"Hahaha! Hindi ka magkakaroon ng kaibigan!"
"Bakit ka ba sumasama sa min? Ayaw ka naming maging kaibigan!"
"Subukan mong isumbong yung mga ginawa namin, asahan mong yung bag mo naman ang itatago namin sa susunod! Hahaha!"
"Mas mabuti sana kung hindi ka na lang pumasok sa klaseng ito e!"
Ano bang nagawa kong kasalanan sa kanila? Bakit ba nila ako pinagkakaisahan? Gusto ko lang namang mabuhay ng tulad ng mga batang katulad ko.. May mga kaibigan at kasama.
"Kuya! Kuya! Hoy! Gumising ka na!"
.....Napabangon ako bigla sa lakas ng sigaw ng kapatid ko. Panaginip lang pala ang lahat. Dinalaw na naman ako ng panaginip na yun.
"Hoy! Kuya! Ano nang plano mo sa buhay? Di ba ngayon ang unang araw ng klase mo sa bago mong paaralan? Tanghali na nasa kama ka pa din."
Oo nga pala. Unang araw ng klase ko sa bagong paaralan. Nilipat pala ako ng mga magulang ko sa pampublikong paaralan dahil tumaas ang matrikula sa dati kong paaralan
at nagkaroon na naman ako ng bagong problema sa mga kaklase ko sa dati kong paaralan.
"Lumabas ka na ng kwarto mo at handa na yung tanghalian mo. Kumain ka muna bago ka pumasok sa eskwela sabi ni Mama."
Nalimutan kong ipakilala ang sarili ko. Ako si Carlo Dino. Carlo na lang dahil yun ang tawag sa kin sa bahay. Madalas Dino ang tawag sa kin ng mga kaklase ko pero sa tingin ko hindi ata magandang ideya yun. Apelyido ko ang Dino (Mukha lang pangalan.) at madami kaming Dino sa bahay. Mas nakalilito kapag may naghanap sa kin ng Dino e lahat kami sasagot dahil Dino ang apelyido ng pamilya ko.
Simula pa lang pagkabata e hindi talaga ako nagkaroon ng mga totoong kaibigan. Nung bata ako e lumalapit lang sila sa kin at nakikipaglaro kapag
may bago akong laruan. Sagana ako dati sa luho dahil ako lang ang nag-iisang lalaki sa ming magkakapatid. Pero yung mga luho din lang yun ang mga kalaro ko. Dahil kapag nasira na yung mga laruan ko e hindi na sila lumalapit o hindi na nila ako sinasali sa mga nilalaro nilang pambata sa labas. Nakaranas naman akong makalaro ng mga larong kalye. Tumbang preso, Tagu-taguan at iba pa. Kaso ako lagi ang taya at "binuburot" lang ako ng mga kalaro ko dahil mas matatanda sa kin yung mga kalaro ko.
Sa huli uuwi lang ako umiiyak dahil mag-aalisan na yung mga kalaro ko pag sawa na silang burutin ako. Hindi din naman maganda ang naging "social life" ko sa paaralan dahil mas mayayaman sa kin ang mga kaklase ko at mas magaganda ang mga laruan nila. Kumbaga matataas na klase sila at ayaw nilang makisama sa mas mababang klase. Madalas pa akong ma "bully"
dahil hindi naman ako lumalaban pabalik kapag pinagkatuwaan nila ako. Kaya madalas mapag-isa na lang ako kapag break time namin.
BINABASA MO ANG
Leksyon ng D' Good Boyz
ActionPanganay at nag-iisang lalaki si Carlo Dino sa magkakapatid. Marunong at may talento siya kaso ang problema: Wala siyang kaibigan. Mahina ang Social skills niya at madalas siyang mabully nung kabataan niya hanggang eskwelahan. Kaya nagkaroon siya ng...