagpapalaba, tulong tulong din kami.


"Zandi anak, umuwi ka na sa bahay at nang makapagpahinga ka. Dalhin mo na rin itong gulay at isda. Ikaw na bahala magluto ng para sa hapunan natin. Yung mga kapatid mo pakiaalalayan sa mga assignments nila kasi alam mo naman na mas matalino pa kayo kay nanay. At saka maaga pa ang pasok mo bukas kaya sige na anak, kayang kaya na ito ni nanay." Turan ng nanay ko sa akin habang sinasalinsin ko ang mga gulay at inaayos ang mga isda para magandang tingnan ng mga mamimili.


"Sige po nay. Sigurado pa kayo na kaya niyo na dito? Maaga pa naman po pwede pa akong magstay kahit kalahating oras pa. Madali lang naman ito  lutuin at isa pa nay, tinapos ko na po ang mga assignments nina Boboy at Tophe." Sinasabi koi to habang ang mga kamay ko walang tigil sa pag aayos ng mga paninda naming.


"Hay naku bat aka. Oh siya kung yan ang gusto mo e di tauhan mo muna ito at magbabayad lang ako ng pwesto natin para may magamit ulit tayo bukas. Sana lang kung may sapat na ipon lang eh mas mainam na meron tayong sariling pwesto." Malungkot na sabi ng nanay ko. Napalingon ako sa kinaroroonan niya.


"Hayaan mo nay kapag nakatapos na ako at makapagtrabaho na ikukuha ko kay ng sariling pwesto ditto sa palengke." Masayang wika ko sa kanya. Pampalubag loob lang kumbaga.


" Naku anak, alam ko naman na gagawin mo yun eh. O maiwan na muna kita ha. Ikaw na ang bahala ditto sa mga paninda natin. Babalik din ako kaagad." Saka tumalikod na si Nanay habang ako ito bisi-bisyhan hanggang sa may marinig akong customer.


"Iha magkano itong talbos ng kamote mo?"tanong ng isang ale sa akin na nakangiti.


"Ay sampung peso po ate. Baka gusto niyo pa po ng kamatis, sibuyas, luya at yung kulang po sa bahay niyo." Natatawa kong wika sa aleng namimili na rin ng paninda naming isda.


"O sige ito idagdag mo na din iha. Isang kilong bangus, tapos tilapia gawin mong dalawang kilo. Favourite kasi ito ng alaga ko lalo na kung prito." Turan ng ale sa akin. Bigla namang may lumapit sa kanya na babaeng matangkad, hanggang balikat ang alon alon niyang kulay brown na buhok. Makikita sa pananamit na galing sa mayamang pamilya. Makikinis ang mga balat na parang hindi naarawan. Umalis din ito kaagad. Di yata kinaya ang amoy at dumi ditto sa palengke.


"Ito na po ate. Salamat po uli sa mga pinamili niyo. Sana po magiging suki ko kayo ditto." Nakangiti kong sabi sa customer.


"Naku makakaasa ka iha. Oh paano mauna na ako at ang alaga ko nagrereklamo na. Paano hindi sanay sa wet market ang batang yun. Ito ang unang beses niyang pag punta ditto. Pero mabait yun, maarte lang talaga. Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ni Ate sa akin. Mukhang mabait naman kaya okay lang.


"Ay Zandrea Ibanez po. Pero Zandi na lang po para mas madaling maalala." Sagot ko naman sa kanya na ngingiti-ngiti.


"Sige Zandi ha mauna na ako kasi nakasimangot na alaga ko." Sabay nguso sa alaga niya. Napatingin naman ako sa kanyang alaga na nakatanaw sa aming kinaroroonan. Biglang may sumikdo na kung ano sa loob ng dibdib ko ng magtama ang mga mata naming dalawa. Ni hindi ko na tuloy narinig ang sinasabi ni Ate dahil sa babaeng nasa malayo na parang anghel na bumagsak mula sa kalangitan. Ano ba itong naiisip ko. At kilan pa ako humahanga sa kapwa ko. Hmm, girl crush lang ito. Para kasi siyang dyosa. Kumaway na lang ako sa ate na papalayo. Bumalik ako sa katinuan ng marinig ang boses ng nanay ko.


When The Hearts Call (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon