Dalawang linggo na simula nung nang umpisa ang panibagong buhay ni Carlo sa panibago niyang eskwelahan. Magkahalong kaba at pagkamangha ang naramdaman niya sa unang araw niya sa eskwelahan. Naninibago siya sa kapaligiran at takbo ng pamumuhay ng mga estudyante dun. Ang higit sa lahat kinabigla niya ang inasal ng isa niyang kaklase....
Maagang nagising si Carlo sa unang araw ng ikalawang linggo niyang pagpasok sa bagong eskwela. Paglabas niya ng kwarto nadatnan niya ang kapatid niyang si Mae sa kusina. Naghahanda ito ng almusal.
"Ang aga mong magising ah? Di ba mamayang tanghali pa ang pasok mo?" Tanong nito.
"Maghahanda lang ako ng mga dadalhin ko ngayong araw." Sagot ni Carlo na medyo inaantok pa buhat sa pagkakagising nito.
"Kamusta ang unang linggo mo sa bagong eskwelahan. Masaya ba?Hihi!" Tanong ni Mae na parang nakakaloko ang tono.
"Kung papipiliin ako ng sagot kung masaya ba o hindi.. Dun sa masaya?" Sagot ni Carlo na parang di sigurado.
"Bakit parang hindi ka sigurado?" Tanong ni Mae na parang dismayado. "Kahit kelan talaga wala kang kwenta tanungin e." Dagdag pa nito.
"Naninibago lang siguro ako sa kapaligiran ng eskwelahan." Sagot ni Carlo. Pumunta ito sa lamesa at kumuha ng Pandesal na inihanda ni Mae.
"Oi! Oi! Sinong may sabi sa yong kumuha ka ng almusal ko? Maghanda ka ng almusal ng sarili mo." Sabi ni Mae. "Mamaya pa ang pasok mo di ba? Para sa kin lang ang inihanda kong almusal dahil di ko namang akalaing gigising ka nang maaga ngayon." Dagdag nito.
"Parang mas "hyper" ang mga estudyante sa pampublikong paaralan. Dati yung mga kaklase ko busy na agad sa paggawa ng mga takdang-aralin na binigay nung unang linggo ng klase. Ngayon parang hindi sila nababahala kung may gawa silang takdang-aralin o wala." Sagot ni Carlo na nag-iisip habang isinasalarawan niya ang mga estudyante sa bago niyang paaralan.
"Pero mga masasayahing tao sila di ba?" Sabi ni Mae habang kumakain ng almusal. "Kamusta naman ang social life mo? Nakahanap ka na ba ng kasundo sa mga kaklase mo?"
"Wala pa sa ngayon." Sagot ni Carlo habang nagtitimpla ito ng kape. "Pero meron akong isang kaklase na nakatawag pansin agad sa kin e."
"Bakit? Anong meron sa kaklase mong iyon? Kakaiba ba?" Tanong ni Mae habang patuloy itong kumakain ng almusal.
"Nagkasagutan kasi agad sila nung Substitute Adviser namin nung unang araw ng klase. Tapos hindi na siya pumasok pagkatapos nun. Sabi ng iba kong mga kaklase sakit na daw talaga ng ulo ng buong eskwelahan yung isang iyon." Sagot ni Carlo habang umiinom ng kape na tinimpla niya.
"Aba, ayos ah? Bilib ako sa tapang ng isang iyon." Sabi ni Mae. "Sabagay nasa elementarya pa lang ako kaya wala pa akong nakakasalamuha na ganung estudyante sa min." Dagdag nito.
BINABASA MO ANG
Leksyon ng D' Good Boyz
ActionPanganay at nag-iisang lalaki si Carlo Dino sa magkakapatid. Marunong at may talento siya kaso ang problema: Wala siyang kaibigan. Mahina ang Social skills niya at madalas siyang mabully nung kabataan niya hanggang eskwelahan. Kaya nagkaroon siya ng...