Riley's POV
"Ri !" hayy -_- hanggang kailan ba bubuntot tong lampasong to? Bahala siya sa buhay niya . Wala ako sa mood para maasar sa kanya.
"Riley !" psh , binilisan ko nalang ang paglalakad baka sakaling mapagod sya kakahabol kase ako pagod na kakasnob sa tawag niya.
"Hoy ! Riley" aba't talagang di siya napapagod. Bagay nga talaga sakanya ang pangalan niyang Chase kase habol siya ng habol.
"Hoy ! Riley . Buti naman nahabol kita !" Sabi pa niya habang hingal na hingal at nakahawak sa balikat ko dahilan para matigil ako sa paglalakad.
"Oh ! Ano nanaman?" Pabalang kong tanong. Kaasar ! Pwede ba kahit isang araw lang maalis sa buhay ko tong Chase the blue head na to?
"Ikaw nga Riley umamin ka nga, iniiwasan mo ba ko?" Seryoso niyang tanong. Wow ! First time . Haha .
"Di pa ba obvious?" Bulong ko . Ewan ko lang kung rinig niya . Hahaha
"Ano? Grabe ! Riley sana sinabi mo agad di naman kita iiwasan eh !" Sabi niya na parang di makapaniwala . Ha? Anu daw?
"huh?" Clueless kong tanong . Ano bang pinagsasabi ng chase na to?
"Di mo naman ako kailangang iwasan dahil lang sa may feelings ka na saken eh. Pwede mo namang sabihin saken tapos let's try baka magwork" proud na proud at parang naaawa pa niyang sabi at seryoso pa din ha.
"Luh ! Kapal ha . Ako may feelings sayo? Dream on !" Kapal nya ha . Eww lang as in eww .
"pffffft, hahahahahaha !" bigla nalang napalitan ng tawa tapos parang nanalobyung mukha niyang seryoso kanina .
"Hoy ! Anong nakakatawa ha? Batukan kita jan eh !" Tumawa pa talaga . Bwiset !
"Sineryoso mo talaga yun? Hahahaha . Actually andito lang talaga ako para ienvite ka na sumali sa club namin ! Alam ko namang magaling kang sumayaw kaya in ka dun !" Sabi niya na parang nagcocomercial . Ngayon ko lang napansin . Anga gwapo pala ng lampasong blue head na to no?
"Ahhmm , Ahh ! Ano . Sige !" Sagot ko . Yuck ! Anong klaseng sagot yun Riley?
"Good ! Kita nalang tayo mamaya sa Dance Hall after class !" Grabe! For the first time in forever. Ang ayos niyang mag salita. Kung ganto lang cya lage baka nagustuhan ko na tong lampasong to.
Ahh. Huh? Eww! Never!"Okay!" Tipid kong sagot at tumalikod na. Yucks! Nahihiya ako sa mga pinag-iisip ko. Kadiri ha!
"Ge' bye sexy!" Sigaw niya at kahit nakatalikod ako alam kong nakangisi yan lampasong yan.
"Shut up!" Ang hilig niya talaga akong iawkward. Bwisit !
-
Wala namang kakaibang nangyari the whole day naglecture lang ang teachers natulog lang ako nung Math time na. Nangopya lang ako ng Assignment sa katabi ko kase nakalimutan ko kagabi. Ganon parin, maingay parin ang classroom namin tuwing lumalabas na ang teachers at barkabarkada parin tuwing lilipat na ng classroom at ako naman tong kawawa , isang amoy pawis na Caleb lang ang kasama!
Pano ba naman di mag-aamoy pawis eh puro basketball lang ang alam di mo makopyahan kase sayo rin naman aasa. Palibhasa Varsity, sikat maraming nagkakagusto kaya maraming nakokopyahan.
Palabas na kami ng classroom ni Caleb kase tapos na ang klase at ihahatid niya muna akong hall bago siya pupunta sa court kase tryouts pala at kaya pala ako ininvite ni Chase kase Audition na pala ngayon. Ang gentleman talaga ni Caleb. Well, swerte siguro magiging girlfriend nito boyfriend material eh. Haha. Pero wala akong gusto sa kanya ha? Ano lang nababaitan lang. Charmos. Haha
"Sige Cal dito nalang ako ! Salamat ha? Sunduin mo ko mamaya. Isusumbong kita kay tita pag-iniwan mo ko!" Hahaha. Nanakot pa eh no?
"Nagpasalamat ka pa! Kala mo naman natatakot ako kay mama. Psh, konteng pacute ko lang dun taob na yun!" Ayy, binabawi ko na pala yung gentleman thingyy at yung boyfriend material thingy.
"Ahh, basta sunduin mo ko! Period!"
"Oo na, cge na! Ikaw na panalo you win!" Haha .
"Yey! Hintayin kita ah . Bye! Pasok nako" nagwave nako sa kanya.
"ge" at dahil nga masyado cyang papogi parang nagsalute lang siya with matching ngiti.
Hinintay ko lang na makalayo sya tsaka ako pumasok. Medyo marami rin pala ang mag-oAudition at buti nalang special ako at si Chase ng nag-envite saken kaya kasali ako sa first batch na mag-oaudition. Ten persons per batch at panlima ako.
Grabe. Andaming magagaling. Nanliit tuloy ako sa sarili ko. Pano ba naman kase di pako nag practice. Ahh, bahala na! Fighting! Pero kase nakakaensecure eh. Parang well trained silang lahat .
"First batch number five! " tawag saken nung isang incharge na katabi ng mga judges na pipili ng prime at members lang ng club .
Ito na. Grabe kinakabahan talaga ako ! Sh*tness na audition to oh.
"Hoy! Sexy galingan mo ah! Wag mo kong ipahiya!" Sigaw naman ni Chase na halata namang maraming nakarining at tumawa . Langya! Nakakatulong ka talaga.
Inirapan ko nalang siya at umakyat na ng stage.
Medyo swag na may pagkafierce ang sasayawin ko kaya nakikiayon din sa kanta ang mga facial expression at galaw ko. Grabe! Di ko akalain na masasayaw ko pa to sa harap ng maraming tao samantalang sa bahay lang naman ako nagpapractice tapos galing youtube lang tong sinasayaw ko. Haha!Nakita kong nagsitanguan na parang nagagalingan saken yung mga judges! My geeee! As in ? Nagagalingan sila. Emerged.
Pinagpatuloy ko lang ang pagsasayaw hanggang matapos ang kanta at nag bow! Naka hinga naman ako ng maluwag dahil ngumiti yung judge na nasa gitna.
"We'll be posting the qualifiers for prime movers and members this wednesday " sabi nung nasa gitnang judge na may kasingkitang babae n mahaba ang buhok na halatang studyante rin dito sa GHU kase nakauniform.
Bumaba na ko ng stage at agad naman akong sinalubong n Chase na may kasamang mapang-asar na ngiti.
"Di nga ako nagkamali ! Ang tigas ng katawan mo. Pinahiya mo ko" at tama nga ang hinala kong mang-aasar nanaman siya.
"Okay! " tipid na sagot ko. Para siya naman ang maasar no.
"Wala ka namang binatbat sa lahat ng nag-Audition eh! Hahaha" psh. Bwiset talaga.
"Alam mo. Nakakatulong ka! Bwesit kinakabahan na nga ako sa result aasarin mo pa ko" isip bata talaga.
"Hi Chase!" may bigla nalang sumingit na pamilyar na babae sa gitna namin at parang gulat na gulat pa talagang mukha nang chase na to.
Okay Op ako.
Wait siya yung isa sa judges kanina na sabi kong parang dito rin nag-aaral sa GHU.
Anong meron sa kanya't gulat na gulat sa presense nya tong lampasong to?
-
Sorry sa first chap. Sabaw . First story eh
BINABASA MO ANG
Dance of the heart
RandomDatirati inis na inis pa ko sa presensya niya kase nga lagi nya kong inaasar tapos ang gulo gulo nya at ang kulit kulit pa. Pero di ko inakala na pag nawala yung pangungulit at pangangasar niya saken, Hahanap-hanapin ko pala. Yung akala kong kinai...