Chapter 2

8 2 1
                                    

Chase' POV

Ano bang ginagawa ng Scarlett na to dito? Wag mong sabihing dito siya uli mag-aaral ?
Pero para saken, okay lang naman kase nakamove on nako.

Oo tama kayo, ex ko siya. Two years ding naging kami simula first year high school tapos nagbreak kami summer nung Second year. Ewan ko rin kung bakit niya ko hiniwalayan. Curious din ako pero wala na naman yun nangyari na. Kaya para san pat malalaman ko yung dahilan di ba.

Masaya na ko ngayon at kuntento nakong single kaya wala na talaga . Nagulat lang ako kung bakit bumalik pa siya . Umalis na siya eh bat pa bumalik diba? Di naman sa ayaw ko siya dito pero parang ganon na nga.

“Hoy! Chase sino ba yun? Diba isa yun sa judges?" Bigla akong natauhan sa tanong ni Riley. Umalis na pala si Scarlett nang di ko namamalayan at isa pala siya sa judges. Bat di ko alam? Ayy teka! Maasar nga to .

“Bat mo tinatanong? Selos ka no?" Yan maasar ka.

“Shut up! Kapal mo ah! Bat naman ako magseselos? Curious lang no" sagot niya naman na parang defensive na defensive.

“Okay Chill wag masyadong defensive napapaghalataan ka eh!" Maasar ka pa.

“Asa" tipod niyang sagot. For sure asar na asar na to.

“Dont worry babe. Sayo lang ako!" Ewan ko ba pero tuwang tuwa talaga ako tuwing naasar ko siya. Simula kase nung nagkakilala kami sa play ground ng village namin, ang init na ng dugo niya saken.

(A/N: next chap nalang ang throwback)

“Yuck! Mandiri ka nga!" Sabi niya na parang nandiri pa tsaka nagwalk out.

Kahit kailan talaga sarap niyang asarin. Ang cute kase eh tapos ang bilis maasar at maawkward. Anlaki pa ng mata kala mo tarsier. Parang laging nakakakita ng multo sa laki ng mata eh.

Ahh basta best asset niya ata yun eh. Hinabol ko nalang siya nang may maasar naman. Ang boring kaya.

“Hoy miss sexy na malaki ang mata! " ang hilig talaga namin sa 'hoy no?

“Shut up. Di tayo close!" Sabi niya ng di tumitingin at patuloy na naglalakad. Ako naman eh binilisan ang paglalakad at siniksik ang sarili ko sa kanya dahilan para mahinto siya sa paglalakad.

“Ayan Close na ba tayo?" Bigla namang parang tarsier na galit yung mukha niya.

“Pilosopo" sigaw niya na may kasamang irap at nagpatuloy sa paglalakad.

Kahit kailan talaga ang sungit sungit niya kung di ko lang talaga trip. Nako,  ewan ko lang kung pagtyatyagaan konpa yang ugali niya. Pero ako rin naman ang may kasalanan kung bat angvinit ng dugo niya saken eh.

Dati-rati di ko siya napapansin dito sa school akala ko nga sa ibang school siya nag-aaral eh. Napansin ko lang siya simula nung nagkakilala kami sa park. Tapos nakita ko siyang naglalakad sa hallway kaya inasar ko siya. Bakit ba? Wala akong magawa eh. Ang sama pa naman ng mukha niya pag naaasar parang akala mo aapoy na ang mukha eh.

“Tarsier na malaki ang mata!" Tawag ko sa kanya. Ang bilis kaseng maglakad eh parang kabayong tarsier.

“May tarsier bang maliit ang mata? Utak naman chase!" Sigaw naman niya pabalik.

“So tanggap mo na talagang tarsier ka?" Pang-aasar ko pa sa kanya. Pero di ko pa siya nahahabol.

“May sinabi ba ko? Sabi ko lang na may tarsier bang maliit ang mata!" Natutuwa talaga ako sa mga sagot niya. Ang unpredictable niya kase masyado di gaya ng ibang mga babae jan. Yun din yung isang rason bat trip ko siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dance of the heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon