PROLOGUE

5 0 0
                                    


"Bakit hindi mo gayahin si Vixen!?" napangisi na lang ako nang marinig na naman ang panglan ng babaeng iyon.

"oh? Vixen na naman!?" pabalang kong sagot sa magaling kong ama "lagi niyo na lang pinapaboran iyang anak niyo"

"hindi iyan totoo Anierre Vien!" mag wawalk out na sana ako nang higitin niya ang pulsuhan ko.

"huwag mo akong talikuran Vien" i rolled my eyes i can't help it though "hindi ko alam kung saan ako nagkulang ng pagpapalaki saiyo"

"hindi ko akalain na pati nobyo ng kapatid mo ay papatusin mo" nagpanting ang tenga ko sa sinabi ng matandang nasa harap ko.

"huwag na huwag mo akong pagsalitaan ng ganiyan, dahil wala kang alam!" sigaw ko sa mukha at mukhang di siya natinag sa pagsigaw ko.

"alam niyo namang lahat na elementary pa lamang ay may gusto na ako kay Azrail!" walang saysay kung magpapaliwanag pa ako, di rin naman papakinggan.

"pero magkasintahan na si Vixen at Azrail!" nonsense "inagaw niya saakin si Azrail!" sigaw ko rito "hindi sa'yo si Azrail, Vien"

hinalikan ko lang naman si Azrail ano bang mali roon?

"that's it, kay Celes ka muna titira" what the? "are you fucking kidding me?" 

"watch your mouth Anierre Vien Arellano" napairap ako sa nanay kong kanina pa nanonood saamin.

ganiyan naman siya eh, nanonood lang siya palagi kapag nagkakasagutan kamii ni dad walang kwenta.

"Really, Mom?" di ko makapaniwalang tanong dito "walang signal and ayoko ro'n it's like ayaw ko sa mga tao ro'n" 

"edi maganda, at nang magtino ka" sabad naman ng kuya kong kararating lang.

EPAL.

i rolled my eyes nang mag mano siya sa mga magulang namin.

"i can't believe na magagawa niyo ito saakin" di parin ako makapaniwala.

"yes, we can" pwede naman kasing sa states diba!? "bukas ay aalis kana"

"you can't do this to me!" naiinis ako bakit ba sila pa naging magulang ko?

"kailangan mong matuto ng leksyon" mariin na sabi ng aking baliw na ama
hindi ako makapaniwalang tumingin sa aking ina na kanina pa nanonood
"ano? hindi mo manlang ba pipigilan itong asawa mo?"

wala akong narinig na salita sa magaling kong ina kaya nasisiguro kong hindi niya ako matutulungan dito.

"besides, ikaw ang maghahandle ng resort natin sa cebu" what the fuck is he saying? 
"i te train ka ni Celes na mag handle ng resort" no i won't do that, pumayag lang naman ako na kunin ang business ad na course dahil classmate ko si Azrail

"i don't care sa mga business mo, o kung ano man ang mga iyan" di ako papayag.

"wala akong pake sa kakarampot na pamana mo kapag namatay ka." nag walk out na ako ayoko na ulit na pagusapan iyon.

HINDI.AKO.AALIS. yan ang tama 

dahil sa walang kwenta kong kapatid to eh, kasalanan niya lahat ng nangyari saakin 

kasalanan niya ang lahat nang ito.

hindi ako iiyak dahil lamang sa walang kwentang babaeng iyon at sa pamilya kong may pinapaburan palagi.

hindi ko na nagawang mag skin care routine dahil dinalaw na ako ng antok.



tumama sa mukha ko ang sinag nang araw kaya unti-unting nagkakamalay na ako at napansin kong gumagalaw ang aking hinihigaan.

pinilit kong mag unat at nahulog ako sa backseat.

oo sa backseat!

"gising na pala ang prinsesa" napaigtad ako nang marinig iyon

"Aunt Celes? what the fuck is happening? Where am i?" narinig ko ang tawa ng aking tiyan at nginiwian it.

"secret, baby" napangiwi ako sa sagot niya, alam ko namang wala akong makukuhang matinong sagot sakaniya kaya iginaya ko ang aking paningin.

natanaw ko mula sa malayo ang mga naglalakihang bulubundudukin.

hindi rin nakatakas sa aking paningin ang dagat na kulay asul sa linaw at kitang kita rito kung gaano ka puti ang buhangin.

"so, this is isla paraiso?" tanong ko sa nagmamaneho sa driver's seat 

"yes, dito kami lumaki ng tatay mo" napairap naman ako sa pagkukwento niya sa na rito daw kuno sila lumaki ng tatay ko.

napabuntong hininga na lamang ako nang makitang walang signal ang aking sim

"sa bayan ang malakas ang signal" napataas naman ang isa kong kilay sa kaniyang sinabi 

"sa bahay mo ba?" tanong ko rito "ang yaman yaman mo, bakit di ka magpatayo ng tore ng smart"

narinig ko ang pagtawa nito "wala namang pag gagamitan"
napairap naman ako sa sagot nito.

"dadaan naman tayo sa bayan" nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa sinabi nito.

iisipin ko na lang na isa itong bakasyon para hindi na ako ma stress.

mula sa malayo ay tanaw na tanaw ko ang mga makukulay na dekorasyon at mga bahay bahay 
sa tingin ko ay malapit na ang pista sa kanilang baryo dahil nbapakarami ng mga makukulay na  banderitas na nakasabit sa kani kanilang tahanan. 

"may dadaanan pa ako Avi, dumito ka muna sa kotse habang naghihintay" wala na akong pake sa sinabi niya dahil kaagad kong tinignan ang aking cellphone kung may signal naba.

"bahala ka" di nga ako nagkakamali.

may signal na kaso pa wala wala.

nang itinapat ko ang cellphone sa labas ay biglang nag full bar ang signal status ko kaya't lumabas ako ng kotse at naghanap ng signal. 

kanina pa talaga ako naiinis dahil sa pa wala walang signal napabuntong hininga na lang ako.

matagal pa naman siguro si tita Celes maghahanap muna ako ng signal. 

nang pumasok ako sa isang eskinita kung saan malakas ang signal ay naging stable na ang aking signal.

-

"dad is really crazy talaga" napabuntong hininga ako at rinig ko ang pagtawa ng kaibigan kong si Clea sa kabilang linya.

tinawagan ko siya para sabihin na nasa Isla Paraiso ako.

(for your own good din naman eh, he even said diba? na i te train ka ni ninang Celes mag handle ng resort) napairap naman ako sa sinabi niyang iyon.

"yeah right"

(isipin mo na lang na bakasyon iyang pinunta mo riyanpara di kana ma stress) 

"yun na nga eh" napasimangot na lang ako sa di inaashang pangyayari ay natumba ako sa gitna ng daan.

what the fuck??

agaran akong tumayo at sinugod ang kung sinong bumangga saakin.

"are you blind!?" sigaw ko sa pagmumukha nito at mukhang siya ay natigilan 

"pasensya na Miss" 

bumalik ako sa riyalidad nang marinig ko ang kaniyang boses.

the john?? nag daydream ako??

napakurap ako nang inabot niya saakin ang kaniyang kamay para tulungan akong tumayo.

tinanggap ko ang kamay nito nakakahiya na rin kasi pinagtitinginan na kami nga mga tao at ngayon ko lang napansin na nasa palengke pala ako.

"pasensya na talaga, nagkatulakan at di ko alam na nariyan ka saaking likod Miss" napataas ang aking isang kilay sa kaniyang sinabi.

"ayos lang" hindi ko alam anong pumasok sa isip ko kung bakit ko na sabi iyon.

tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at napansin ko na ang suot niyang short ay maong na parang ginupit sa pantalon at naka sando na mas lalong nagdepina sa kaniyang maskuladong katawan na halatang batak talaga sa gawain.

hindi nakatakas saaking paningin ang kaniyang mga kilay na makapal at ang kulay kayumangging mga mata na napaka lamig kung tumingin na kung hindi mo siya kilala ay parang hinuhusgahan na niya ang buong pagkatao mo. 

kapansin pansin dina ang kaniyang matangos na ilong na lalong nakapag padagdag sa kagwapuhan niya.

dumapo ang aking paningin sa kaniyang labi na may natural na pagka pula. 

"sigurado ka bang ayos ka lang miss?" nakita ko ang sakong buhat buhat niya ay inilapag na muna niya.

"ah, oo ayos lang ako" tumalikod na ako para bumalik sa eskinitang pinaglusutan ko kanina. 

pogi, matangkad, moreno, maskulado ang katawan, at mukhang masipag pa.

gosh wag mo na nga siyang gawing crush Anierre Vien Y Arellano mukha na nga siyang pamilyadong tao eh.

"ikaw talagang bata ka kung saan saan ka nagsusuot" tulala parin ako sa nangyari saakin paano na lang kaya kung mangkukulam pala siya tapos kinulam ako kasi binangga ko siya.

napatingin ako saaking celphone nang makitang call ended na pala ang tawag.

napabuntong  hininga na lamang ako "bakit naman ganiyan mukha mo" mas lalong nalukot ang mukha ko sa sinabi ni tita Celes.

"diba uso yung mga mangkukulam sa probinsya?" i ask out of curiosity 

"silly, saan mo ba nakuha yan?" tumawa siya mas lalong nalukot ang aking mukha sa kaniyang ginawang pagtawa.









Isla ParaisoWhere stories live. Discover now