Third Person's POV
"Celeste, nabasa ko Yung bagong storyang ginawa mo. Ang ganda non sobra! Gawa ka pa ng maraming storya para magkapera ka Naman at Hindi ka na manghihingi Ng libre Sakin." Sabi ng kaibigan ni Celeste na si Zion sa telepono.
"Eto na nga po, naghahanap na ng bagong paksa sa bagong storya na gagawin ko" Sagot ni Celeste sa kaibigan habang papunta sa librarya.
"Sige sige, pagpatuloy mo yan, may gagawin din Kasi ako. Ihahatid ko pa si mama sa airport kasi may business meeting ata sa Florida." Sabi ni Zion bago ibinaba Ang tawag.
"Ang bastos talaga nitong Batang to, binabaan ba Naman Ako Ng telepono." Sabi ni Celeste sa sarili habang nakaharap na sa pinto Ng librarya.
Pagpasok niya Ng librarya, agad siyang naghanap Ng magandang paksa para sa susunod na libro na gagawin niya. Sa paghahanap, nakakita siya Ng nobela na nakakuha Ng atensyon niya dahil sa pamagat nito. "Tadhana"
Sinimulan niyang basahin ito at natuklasan niyang tungkol Pala ang storya sa Parallel Words. Natapos ang storyang binasa niya na hindi nagkatuluyan ang magkasintahan dahil sa oras at Tadhana na humahadlang sa kanila dahil sa magkaiba ang Mundo nila.
Pagkatapos niyang basahin Ang libro. Umuwi na siya habang Hindi pa Rin Maka get over sa librong binasa. Palagi niya itong iniisip na humantong sa pagbukas niya sa selpon niya at pag tweet sa Twitter na Ang nakalagay,
"Do parallel world exist?"
Hindi umabot ng minuto ang post niya at marami kaagad ang nag react at nag komento. Habang nagbabasa Ng mga komento, biglang may nag chat sa kaniya na Ang pangalan ay Kai. Binasa niya Ang chat nito,
@Kai: I saw your stories on Twitter, Ang gaganda Ng gawa mo and parang nakita na rin kita dati.
Nasurpresa si Celeste sa pagchat Ng lalaki sa kaniya. Hindi niya Kilala Ang lalaking nag chat at kakaiba Rin Ang pag chat nito. Sino ba namang Hindi ma weweirduhan kung bigla nalang may nagchat sayong di mo Kilala at bigla nalang sasabihin na parang nakita ka na nila dati.
Kahit ganun man Ang reaksyon niya, nireplyan niya pa rin ito.
@Celest: Salamat sa pagbasa ng mga libro ko, san mo pala ako nakita?
@Kai: may Kilala akong kamukha mo, kaso lang ang sungit non.
@Celeste: Noh, WHAHAHAHAHAHA baka di Ako Yun, di Naman Ako masungit, Ang bait ko kaya.
@Kai: kaya nga eh.
Sa paguusap ni Celeste kay Kai, Hindi niya namalayan Ang oras na Pagabi na pala, nalaman nalang niya nung kinatok Ng nanay niya Ang kwarto niya para bumaba na at Kumain.
Nagdaan ang mga Araw, palaging nag uusap sa Celeste at Kai sa Twitter. Marami siyang nalaman tungkol sa lalaki. Nalaman niyang Kyron Edevanne Pala ang totoong pangalan nito at Kai lang yung palayaw niya. Hindi ALAM ni Celeste kung Bakit komportable siyang kausap si Kai. Hanggang sa nagplano Silang magkita.
Plano nilang magkita sa labas Ng skwelahan ni Celeste. Nagtaka nga si Celeste kung pano nalaman ni Kyron ang paaralan niya kaya tinanong niya ito kaso Hindi Naman ito sumagot.
Sa tagpuan nila, naghintay si Celeste na dumating si Kyron Hanggang sa may nakita siyang kamukha nito. Akmang lalapitan na niya ito ngunit may biglang humablot sa kaniya sa likod, pag harap niya Dito, dun niya nakita si Kyron.
Nagulat si Celeste sa nakita, napatanong siya sa sarili kung Bakit may dalawang Kyron siyang nakita. Akala niya nababaliw na siya ngunit totoo talaga Ang nakita niya. MAY DALAWANG KYRON! magkamukha talaga!
"Kakambal mo Yun Kai?" Tanong ni Celeste kay Kyron sabay turo sa lalaking nakita niya sa may parke malapit sa kinaroroonan nila.
Hindi makatingin si Kyron sa kaniya.
Para itong nabalisa dahil sa Tanong niya, ngunit pansamantala lang Yun dahil naging kalmado ulit ito.