Chapter Two

12.9K 330 56
                                    

FLASHBACK

Dumating ang araw ng aking pagtatapos bilang isang nurse. Salamat sa lahat ng sumuporta sa pag-aaral ko. Laking tulong ito para sa akin at lalo na sa pamilya ko. Ang swerte naman ng ibang mga kagaya kong estudyante na may kaya sa buhay, lahat nabibili at lahat ng gustuhin nakukuha ng walang kahirap hirap. Pero lagi kong tinatanong sa sarili ko na kung sino pa yung may kaya sa buhay sila yung tamad mag-aral. At yung mga taong nakikipag patintero sa hirap ng buhay para lang makapag-aral sila yung mga nagpupursige makatapos. Nakaharap ako sa malaking salamin sa aming kwarto. Hindi mawala wala ang mga munting ngiti sa aking labi. Naalala ko kasi ang reaksyon ni Nanay nung araw na sinabi ko sa kanya ang balita na ako ang summa cum laude sa taong ito.

Kararating ko lang sa aming bahay at nadatnan ko si nanay at ang dalawang kapatid ko na nanonood ng balita sa tv. Lumapit ako kay nanay at nagmano. Lumapit din ako sa dalawang kapatid ko at ginulo ang mga buhok. Kambal sila. Umupo ako sa tabi ng kambal at nakipagkulitan. Tiningnan ko si nanay na tutok na tutok sa tv. Ito na ang tamang oras na sabihin ko sa kanila. Kaya kinuha ko ang kanyang atensyon by calling her name. Napatingin naman siya sa kinaroroonan ko.

"Nay, may sasabihin po sana ako sa inyo." anas ko sa nanay

"Ano yun Anak? Sige kung ano man yang sasabihin mo makikinig ako." kunot ang noo niyang sagot sa akin. Umayos ako ng upo at tinawag ko din ang kambal.

"Nay, Boboy, Tophe may sasabihin si Ate. Kanina nakausap ko yung school dean at ang sabi niya na ako daw ang magiging summa cum laude sa aming department...!!!" excited kong balita sa kanila. Si Nanay napalundag sa tuwa at niyakap ako at pareho kaming napaluha samantala ang kambal nakanganga ang mga bibig na nakatingin lang sa amin. Natatawa naman ako sa kanilang kainosentehan. Dipa nila alam ang salitang summa cum laude so sinabi ko na lang na kagaya ng mga valedictorian ang nakuha kong award.

Kinabukasan kalat na sa buong kapitbahay ang balitang ako ang summa cum laude. Kaya nga kapag naglalakad ako ang daming bumabati, kung yung dating mga walang pakialam sayo aba ngayon ang ganda na ng mga ngiti nila. Kahit yung nilalabadahan ni Nanay ayun tuwang tuwa naman. And sarap sa pakiramdam na Yung paghihirap mong maging matagumpay sa buhay e unti unti na ring natutupad. Napansin naman ni Nanay ang pananahimik ko.

"Anak, wag kang iiyak at masisira yang make up mo. Proud na proud si Nanay para sa iyo at Kung andito Lang ang Tatay mo aba sigurado proud din yun." Turan ng Nanay sa akin.

"Opo nga Nay, Kung andito Lang so Tatay malamang poging pogi na yun." Natatawang pagbibiro ko. Nakita ko naman ang dalawang kapatid ko na gwapong gwapo din.

"O tayo na at Baka mahuli pa tayo. Andiyan na Yung trysikel na inukupahan ko at ang Tito Lito mo ang magmamaneho." anas ni Nanay kaya inayos ko na ang sarili ko at sabay na kami lumabas ng bahay.

JOHN BRAITHWAITE UNIVERSITY ( Graduation Day )

Halos mapupuno na ang upuan ditto sa loob ng hall dahil malapit nang magsimula ang ceremony. Kakaiba ang pakiramdam, nakakakaba,nakakatakot, ay ewan ko. Nasa linya na ang mga magtatapos syempre kasama ako. Pero diko pa nakikita ang bakla,nasaan na kaya yun? Kung regular school days an gaga ng tao na yun pero ngayong graduation na late? Walang hiya lang.

Nagkanda haba haba na ang leeg ko sa kakahanap sa bestfriend ko. Kaya binulungan ko ang nanay.

"Nay, nakita mo po ba si Doms? Dapat andito na yun sa harap eh." Yeah mas mauna siya sa akin kasi ako I and siya B. Dominggo Bakunawa Jr. Kaya ayan galit na galit sa pangalan niya. Kaya ako kapag nagkaanak kailangan maganda ang pangalan nila.

"Hindi pa anak. Hindi ko din nakita pa si kumare pero kahapon alam ko pupunta sila. Baka late lang anak, hayaan mo at darating ang mga iyon." Pampalubag loob ng nanay sa akin. Mga ilang sandali ang nakalipas biglang nagbulungan ang mga tao sa loob ng hall. Hala baka artista ang aming guest speaker. Hinanap ko ang dahilan ng kumusyon.

When The Hearts Call (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon